NITONG nakaraang ilang araw at linggo ay kapansin-pansin ang sobrang pagsakay nina Isko Domagoso, dating SC Justice Antonio Carpio at Leni Robredo kasama ang mga kampon ng mga dilawan, sa isyu ng umano ay P203-B estate tax ng mga Marcos. At dahil nga wala silang ibang pakay kundi gibain ang kandidatura ni presidential frontrunner Bongbong Marcos, ay pinipiga nila nang husto ang isyu at pinalalabas pa na hindi sila nagbabayad ng dapat bayaran sa gobyerno. Siyempre naman ay paniwalang-paniwala ang mga kampon ng mga kalaban sa kasinungalingang pilit na ipinakakalat…
Read MoreCategory: OPINYON
PAHIYA ANG CHINA
NOONG 2020 nagpadala ang China ng kanilang health experts kuno sa Pilipinas para tumulong sa pagsugpo sa COVID-19 na nagsimula sa Wuhan, China hanggang sa kumalat sa buong mundo. Hindi kagandahan ang assessment ng medical experts kuno ng China sa Pilipinas sa preparasyon sa pandemya dahil wala raw tayong sapat na pasilidad para sa mga magkakasakit. Sa awa ng Diyos at sa tulong ng western countries ay nalagpasan natin ang pandemya matapos ang dalawang taon na nagdulot ng paghihirap ng sambayanang Pilipino at ikinamatay ng halos 60,000 katao. Hindi na…
Read MoreLEA MARIE CRUZ-TORRES MAGTAGO KA NA!
TINUTUGIS na ngayon ng mga awtoridad si Lea Marie Cruz-Torres, may-ari ng Bardagulan FB Page na nag-post ng ‘PEKENG QUOTE CARD KAY VINNY MARCOS’. Ikaw ngayon ang mababardagul ‘pag natiklo ka ng mga pulis. Nitong nakalipas na Biyernes, isang peke at mapanirang impormasyon na naman ang inilabas sa social media ng mga kalaban ni Marcos. Ito ang post sa Bardagulan FB Page ni Lea Marie Cruz-Torres: ‘Sa anak na nya galing yan ha. Ngayon nyo sabihin na hindi addict ang kandidato nyo. He WAS an addict but NOT anymore. He…
Read MoreDINASTIYA SA PARTY-LIST
SA loob ng mahabang panahon, naging kanlungan ng malalaking angkan ng mga politiko ang party-list system kung saan halos sila-sila rin lang ang nominado. Ano nga ba ang political dynasty? Ang political dynasty ay isang pamilya ng mga politiko sa isang lugar at naipapasa sa kanilang kapamilya ang katungkulang ginagampanan sa pamahalaan. Kabilang sa mga bansa kung saan legal ang political dynasty ay ang Tsina, Japan, Inglatera North Korea at Espanya. Ang totoo, mahigpit na itinatakwil sa ilalim ng Saligang Batas ang political dynasty. Subalit dahil pinamamahayan din ng angkan…
Read MoreBarangay Ginebra pipigilan ni Coach Norman, Meralco
DALAWANG koponan, Barangay Ginebra ng San Miguel Corp. ni businessman-sportsman Ramon S. Ang at Meralco ng MVP Group ni Manny V. Pangilinan, ang magsasagupa para sa kampeonato ng 46th PBA Governors’ Cup. Binigo ng Gin Kings ang NLEX Road Warriors, 3-1 sa kanilang best-of-five series para makuha ang unang upuan sa Finals. Tinalo naman ng Bolts ang Magnolia Hotshots, 4-1 sa kanilang bukod na serye para gold medal play. Ang paghaharap ng Ginebra at Meralco ay laban na naman ng RSA Group vs. MVP Group, na naging kalakaran na ng…
Read MorePITMASTER FOUNDATION, NAG-DONATE NG AMBULANSIYA AT WHEELCHAIRS SA ORMOC
NAKATANGGAP ng isang brand new ambulance at 46 wheelchairs ang Ormoc City mula sa Providing Indigent Timely Medical Assistance Service and Targeted Emergency Relief (PITMASTER) Foundation. Mismong si foundation Executive Director Caroline Cruz ang nag-turnover ng donasyon sa LGU-Ormoc sa pangunguna nina Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez ng Leyte 4th District. Kung hindi rin daw dahil sa mga local officials tulad nina Gomez at Lucy, aba’y hindi rin ito maisasakatuparan. “Madasigon ug malipayon kaayo ta ron buntaga kay daghan kaayo ta og grasyang nadawat especially that the blessings…
Read MorePEKE NA NGA, ABUSADO PA
NANG isabatas ang Republic Act 7941 (Party-list System Act) noong taong 1995, layon nitong bigyan ng tinig ang mga abang sektor ng lipunan sa Kongreso – mga obrero, magbubukid, mangingisda, maralitang tagalungsod, katutubo, senior citizens, kabataan, may kapansanan, kababaihan, beterano ng digmaan, mga Pilipino na nakikipagsapalaran sa ibayong dagat at mga propesyunal. Bagama’t mayroon din namang tunay na kumakatawan sa kanilang sektor na kinabibilangan, higit na marami ang naging kongresista gamit ang mga sektor na hindi naman nila kinabibilangan. Ang totoo, marami sa kanila’y mula sa malalaking angkan sa larangan…
Read MoreCONSPIRACY THEORY SA MARCOS ESTATE TAX, DAPAT REPASUHIN
MAINIT na pinag-uusapan ngayon ang umano’y hindi nabayarang estate tax ng pamilya Marcos na kung ating titingnan ay isang malinaw na propaganda upang ang kandidatura ng presidential front runner na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay gibain ng ilang kulelat na presidential candidates. Mahigit isang buwan na lamang at sasapit na ang araw ng paghuhukom ng mamamayang Pilipino upang iluklok ang karapat-dapat na susunod na lider ng bansa, at patunay na nagkaka-isa ang sambayanan sa naging mainit na pagtanggap nila kay BBM sa kabila ng kaliwa’t kanang paninira ng mga…
Read MoreBBM PALALAKASIN ANG PHILHEALTH
NASA bingit ng reorganisasyon ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kung sakali mang si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang maihalal na bagong pangulo, dahil sa isyu ng hindi pagbabayad ng utang sa mga pribadong ospital. Ayon kay BBM, hindi isyu sa medikal ang problema sa PhilHealth kundi mismong nasa pamamahala. Giit ng PhilHealth, bumabagal lamang ang pagbabayad nila dahil sa mga ospital na hindi nagiging tapat sa kanilang claims. Bukod sa mga pribadong ospital ay iniinda na rin ng mga hotel operator at Philippine Red Cross ang hindi…
Read More