‘DI NAGSASAWANG GUMASTOS

LILIGAWAN umano ni Β­Manny V. Pangilinan, chairman emeritus ng Samahang BasketΒ­bol ng Pilipinas (SBP) ang Fiba central board, upang payagan si NBA 2021 Sixth Man awardee Jordan Clarkson ng Utah Jazz para lumaro sa Gilas Pilipinas bilang local player sa 2023 World Cup. Ayon ito kay Gilas coach Chot Reyes nang mag-guest sa Radyo5’s Power and Play with Noli Eala. Wow! NBA player sa Gilas team! Magandang ideya. Maganda nga ba? Minsan na ring pinaunlakan ni Clarkson ang Pilipinas nang lumaro sa national team noong 2018 Asiad sa Indonesia under…

Read More

ESTILONG TRAPO NI GORDON

SA pagsingaw ng bulilyaso ng Department of Budget and Management (DBM) at Pharmally Pharmaceutical Corporation, angkop lang tukuyin ang may sala, bagay na tila inabuso ng Senate Blue Ribbon Committee at sukdulang gamitin at sakyan sa pamumulitika. Kung tutuusin, malaking tulong talaga ang imbestigasyon ng Senado “in aid of legislation.” Pero ‘yung nga ba ang pakay ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon? Sa ganang akin, tila lumabis ang komite nang idamay pa ang Pharmally Biological Pharmaceutical Company (PBPC). Katwiran ni Gordon, board member din kasi…

Read More

MIDDLEMAN

NAPAPANGITI na lang ako kapag may nagsasabi na “tatanggalin na natin ang mga middleman” sa sektor ng agrikultura at ang gobyerno na ang bibili ng ani ng mga magsasaka. Suntok kasi sa buwan ang pangakong iyan sa mga magsasaka. Puwedeng gawin pero malabo pa sa hinaharap dahil ang dami pang dapat gawin muna bago mangyari ang matagal nang pangarap na ito ng mga nagbubungkal ng lupa. Bilang isa sa mga nasa sektor na ito, alam kong mahirap pa sa ngayon na mawala ang middleman hanggang hindi handa dahil may mga…

Read More

PAGKAWALA NG 26 SABUNGERO NAKAKAALARMA NA

HINDI na biro ang pagkawala ng 26 sabungero mula sa iba’t ibang sabungan sa Metro Manila at iba pang kalapit na mga lalawigan. Sa nakuhang impormasyon ng PUNA, ang 10 sabungero mula sa Bulacan ay nanggaling din umano sa kaparehong cockfighting arena sa Sta. Cruz, Laguna. Unang napaulat na nawala ang 4 sa kanila sa Sta. Cruz noong Enero 13, 2022. Kasunod nito ang isa pang insidente ng pagkawala ng 6 na sabungero sa Maynila sa kaparehong araw. Isang buntis na sumama lang sa kanyang nobyo na nagpunta sa sabungan…

Read More

SUKLI NG KATUTUBO SA MGA PANGAKO

SA hudyat ng Commission on Elections (Comelec), umpisa na ang pangangampanya sa hanay ng mga kandidato sa posisyon ng presidente, bise-presidente, senador at mga kongresista. Kanya-kanyang diskarte sa paggalugad ng mga lugar kung saan malaki ang populasyon ng mga rehistradong botante. Lahat ng sulok ay susuungin kesehodang mabaho at masikip. Pati kabundukang pinamamahayan ng mga katutubo ay aakyatin makamit lang ang botong panalangin. ‘Yan ang estilong trapo. Pero ‘di ‘yan uubra sa mga katutubo. Ang totoo, matagal na nilang hiling sa mga dumadayong politiko ang magkaroon ng maski maliit na…

Read More

PACQUIAO AT MORENO, PABOR SA E-SABONG

POSITIBO ang reaksiyon ng ilang presidential candidates ukol sa e-sabong. Sa “Panata sa Bayan” forum ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), pabor sina Manila City Mayor Isko Moreno at Sen. Manny Pacquiao sa electronic sabong at ilang online games o gambling. Ang nais lang DAW nila ay i-regulate ito. “Kung talaga siyang proΒ­bΒ­lema, legal o ilegal, Β­mananatili siyang problema,” ani Moreno. “I would rather put them under the authority and supervision of the state.” Kailangan aniya ng pondo ng gobyerno lalo na’t nananatili pa rin ang krisis sa…

Read More

GUANZON BIGO SA KANYANG TUNAY NA AGENDA

MATAPOS na magretiro ang kontrobersyal na Comelec commissioner na si Rowena Guanzon ay patuloy pa rin nitong inaakusahan ang kapwa opisyal na si Commissioner Aimee Ferolino, na siyang ponendo sa ilalabas na resolution. Bagama’t hindi pa nailabas ang desisyon, biglang inilabas ni Guanzon ang kanyang dissenting opinion kung saan bumoto ito para sa DQ ni BBM na bagay na kinukuwestiyon ng ilang legal experts dahil ‘di maaaring magkaroon ng dissenting opinion kung wala pang resolution na lumalabas. Nilabag daw ni Guanzon ang sub judice rule at ilang batas, na maaaring…

Read More

GASGAS NA ANG TOXIC CAMPAIGNING

HINDI lamang ang ating kalusugan ang higit na naapektuhan ng pandemyang dulot ng COVID-19, pagkat ang mga pabalik-balik na quarantine restriction at kawalan ng regular na trabaho ay higit ding nakaapekto sa mentalidad ng ating mamamayan. Sa darating na buwan ng Mayo, gaganapin nang muli ang panibagong halalan kung kaya’t hindi na bago ang kaliwa’t kanang batikusan na ating nasasaksihan sa mundo ng pulitika na tila ba ay paboritong teknik ng ating mga kandidato upang sila at hindi ang kanilang mga katunggali ang maluklok sa pwestong kanilang hinahangad. Kaya lamang,…

Read More

PAHIWATIG NI DU30 SA OMBUDSMAN

BATAY sa itinakda ng Saligang Batas, malinaw ang mandato ng Pangulo – ang pamunuan ang ehekutibong sangay ng pamahalaan at ang hukbong sandatahan ng bansa. Halaw sa salitang ehekutibo, trabaho ng isang Pangulo ang magpatupad ng mga proyekto at programa sa ikabubuti ng bansa. Wala sa kanyang mandato ang pag-aabogado sa mga usaping legal, partikular sa diumano’y iregularidad na pagsasalin ng controlling stake ng Malampaya gas field sa isang kaalyadong negosyante, kesehodang nag-ambag pa ito ng malaking halaga sa kanyang kampanya. Bagama’t abogado, taliwas naman sa angkop ang nakitang pihit…

Read More