SINDIKATO SA DENR

KUNG pagbabatayan ang pahayag ni Pangulong ­Rodrigo Duterte nitong nakalipas na linggo, malinaw na batid niya ang pamamayagpag ng mga tiwali sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). Aniya pa – “I fired them all.” Pero parang kulang. Hindi niya nahagip ang mga utak-sindikatong opisyales na pilit iginigiit ang isang Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan ng yumaong dating Environment Secretary Gina Lopez na itinalaga niyang kalihim nang maging Pangulo taong 2016. Sa ilalim ng nasabing MOA, ibinigay nang libre ng pamahalaan ang hindi bababa sa 2,700-ektaryang lupain sa…

Read More

SEMANA SANTA: PANAHON NG PAGNINILAY

DALAWANG libong taon, tila nakalimutan na ng sangkatauhan ang pag-aalay ng buhay ni Hesukristo sa hangaring tubusin ang pagkakasala natin. Patunay nito ang patuloy na pangingibabaw ng poot, inggit, kasakiman at pagiging makasarili. Wala na rin pagsidlan ang kakuntentuhan ng tao sa kapangyarihan, kaalaman at mga materyal na bagay. Hindi na rin marahil magawang magpasalamat sa mga biyayang tinatamasa. Ang totoo, ‘yun lang isinilang tayo sa mundo ay isa nang biyaya, bagay na hindi kailanman dapat mawaglit sa ating isipan. Sa pagsipa ng Semana Santa, higit na angkop ang pagninilay.…

Read More

PNP HIRAP NA HIRAP SA PR

MAY bagong sistema na sa recruitment ng Philippine National Police (PNP) dahil lahat ng mga aplikante ay meron nang QR code para maiwasan ang palakasan sa pagpasok sa pambansang pulisya. Hindi tulad noon na kapag may kakilalang mataas na opisyal kahit hindi kuwalipikado ay nakapapasok sa PNP, kaya magandang hakbang ito para maibalik ang tiwala ng publiko sa mga pulis. Ang problema lang ngayon ng Pambansang Pulisya ay ‘yung mga naunang nakapasok na hindi kuwalipikado kaya marami pa ring bugok sa kanilang organisasyon at ‘yun ang nagpapahirap sa public relation…

Read More

‘MARSO’ TANDEM LUMUTANG?

ISANG buwan na lang bago idaos ang May 9 national and local elections ay muli na namang may lumutang na bagong tandem, ito ay ang tambalang Marcos-Sotto o tinawag nilang “MarSo.” Sinasabi ng ilang grupo na ang MarSo tandem ay “perfect combination” o dili kaya ay “Combo Panalo.” Parang pagkain lang ha. Ito ngayon ang umuugong sa social media na tambalang MarSo o pinagsamang apelyidong Marcos at Sotto mula sa grupo na kumakatawan sa iba’t ibang sektor. Walang ibang nangunguna sa presidential race kundi si dating Sen. Bongbong Marcos (BBM)…

Read More

SAKLOLO, SAKLOLO MAY PULIS!

SA dami ng suliraning kinakaharap ng bansa dulot ng lugmok na kabuhayang iniwan ng ­pandemya at ­krisis sa ekonomiya, nakalulungkot isiping laganap ang mga pag-abuso ng institusyong dapat sana’y pinoprotektahan ang mamamayan. Nang balangkasin at isinabatas ang Republic Act 6975 of 1990, tuluyang nilansag ang Philippine ­Constabulary (PC) at Integrated National Police (INP) dahil sa laganap na pag-abuso at ipinalit ang Philippine National Police (PNP) sa hangaring iwasto ang mga maling kalakaran sa hanay ng unipormado. Subalit taliwas sa inaasahan, naipasa lang ang kultura ng pag-abuso na tila pangalan lang…

Read More

PAANO MAGPARAMI NG DOKTOR AT NARS

KUNG hindi pa dahil sa pandemya, hindi marahil napagtanto ng pamahalaan ang mabilis na pagnipis ng hanay ng mga doktor, nars at iba pang healthcare workers na mas pinipili na lamang makipagsapalaran sa ibang bansa kung saan mas malaki ang kita bukod pa sa pagpapahalaga sa kanila. Kung hihimayin ang ­konstitusyon, nakasaad sa ilalim ng kategoryang “Bill of Rights” ang probisyong nagsusulong ng kalusugan – ke-sehodang may pera o maralita. Ang masaklap, hindi naman ganun ang nangyayari sa reyalidad. Dangan naman kasi, lamang sa lahat ang may pera. Sa mahal…

Read More

POEA NABIKTIMA NG FAKE NEWS

Aksyon OFW

MAGANDANG araw mga ka-Saksi at mga kabayani! Nabiktima ng “fake news” ang Philippine Overseas Em­ployment Administration (POEA) matapos kumalat sa social media ang diumano’y lifting ng suspensyon sa deployment ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia. Nilagdaan diumano ni POEA administrator Bernard Olalia ang Advisory No. 69, series of 2022 na may petsang April 4, 2022. Nakasaad sa diumano’y POEA advisory ang pag-alis ng suspensyon sa deployment ng OFWs kasunod ng clarification at assurance ng gobyerno ng Saudi Arabia thru the Royal Embassy of Kingdom of Saudi…

Read More

IMMIGRATION AIRPORT CHIEF POSITION, PINAG-AAGAWAN

MATAPOS ang kontrobersya ng umano’y katiwalian sa Bureau of Immigration ka­ugnay sa Pastillas Scheme ay tila hinahabol ng ilang tauhan ng ahensya ang natitirang panahon ng administrasyon upang makuha ang permanent position bilang hepe ng Port Operations Division. Ang POD na isang departamento ng BI na may kapangyarihan sa lahat ng mga airport sa bansa, ang isa sa mga pangarap na posisyon at ­ngayon ay pinag-aagawan ng ilang aplikante habang hinihintay ang magiging desisyon ni DOJ Secretary Menardo Guevarra kung sino ang masuwerteng makakukuha ng plantilla. Ayon sa impormasyon na…

Read More

BAHAY-BAHAY NA BAKUNAHAN

SA isang pamahalaang nagkukumahog ­mangalap ng pondo, isang malaking kasalanan sa hikahos na mamamayan ang napipintong pagkasayang ng hindi bababa sa 27 milyong doses ng bakuna kontra sa nakamamatay na COVID-19. Magkano nga ba ang halaga ng masasayang na bakuna? Sa P600 per dose, lumalabas na P16.2 bilyon ang napunta lang sa wala bunsod marahil ng matamlay na information drive ng Department of Health (DOH) na siyang nanganga­siwa sa malawakang pagbabakuna. Ang masasayang na pondo, sapat para bigyan ng tig-isang kaban (50 kilo) ng bigas ang 8.1 milyong Pilipino na…

Read More