BI SUPERVISOR SA NAIA, INILUSOT SA PASTILLAS?

BISTADOR Ni RUDY SIM NAGSILBING bagwoman umano ang isang batang immigration supervisor sa nagdaang opisyales ng Bureau of Immigration (BI) na isinangkot at nakasuhan sa Pastillas scheme ngunit ito’y inilusot na lamang na hindi makasuhan sa naging partisipasyon nito. Planong pagpapakasal at pagkasilaw sa salapi ng tauhan ng Travel Control Enforcement Unit (TCEU) na si alias “KS” na immigration supervisor sa NAIA, ang nakikitang dahilan kung bakit ito nasangkot muli sa pagpapalusot ng pasahero palabas ng ­bansa kapalit ang malaking halaga. Bagamat mahigpit ang bilin ni Pangulong Ferdinand ­”Bongbong” Marcos…

Read More

BAKIT MARAMING BUMABATIKOS KAY EXEC. SEC. RODRIGUEZ?

MY POINT OF BREW Ni JERA SISON SIMULA nang maglabasan ang presidential nominations sa mga itinalagang posisyon sa gobyerno, nakapagtataka kung bakit nagkakaroon at bumuhos ang mga tsismis na ang namimili raw ng ipinupuwesto para sa mga government position ay si Executive Secretary Vic Rodriguez? *** Sa totoo lang, ang mga taong nag-iisip nito ay tila minamaliit ang kapasidad at katalinuhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.! Sino ba ang ang inihalal ng mahigit na 31 million voters upang mamuno ng ating bansa? Si Atty. Vic Rodriguez o si PBBM?…

Read More

PLAKA-PLAKDA

SUMAMBULAT ang galit ng mga ­motorista bunsod ng panawagan ng Land Transportation Office (LTO) sa Kongreso. Ayon sa ahensyang mandato’y tiyaking nasa ayos ang transportasyon, kailangan nila ng P6 bilyon para maayos ang tinatawag na “backlog” ng paggawa ng mga plaka. Ang totoo, angkop lang namang ibigay na sa mga motorista ang pinagbayarang plakang kalakip ng kanilang nakarehistrong sasakyan. Pero teka, hindi nga ba’t may ­nilagdaang kontrata ang Department of Transportation taong 2014 sa Power Plates Development Concepts Inc.- J. Knieriem BV-Goes (PPI-JKG). Ang siste, bigo ang naturang kumpanya na…

Read More

HEALING AGENDA NI GOV. HELEN TAN SA QUEZON, UNTI-UNTING SUMUSULONG

NAPAG-ALAMAN na halos walang tulugan ang ‘peg’ ngayon ni Quezon Governor Helen Tan. Ito’y bunsod ng sunod-sunod na engagements o activities na dinadaluhan ng gobernadora mula nang ma-­upo sa pwesto matapos manalo sa halalan noong Mayo. Aba’y kasama sa mga aktibidad na ito ay ang online meeting niya sa Provincial Development Council, ang kauna-unahang pakikipagpulong ng masipag na lady governor, kasama ang organisasyon. Kung hindi ako nagkakamali, naging sentro ng pagpupulong ang presentasyon ng Annual Investment Plan, alignment of programs sang-ayon sa HEALING Agenda, at direction for the development of…

Read More

NAGULANGAN NG CHINA SI DIGONG?

DPA Ni BERNARD TAGUINOD MUKHANG nagulangan ni Chinese President Xi Jinping si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil binusog ito ng pangako kapalit ng kanyang pag-pivot sa China pero lahat ay napako. Kung baga, natanso si Duterte dahil sa $24 billion na pangakong pautang ng China sa kanya ay $1.1 billion lamang ang tinupad kaya ‘yung ipinagmamalaki niyang railway project sa Mindanao kung saan siya nagmula, ay hindi nagawa. Hindi naman lingid sa ating lahat na masyadong malapit si Duterte sa China at binalewala ang western countries dahil akala niya tutuparin…

Read More

OFW SA KUWAIT, GINUGUTOM NG AMO

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP PALIHIM na ipinaabot ng isang OFW ang kanyang sumbong sa pamamagitan ng isang kapwa OFW na kanyang nakasabay sa ospital sa Kuwait habang ito ay nagpapakonsulta sa doktor. Ayon sa sumbong na ipinarating ni OFW Cindy Gallardo, siya ay namamasukan bilang kasambahay sa isang tahanan sa Jaber Ali, sa bansang Kuwait. Halos isang buwan pa lamang siya sa kanyang amo, pero sa simula pa lamang ay naranasan na n’ya ang hindi magandang pagtrato ng kanyang amo. Kung dati ay nababasa lamang nito sa…

Read More

DENGVAXIA VACCINE HINDI SAGOT SA KASO NG DENGUE SA BANSA

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO MAHIGPIT na tinututulan ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta ang muling paggamit ng Dengvaxia vaccine para labanan ang tumataas na bilang ng mga tinamaan ng nakamamatay na dengue virus sa bansa. Ayon kay Acosta, hindi naman siya anti-bakuna kundi, kaya lamang siya tutol sa paggamit ng Dengvaxia vaccine kontra Dengue dahil sa napatunayan nang hindi ito mabisang bakuna laban sa dengue at bagkus napatunayan na nakapipinsala sa sino mang maturukan ng naturang bakuna. Ang pahayag ni Chief Acosta ay kasunod na rin…

Read More

TAGA-CMG CARGO SINUBUKANG MAGPALUSOT SA AMIN

RAPIDO Ni PATRICK TULFO HINDI matatapos ang isyu tungkol sa ALL WIN, CMG at KABAYAN cargo hangga’t hindi pa natatanggap ang mga padala ng ating mga kababayan mula sa UAE sa kanilang mga pamilya rito sa bansa. Sa ngayon ay nakatengga pa rin sa compound ng Manila International Container Port (MICP) ang mga bagahe. Pero sa pinakahuling update ng Bureau of Customs (BOC), nagsimula na ang proseso ng bidding para sa mga inabandonang mga cargo containers matapos na ibigay ng ALL WIN ang manifesto sa labing-apat na containers, hinihintay na…

Read More

HUWAG NANG ITULOY ANG PALPAK NA POLYMER BANK NOTES

OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO NOONG nakaraang kolum ay tinalakay natin ang kapalpakan ng polymer bank notes na gustong ipalit ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa kasalukuyang umiiral na perang papel na ginagamit sa bansa. Dangan kasi ay sobrang palpak naman pala ang plastic na perang ito na hindi man lang puwedeng itupi o malukot kahit konti kundi ay hindi na ito tatanggapin at ituturing na legal tender. Samantalang kung matatandaan ay unang ipinangalandakan noong isang taon ni dating BSP Governor at ngayon ay Finance Secretary Benjamin Diokno na isa…

Read More