INSIDER Ni FERNAN ANGELES KUNG gusto may paraan. Kung ayaw, maraming dahilan. Ito ang kwento ng hindi kasikatan subalit mahusay na opisyal mula sa isang sensitibong departamento. Sa isang pulong balitaan, tinalakay ng isang Energy official ang sadlak dusang dulot ng mataas na buwanang singil sa konsumo ng kuryente at ang walang humpay na pagpapataw ng dagdag-presyo ng mga produktong petrolyo. Ayon kay Undersecretary Benito Ranque, kayang kaya naman pababain ora mismo ang presyo ng langis hanggang P3.26 kada litro, maging ang buwanang singil sa kuryente ng mga pobreng Pilipino…
Read MoreCategory: OPINYON
HIGIT SA LAHAT, DIPLOMASYA
SA hudyat ng pagbaba sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte, target ng susunod na administrasyon ang pagpapairal ng isang “open foreign policy” na magbibigay-daan sa mas maraming kaalyado, lahat kaibigan at walang kaaway. Gayunpaman, nilinaw ni incoming President Ferdinand Marcos Jr. na mananatiling atin ang pinagtatalunang West Philippine Sea, kasabay ng pagtitiyak na hindi niya pahihintulutan sa kanyang anim na taong panunungkulan ang agawin ng maski sino – kesehodang kaalyado, ang kahit maliit na bahagi ng teritoryong nasa hurisdiksyon ng bansang Pilipinas. Sa isang banda, dapat lang naman ipaglaban ng…
Read MoreMABILIS ANG AKSYON SA SUMBONG NG OFW SA QATAR
AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP PORMAL nang naiproklama ng Kongreso at Senado ang bagong halal na Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Bise Presidente Sara Duterte. Dahil dito, ay nagsisimula na ring mabuhayan ng kalooban ang bawat mamamayang Pilipino na tuluyan nang susulong ang ating bansa lalo na’t ang Pangulo, Bise Presidente at maging ang mataas at mababang kapulungan sa kauna-unahang pagkakataon ay tila nasa iisang landas ng layunin na buhaying muli ang pagkakaisa bilang isang bansa. Inaasahan ng bawat mamamayan na ang mga…
Read MoreMGA HUNGHANG
RAPIDO Ni PATRICK TULFO NAIPROKLAMA na bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng National Board of Canvassers na binubuo ng mga miyembro ng Senado at Mababang Kapulungan ang tambalang BBM at Sara Duterte na nagwagi nitong nakaraang halalan matapos ang isinagawa nilang bilangan. Mabilis na natapos ang bilangan dahil na rin sa kawalang pagtutol ng mga kampo nina VP Leni Robredo at Mayor Isko Moreno na kinatawan ng kanilang mga abogado. Si BBM o Ferdinand Romualdez Marcos Jr. ang ika-17 na Pangulo ng bansa samantalang ika-14 na Bise-Presidente naman si Sara…
Read MorePANIBAGONG HAMON KAY REMULLA
BISTADOR Ni RUDY SIM MATAPOS tanggapin ni Cavite 7th District Rep. Crispin ”Boying” Remulla ang alok ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pamunuan ang Department of Justice (DOJ), ay kailangan nitong bitiwan ang kanyang puwesto bilang mambabatas upang tulungan si BBM na maisaayos ang ating justice system at maibigay ang tamang hustisya sa mga napagkaitan ng katarungan. Ang pagkakatalaga kay Remulla ni Pangulong Marcos sa ahensya ay maaaring masusing pinag-aralan na ng Pangulo dahil na rin sa kanilang matagal na pinagsamahan at tiwala na makakayanan nito ang trabahong nakaatang…
Read MoreTAMANG TAO SA USAPIN NG ENERHIYA
HINDI maikakailang nasadlak ang bansa sa dusa sa usapin ng enerhiya. Mataas na buwanang singil sa kuryente, walang puknat na pagpapataw ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, manipis na supply ng elektrisidad, sabwatan ng mga taong gobyerno sa mga kapitalistang oligarko – ilan lang ‘yan sa mga dahilan sa likod ng problema ng sambayanang Pilipino. Ang totoo, mayaman sa likas na yaman ang Pilipinas. Sandamakmak na daluyan ng tubig na angkop sa hydro energy, mga bulkang dapat sana’y ginamit sa pagtatayo ng geothermal power plants, sikat ng araw na sangkap…
Read MoreGABINETE NI BBM UNTI-UNTI NANG NABUBUO
OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO ISA tayo sa mga natuwa nang malaman natin na ang bossing natin dito sa Saksi Ngayon na si Atty. Vic Rodriguez ang magiging executive secretary ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. Gaya ng alam na natin, si Atty. Vic na mas kilala sa alias na VDR, ang chief of staff, spokesman at kaibigan ni BBM. Mula sa election protest noong taong 2016 kung saan ay nadaya si BBM sa pagka-bise presidente – matapos palitan ang letrang Ñ – ay hindi na iniwan ni Atty. Vic…
Read MoreHEALING BEGINS
DPA Ni BERNARD TAGUINOD TINANGGAP na nina Vice President Leni Robredo at Manila Mayor Isko Moreno ang resulta ng halalan noong Mayo 9 na malinaw na pinanalunan nina presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at presumptive Vice President Sara Duterte. Mismong ang mga abogado nina Robredo at Moreno ang nagpatunay sa integridad ng katatapos na halalan kaya hindi na sila nag-object na i-canvass ang lahat ng certificate of canvass. Sina Robredo at Moreno ang ikalawa at ikaapat sa 10 presidential candidates na nakakuha ng maraming boto sa katatapos na halalan…
Read MoreDEVANADERA, SINOPLA NI SALCEDA
PUNA Ni JOEL AMONGO SA gitna ng krisis sa enerhiya, higit na angkop para sa Department of Energy (DOE) ang isang kalihim na hindi ignorante sa mga batas na may kaugnayan sa kuryente at langis. Tumbukin na natin! Hindi ko kasi inaasahang sa bibig pa ni Energy Regulation Commission (ERC) chairperson Agnes Devanadera magmumula ang giit na pagbasura ng value added tax sa kuryente – nang ‘di na kailangan pa ang anumang batas. Ang totoo, pasakit sa mga ordinaryong Pinoy ang mataas na buwanang singil sa kuryente. Dapat lang naman…
Read More