OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO HINDI lingid sa kaalaman ng maraming Pilipino na binuo ang 1987 Constitution na nakaangkla sa paniniwala na hindi na kailanman kailangang sumailalim sa ano mang uri ng diktadurya ang bansang Pilipinas. Dangan kasi, binuo ito ilang buwan pa lang matapos na iligal na agawin ng mga dilawan kasama ang mga kakampi nilang mga komunista, ang kapangyarihan kay dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1986. Dahil mahigit 20 taon din na naluklok sa kapangyarihan si FM ay talagang nakadisenyo ang 1987 Constitution para sirain ang ano mang…
Read MoreCategory: OPINYON
HUWAG SOBRANG KUMPIYANSA
KUNG pagbabatayan ang pag-amin ng Department of Health (DOH), muling nagbabadya ang bangungot na dala ng lintek na pandemya. Sa nakalipas na mga linggo, 91% ng 81 lalawigan sa bansa ay kinakikitaan ng mabilis na pagdami ng kumpirmadong mga kaso ng nakamamatay na COVID-19. Ang nakalulungkot, tila maaantala na naman ang isinusulong na pagbangon ng bansang inilugmok ng tigil-operasyon ng mga negosyong nagsisimula pa lang makabawi sa dagok ng pandemya. Sa National Capital Region (NCR), sumampa sa 9.3% ang positivity rate. Kapansin-pansin ang mabilis na hawaan sa rehiyon kung saan…
Read MoreREKLAMO LABAN SA ALLWIN CARGO SERVICES, INAKSYUNAN NG AMING PROGRAMA
RAPIDO Ni PATRICK TULFO INAKSYUNAN ng aming programa ang reklamo ng mahigit dalawang daan nating mga kababayan sa Dubai, UAE. Ito ay may kinalaman sa nawawalang balikbayan boxes na kanilang ipinadala sa kanilang mga mahal sa buhay rito sa Pilipinas. Ayon sa isa sa ating nakapanayam sa ating programa, na may kapareho ring titulo na napakikinggan sa DZME 1530khz, na si Romela Villaroel, isang caregiver sa naturang bansa, mahigit dalawang daang OFW na nagtatrabaho sa UAE ang naloko ng ALLWIN Cargo Services na ang may-ari ay kababayan din natin na…
Read MoreHINDI MADALI ANG MAGING ISANG OFW
AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP MARAMI ang nag-aakala na masarap ang maging isang OFW. Paniwala pa nga ng marami ay madali lamang ang trabaho sa ibang bansa, mayayaman at mansyon na naka- air-condition ang iyong pagtatrabahuan. Kalimitan din nakikita sa pelikula o ibang social media na maraming pagkain at mansanas at marami ring magagandang damit. Naniniwala rin ang karamihan na ilang taon lamang ay makapagpapatayo na ng sariling bahay. Naalala ko tuloy noong ako ay nagtungo sa Nouralah, South Cotabato para makipaglibing sa yumaong OFW na si Jeanlyn…
Read MoreDOKTORA HELEN TAN, NANUMPA NA BILANG GOBERNADORA NG QUEZON
SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG MULING nagbunyi ang mga tagasuporta ni dating 4th District Representative Doktora Helen Tan. Ito’y matapos manumpa ang dating kongresista bilang kauna-unahang babaeng gobernadora ng Quezon province. Si Tan ay nanumpa sa tungkulin sa harap ni Supreme Court Associate Justice Joseph Lopez habang nakapatong ang kamay sa Bibliya na hawak ng mister na si Engr. Ronnel Tan. Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni Tan na tapos na ang pagwawalang bahala sa kapakanan ng maliliit sa lipunan. Panahon na aniya ng serbisyong may kabuluhan at…
Read MoreBAWAT SENTIMO MAHALAGA
HINDI na bago sa hanay ng mga bagong luklok sa pwesto ang isantabi ang proyekto ng sinundang liderato, sa hangaring magpabida sa publiko at layong tuluyang ibaon sa limot ng mga tao ang pinalitan o tinalong punong ehekutibo. Ang masaklap, walang pinipili ang pagbabasura ng mga programa at proyektong pinaglaanan at tinustusan gamit ang pondo ng gobyerno. Ang siste, muling paglalaanan ng pondo ang kanilang proyektong kung susuriin ay wala rin namang pinag-iba sa programang ibinasura. Sa gitna ng isang krisis, marahil angkop lang na maging maingat ang mga nasa…
Read MoreMAS PASIGLAHIN PASIG RIVER FERRY SYSTEM
OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO MAY kasabihan tayong mga Pinoy na ang anim na taong termino para sa isang mahusay at mabuting pangulo ay napakaiksi, subalit maituturing na napakahaba naman kung bobo at korap ang presidenteng mamumuno sa bansa sa nasabing panahon. Ang mas masama pa rito ay kung nanggaling sa kalabang kampo ang susunod na pangulo dahil malaki ang tsansa na ipahinto niya ang mga proyekto ng pinalitan niya, kahit maayos naman ang mga programang ito. Naalala ko tuloy sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Noynoy Aquino. Noong panahon…
Read MoreKORAPSYON SA PHILHEALTH, SA OFWs ANG TAMA?
PUNA Ni JOEL AMONGO UMAARAY ang mga kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs) dahil sa sobrang laki ng kaltas para sa kanilang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) contributions. Nitong nakaraang araw, isang OFW na nagtatrabaho sa Gitnang Silangan (Middle East) ang tumawag sa PUNA upang ireklamo ang sobrang laking binayaran niya sa kontribusyon ng kanyang PhilHealth. Itago na lamang natin siya sa pangalang Esperanza, halos 20-taon na siyang nagtatrabaho sa Gitnang Silangan bilang OFW. Dati-rati, sa tuwing umuuwi siya sa Pilipinas, ang binabayaran lamang niya sa kontribusyon sa PhilHealth sa…
Read MoreSINDIKATO SA PNP HUWAG TANTANAN
DPA Ni BERNARD TAGUINOD MARAMI ang nagbabantay kung titirada na ba ulit na walang kinatatakutan ang mga sindikato sa Philippine National Police (PNP) ngayong hindi na pangulo si Rodrigo Duterte. Pero palagay ko naman ay hindi hahayaan ni President Bongbong Marcos na muling mamayagpag ang mga sindikato sa PNP na isa sa mga tinarget ni Duterte sa kanyang war on drugs at peace and order campaign. Medyo lumaylay o nagpalamig ang mga tiwaling pulis sa kanilang ilegal na gawain sa nakaraang anim na taon pero marami ang natatakot na baka…
Read More