SA simula pa lamang ng kanyang termino, ipinamalas na agad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagiging brusko. Patunay nito ang walang takot na pagsagupa sa mga sangkot sa kalakalan ng droga – sindikato man o yaong nakaupo sa pwesto. Sa madaling salita, isa siyang sigang Pangulo. Subalit sa lalawigan ng Pampanga, may kilalang gambling lord na tila mas siga pa sa Pangulo. Dangan naman kasi, pati ang direktiba ng Pangulo, balewala lang dito. Ang siste, tila naghahamon pa ang isang Bong Pineda – ang kapitalista sa likod ng Sabong…
Read MoreCategory: OPINYON
LENI UMAMING ‘DI NA KAKAYANING MANALO
BAGAMA’T sobrang ingay sa social media ng mga supporter ni Leni Robredo at sandamakmak na praise release ang pinakakawalan nila sa mga traditional at new media, pero sa kabila nito ay alam ng kanyang kampo na unti-unti nang nauubos ang oras nila at nagsasara na ang pinto para sa kanilang kampanya. Hindi kasi mapapasubalian na talagang napakalaki ng lamang ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa kanya, base na rin sa resulta ng lahat ng mga survey na isinagawa ng mga pinakarespetado at mapagkakatiwalaang polling firms sa bansa. Nagdudumilat ang…
Read MoreMAY KASALANAN DIN ANG BROADCAST MEDIA
TULAD ng pangako ko, tatalakayin natin kung bakit dapat sisihin din ang mga local broadcast media kung bakit hindi nababago ang lipunan at namamayagpag pa rin ang political dynasty sa ating mahal na bansa. Kung merong maiingay sa fourth state, ito ay ang broadcast media. Kumpara sa print media, mas maraming oras ang mga broadcaster na magsalita kumpara sa mga nagsusulat sa mga dyaryo. Limitado ang espasyo ng mga print journalist habang ang mga broadcasters, isang oras sila nagsasalita sa ere kaya lahat ng gusto nilang sabihin ay nasasabi nila…
Read MoreMATAPOS IENDORSO NG INC, LAMANG NI BBM KAY LENI TATAAS PA
PINANINIWALAAN ng mga Pilipino na lalo pang tataas ang magiging lamang ng boto ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. laban kay Leni Robredo matapos na pormal siyang iendorso ng Iglesia Ni Cristo (INC) kamakalawa. Ang endorsement ng INC sa BBM-Sara UniTeam ay inanunsyo noong Martes (May 3, 2022) sa Net25 na kilalang pagmamay-ari ng Eagle Broadcasting Corporation (EBC) na kunektado sa INC. Bukod kina BBM-Sara, inendorso rin ng INC ang senatoriables na sina Jojo Binay, Alan Peter Cayetano, JV Ejercito, Guillermo Eleazar, Chiz Escudero, Jinggoy Estrada, Sherwin Gatchalian, Loren…
Read MoreTOTOY MOLA NG BATANGAS
TAONG 1997 nang lumikha ng eskandalo sa mundo ng pelikulang Pilipino ang piyesang “Totoy Mola” na pinagbidahan ng mahusay na aktor na si Jay Manalo. Ang mga kababaihan sa pelikula, nahumaling kay Totoy Mola dahil sa kanyang extra-large na kargada. Makalipas ang dalawa’t kalahating dekada, muling nabuhay ang interes ng masa sa isang balitang kumakaladkad kay Jay Manalo kaugnay ng diumano’y kahalayan sa isang masahista. Pero teka, hindi ang premyadong artista ang bida kundi ang isang halal na opisyal sa bayan ng Mataas na Kahoy sa lalawigan ng Batangas. Siya…
Read MoreTADHANANG PAGBANGON
ILANG araw mula ngayon, muling uukit ng kasaysayan ang hindi bababa sa 65 milyong rehistradong botanteng Pilipino, gamit ang kapangyarihang kalakip ng karapatang pumili ng angkop na mamumuno sa susunod na anim na taon. Kung pagbabatayan ang kabi-kabilang presidential surveys kung saan nakatala ang milya-milyang agwat ng pambato ng UniTeam sa pinakamalapit na katunggali sa halalan, walang dudang si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos ang susunod na pangulo. Sa datos ng Pulse Asia, umani ng 54% ang anak ng Ilocandia. Hindi naman nalalayo ang resulta ng pagtatala ng iba pang…
Read MorePRRD LEGACY SA MGA OFW
MAGANDANG araw mga ka-Saksi at mga kabayani! Happy Eid’l Fitr sa ating mga kapatid na Muslim sa buong mundo. Nitong May 2, ipinagdiwang ng mga muslim ang holiday kung saan nagtatapos ang holy fasting ng Ramadan. Base sa Muslim lunar calendar, ang timing ng Eid ay ibinabase sa pagpapakita ng crescent moon. *** Maraming magagandang legacy na iiwanan ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa sambayanang Pilipino, partikular na sa overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga pamilya na umaabot na sa humigit kumulang sa 10 milyon. Isa na…
Read MorePAGGAMIT NG ALCOHOL AT FACE MASK
PARANG mga bakang nakawala sa koral ang marami sa pagluwag ng “protocols” na ipinatutupad laban sa COVID-19 buhat nang bumaba na ang bilang sa Pilipinas ng mga tinatamaan ng virus na nagmula sa Wuhan, China. Ito Ang Totoo: tuwing “weekend”, lalo na sa “holidays”, apaw ang mga tao sa mga beach, resorts at iba pang pasyalan, kapwa sa mga mamahalin at kahit sa “cheapy-cheapy” lang, at lalo na sa mga libre o walang bayad na mapupuntahan. Hindi naman sa tayo ay kontra sa pamamasyal o paglilibang, pero mahirap arukin ang…
Read MorePAGSASABATAS NG RA 11712, PINASASALAMATAN
ABOT-ABOT ang pasasalamat ng health workers sa pangunguna ng pinuno ng House Health Panel na si Rep. Angelina “Helen” D.L. Tan, M.D. 4th District, Quezon, kay Pangulong Duterte sa paglagda nito upang maging ganap ng batas ang “Public Health Emergency Benefits and Allowances for Health Care Workers Act”. Nilagdaan na kasi ni President Rodrigo Duterte ang batas na nagbibigay mandato para sa tuloy-tuloy na benepisyo ng healthcare workers sa panahon ng COVID-19 at iba pang public health emergencies na maaaring maganap sa mga darating na panahon. Ang Republic Act No.…
Read More