PAGSAPIT ng Hunyo 30, isang bagong pangulo ang manunumpang gagawin ang lahat upang isulong ang kapakanan ng sambayanang Pilipino, batay sa probisyong kalakip ng umiiral na Saligang Batas. Bahagi ng kanyang mandato ang pagtatalaga ng mga taong makakatuwang sa ipinangakong programang magsisilbing hudyat ng bagong yugto patungo sa landas ng kaunlaran, kapayapaan, kaayusan at magandang kinabukasan. Ano nga ba ang wastong batayan sa pagpili ng mga kalihim na kukumpas sa iba’t ibang departamento? Ang totoo, mistulang gantimpala sa mga sumuporta sa kandidatura ng mga nagdaang pangulo ang mga sensitibong pwesto…
Read MoreCategory: OPINYON
SINDIKATO NG OFFLOAD GANG SA NAIA
MAGALING din talagang tumayming ang ilang tiwaling mga empleyado sa pamahalaan. Iyong iba kasing dorobo sa gobyerno ay sinasamantala ang pagiging abala ng halos buong bansa sa kinalabasan ng halalan. Ito kasing kampo ng Dilawan na nagkukunwaring Pinklawan ay hindi pa rin matanggap ang pagkatalo kaya kung ano-anong mga kabulastugan pa rin ang mga pinaggagawa nila hanggang ngayon. Pati nga iyong thanksgiving rally kuno sa Ateneo ay ginawa pang sobrang hype at doon ay patuloy pa rin ang mga patutsada nila at paglalagay ng duda sa walang kaduda-dudang panalo ni…
Read MoreEKSPERTO, ‘DI POLPOLITIKO SA DOE
SA napipintong pag-upo ng ika-17 Pangulo sa Hunyo, higit na kailangan ang ibayong pagkilatis sa mga itatalaga sa iba’t ibang departamento. Sa nakalipas na tatlo’t kalahating dekada, nagmistulang gantimpala sa mga sumuporta sa kandidatura ng mga nagdaang pangulo ang mga sensitibong pwesto sa pamahalaan – kabilang ang Department of Energy, isang kagawarang higit na angkop ang pagtatalaga ng mga eksperto higit pa sa mga kasanggang politiko. Usap-usapan sa hanay ng mga kilalang negosyante ang hangad na pamunuan ng artistahing anak ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang DOE. Ang totoo, lubhang…
Read MoreLOCAL POSITION PERA-PERA NA LANG
ISA ako sa umaasa na sana ay maamyendahan na ang 1987 Constitution baka sakaling mabago ang sistema ng pagboto ng local officials na karamihan o halos lahat ay nananalo dahil sa pera. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang bilihan ng boto sa local position lalo na sa probinsya pero ang sabi ng isa sa mga dating Sangguniang bayan (SB) member sa isang probinsya sa Norte, nakaranas siya ng talo nang magkaroon ng bilihan ng boto noong 2001 na huling takbo niya sa konseho. Ipagpalagay natin na totoo ngang nagsimula…
Read MoreKONSWELO DE BOBO
LUBHANG nainsulto ang mga obrero sa P33 na arawang umentong iginawad ng Metro Manila Regional Wage Board sa mga manggagawang nakabase sa National Capital Region (NCR). Dangan naman kasi, baryang-barya ang naturang halaga kumpara sa isinusulong na P533 dagdag sa arawang kita ng sektor ng manggagawang gulugod ng ekonomiya. Gayunpaman, hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga manggagawang Pilipino sa napipintong pag-upo ng ika-17 pangulo sa Hunyo. Sa ilalim ng umiiral na sistema, nasa pangulo pa rin naman ang huling pagpapasya kung aayunan ang rekomendasyon ng regional wage boards. Ang…
Read MoreTOOTS OPLE MAS BAGAY NA KALIHIM SA DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS
UNA sa lahat ay ibig kong magpasalamat kay Atty. Vic Rodriguez na aming presidente at publisher ng pahayagang Saksi Ngayon sa muling pagbibigay sa akin ng pagkakataon na muling makapagsulat sa aking kolum. Noon tayo ay nagsimulang mangampanya ay pansamantala tayong huminto sa pagsusulat bilang pagsunod sa alituntunin ng COMELEC para sa patas na pagkakampanya. Kaya maraming mga kaso at sumbong ng OFW ang hindi natin nabigyan ng puwang sa ating pahayagan. Ngunit bago tayo magsimula sa pagbibigay daan sa mga hinaing at sumbong ng ating mga OFW ay hayaan…
Read MoreLANDSLIDE WIN NI BBM, RESPETUHIN
ISA sa mga napakahalagang kaganapan sa kasaysayan ng bansa ay ang kakatapos lamang na halalan, kung saan nasaksihan natin ang paglobo ng bilang ng mga botanteng gumamit ng karapatan sa pagboto upang iluklok sa pwesto ang mga lider na kanilang pinaniniwalaang magbabangon sa ating ekonomiya mula sa epekto ng COVID-19. Sa tulong ng teknolohiya at mabilis na internet connection, hindi naging matagal ang paghihintay natin sa resulta ng nakalipas na eleksyon sapagkat ilang oras lamang matapos ang halalan ay batid nating sina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao…
Read MoreTANGKANG PAGPAPABAGSAK KAY BBM BAGO JUNE 30, SUMABLAY
ILANG araw na lamang bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte at pagpasok ng pamahalaan ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay sinalubong na ito ng black propaganda at tila tinangka nang idiskarel ang bagong gobyerno matapos muling akusahan ng duwag at nagtatagong si dating PCGG chief at COMELEC Chairman Andy Bautista ang pamilya Marcos kaugnay sa larawan ng pagbisita ni BBM sa kanyang ina na si dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos sa kanyang tahanan sa Makati City kung saan ay makikita ang umano’y nawawalang Picasso painting.…
Read MorePARU-PARO AT BALIMBING
SA napipintong panunumpa ng ika-17 pangulo ng bansa, muling bumida sa entablado ang mga paru-paro at balimbing sa larangan ng pulitika. Ang mga maingay sa patutsada, sa isang iglap bumaliktad at pumupusturang kakampi na. Sila yaong mga may higit pa sa isang mukhang gamit sa pagdapo kung saan nila inaakalang may mapapala. Sa mahabang panahon, karaniwang nakikita ang pagsibol ng mga balimbing pagkatapos ng halalan. Mga senador, kongresista sa Kamara, mga gobernador, alkalde at maging mga negosyanteng kabi-kabila pumusta. Ilan lang ‘yan sa dapat asahan sa mga susunod na linggo…
Read More