INTEGRIDAD NG HALALAN

SA pag-amin ng Commission on Elections (Com­elec), tuluyan nang nasagot ang ­katanungan ng publiko hinggil sa seguridad at integridad sa resulta ng nalalapit na halalan sa Mayo. Gaano nga ba katiyak ang Comelec na walang magaganap na dayaan sa kinapapanabikang eleksyon? Ang totoo, walang kasiguruhan lalo pa’t ang mismong automated election system na gagamitin sa Mayo ang napasok ng isang empleyado ng Smartmatic Inc. na ginawaran ng kontrata para pangasiwaan ang teknolohiyang kalakip ng halalan. Sa kabila ng deklarasyon ng Comelec at Smartmatic na tanging mga datos lang ng kanilang…

Read More

DROGA SA DARKNET

SA gitna ng masigasig na operasyon ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa kalakalan ng droga, may mga bagong estilo ang mga sindikato sa kanilang bentahan. Gamit ang makabagong teknolohiya, ang lulong sa droga ay pwedeng umorder online, ayon sa PDEA. Ang totoo, matagal nang kalakaran ang online transactions sa bentahan ng mga kontrabando – armas, pekeng pera, droga at iba pa. Pero dahil na rin sa paghihigpit ng gobyerno sa nakalipas na dalawang taon bunsod ng panganib na dala ng COVID-19, mas marami…

Read More

KAWAWA ANG MGA BATA

ISA sa pinaka-apektadong sektor sa napakahabang lockdown ay ang mga kabataan dahil hindi lamang lumala ang kanilang pagkaadik sa gadgets kundi lalong hindi natutukan ang kanilang pag-aaral. Halos dalawang taong hindi nakalabas ang mga bata. Ni makipaglaro sa mga kapitbahay ay hindi nila nagawa dahil sa takot ng mga magulang na makapag-uwi sila ng virus at mahahawa ang buong pamilya. Kung noong wala pang ­pandemya ay naaadik na sila sa gadgets, mas lalo silang nagkaroon ng mahabang panahon sa laptop, smart phones na napakaraming apps at kung anu-ano ang kanilang…

Read More

BBM NANGUNA SA 7-ELEVEN SPEAK CUP! VOTE

HINDI maitatanggi ang katotohanan na milya-milya ang layo ng survey ratings ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (BBM) laban sa kanyang mga katunggaling presidential aspirants. Sa isinagawang 7-Eleven Speak Cup! vote as of March 30, 2022, si BBM ay nakapagtala ng 982,251; sumunod si Robredo na may 538,331; pangatlo si Moreno,150,731; pang-apat si Pacquiao, 88,389; panglima si Lacson, 78,520 at ang undecided na may 349,649. Base sa Island Group: Sa Metro Manila si BBM ay nakakuha ng 41%, North Luzon, 50%; South Luzon, 42%; Visayas,…

Read More

KONTRA-PELONG POLISIYA

SA gitna ng panawagan ng pamahalaan para sa pagtitipid ng konsumo ng langis at enerhiya, naglabas ng babala ang Department of Finance (DOF) sa hanay ng Business Process Outsourcing (BPO) industry sa loob ng special economic zones para sa agarang pagbabalik-opisina ng kanilang mga empleyado, kabilang ang call center agents. Babala ng DOF, tatanggalan ng tax incentives ang BPO firms na susuway sa direktiba. Sa isang banda, may katwiran din naman ang DOF. Sa ilalim kasi ng Republic Act 7916 (Special Economic Zone Act of 1995), may tax incentive na…

Read More

‘E-SABONG, KAILANGAN NG GOBYERNO’

KAHIT anong polisiya ng gobyerno, may kumo­kontra. Kung minsan, ‘yung iba, may nasasagasaan talaga. Kaya hayun, kinokontra ng ilang sektor. Pero alam naman natin na dahil sa kasalukuyang krisis, kailangan ng pamahalaan ang electronic sabong o e-sabong. Bunga nito, binigyang-katwiran ni Pangulong ­Rodrigo Duterte ang kanyang desisyon na hindi itigil ang operasyon ng mga e-sabong sa bansa. Kumbaga, hindi maaaring masunod ang Senado. Hindi naman nila alam ito. Ang Palasyo ang naghahanap ng solusyon para maibsan ang epekto sa ekonomiya ng pandemya. Kung maaalala, inirekomenda ng mga senador na suspendihin…

Read More

Isang pagpupugay sa PSA

NAIS papurihan ng SALA SA INIT … SALA SA LAMIG ang ­Philippine Sportswriters Association sa minsan pang pagkilala sa mga atletang Pilipinong nagbigay karangalan sa bansa sa halos lahat ng sporting arena sa mundo noong 2021. Ang PSA ang kaisa-isang grupo, simula nang itatag ang ­organisasyon noong 1949, ang hindi nakalilimot parangalan ang mga atletang Pinoy na nagpapakita ng husay sa local at world sports. Maliban noong magdeklara ng Martial Law sa Pilipinas, walang sawa ang PSA sa pagsuporta sa ating mga atleta, lalo nang muling buhayin ang PSA noong…

Read More

LENI SUPPORTERS NILAGLAG SI SEN. GORDON SA SENATORIAL LINE UP

DAHIL sa diumano’y pagiging bastos ay dismayado ang mga Kakampinks kay Sen. Dick Gordon at kumalat ang hashtag na #DropGordon para sa ­senate slate ni presidential candidate Leni Robredo. Hindi umano masikmura ng mga supporter ni Robredo ang kabastusang ipinapakita ni Gordon sa mga campaign sortie nila. Sa rally sa Nueva Ecija ng kampo nina Robredo ay hindi umano nagustuhan ng mga kakampinks ang inasal ni Gordon. Nang ipakilala niya ang isang kasama sa senatorial slate na si ­dating Rep. Teddy Baguilat ay ginaya niya ang katutubong sayaw para ilarawan…

Read More

BBM #1 PA RIN; MISSILE ATTACKS NG KALABAN ‘DI UMUBRA

ANG kalagayan ng ­eleksyon ngayon sa ating bansa partikular sa presidential frontrunner na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay maihahalintulad sa patuloy na pag-atake ng Russian forces na mahigit isang buwan nang nag­dulot ng matinding pagkawasak sa bansang Ukraine ngunit ­naging matatag ang kanilang Pangulo na si Volodymyr Zelensky na hindi sukat akalain ni Russian President Vladimir Putin na ang isang dating komedyante sa pelikula ay ­kayang harapin nang buong tapang at ipinagtanggol ang kanyang bansa sa pilit na pagkubkob dito. Mula pa nang ­magsimula ang campaign period sa ­ating…

Read More