NANANATILING misteryo ang pagkawala ng hindi bababa sa 34 kataong pinaniniwalaang pinadukot at pinapatay ng sindikato sa likod ng game-fixing sa larong sabong. Ayon sa Philippine National Police (PNP), nagsasagawa na sila ng imbestigasyon kaugnay ng mga naganap na pagdukot ng mga sabungero sa Maynila at mga lalawigan ng Bulacan, Laguna at Rizal β isang pahayag na karaniwan nang palusot para pahupain ang hinanakit ng mga pamilyang sukdulang nakikiusap na makita man lang ang kanilang padre de pamilya, patay man o buhay. Ang totoo, sadyang nakakaalarma ang pagkawala ng mga…
Read MoreCategory: OPINYON
MAGKITA-KITA NA BA SILA?
MAGDADALAWANG TAON nang hindi nakita ng mga estudyante ang kanilang eskuwelahan dahil sa ΒCOVID-19 at magdadalawang taon na ring hindi nila nakita nang personal ang kanilang mga classmate. Pero may mga senyales na malapit nang masilayan muli ng mga estudyante ang kanilang sinisintang paaralan at makikila na rin nila nang personal ang kanilang mga kaklase. Ngayon pa lamang ay Excited na ang mga estudyante. Kahit ‘yung pala-absent noon biglang nasabik na pumasok sa eskuwelahan… siguro dahil hindi sila maka-absent sa kanilang bahay sa loob ng 23 buwan. Bumababa na kasi…
Read MoreBBM SURE WINNER NA!
SA ganang akin, sa mahigit kumulang na 60% na pagΒtanggap ng mga Pilipino kay dating Senador Bongbong Marcos ay 100% na ang kanyang pagkapanalo sa gaganaping Mayo 9 national and local elections. Base sa aking sariling computations, kahit pa pagsama-samahin ang boto ng kanyang mga katunggaling sina Leni ΒRobredo, Ping Lacson, Manny Pacquiao, Isko Moreno, Leody de Guzman at Enesto Abella plus undecided, ay hindi pa rin sila makakaabot sa taas ng pagtanggap ng mga Pinoy kay BBM. Sa mathematics po hanggang 100% lang, kung nakuha ni BBM ang suporta…
Read MoreWALANG SUSTANSYANG BABALA
KUMPARA sa mga nagdaang halalan, higit na maingay ngayon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga paalala at babala kaugnay ng mga patakarang dapat sundin sa panahon ng pangangampanya. Ang totoo, mandato ng Comelec ang tiyakin ang isang tapat, maayos at malinis na halalan, bagay na higit na kailangang tutukan at panindigan. Malaking bentahe man ang mga paalala’t babala, mas angkop na lakipan ng gawa ang kanilang bawat salita. Ang siste, limitado ang kakayahan ng Comelec sa ginawang pagtapyas ng pondo para magampanan ng buong husay ang mandatong sa kanila’y…
Read MoreDONASYON NG PITMASTER SA LEGASPI, ALBAY
NASA ilalim na tayo ng Alert Level 2 simula nitong Pebrero 1 hanggang 15, taong kasalukuyan. Niluluwagan na halos lahat ng restrictions. Kumokonti na kasi ang COVID-19 cases na naitatala araw-araw. Super excited ang mga Βkababayan nating sabungero dahil alam nilang pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang operasyon para sa tradisyunal na sabong sa ilang Βlugar na nasa ilalim ng Alert level 2. Kung hindi ako nagkakamali, aba’y 50 porsyento ng indibidwal lamang ang maaaring pumasok sa mga sabungan. Lahat daw ay kinakailangang fully vaccinated, lalo na ang…
Read MoreILANG OFWs UMIIYAK NA SA GASTOS SA COVID TEST, ‘DI PA NAKAALIS!
MAGANDANG araw mga ka-Saksi at mga kabayani! Inirereklamo ng ilang OFWs ang Philippine Overseas Employment Agency (POEA) na sana ay mangangalaga at magpoprotekta sa kanila bilang manggagawa sa abroad. Itinawag ng ilang kabayani natin ang problema ngayon na kinakaharap nila sa pagbabalik-manggagawa sa iba’t ibang bansa, gaya sa South Korea, Singapore, Japan at Middle East. Dahil sa pandemic, naabutan ng lockdown ang ating mga kabayani simula pa noong 2020 hanggang ngayon. Sa kagustuhan nilang makabalik sa abroad dahil sa kailangan ng panggastos ng kanilang pamilya, napipilitan na rin ang mga…
Read MorePANALONG TALUNAN
KARANIWANG kalakaran sa mga kandidato sa halalan ang pangangalap ng donasyon. Mayroon din namang ang diskarte ay mangikil, o ‘di naman kaya’y gumitna sa mga alanganing transaksyon. Ito ang kwento ng dalawang kandidato β isa sa posisyon ng pangulo at isa naman ay ambisyong makaupo sa Senado. Si ginoong presidentiable, hayahay sa pondo. Dangan naman kasi, P5-bilyon agad ang inihatag sa kanya ng dalawang sikat na kapitalista, bukod pa sa mga Intsik na binabalukol niya, kontratistang pinaboran niya, mga gambling lord na sa kanya ay may lingguhang tara at iba…
Read MoreGAME NA!
ILANG kembot na lang, magsisimula na ang rambulan para sa halalan. Kanya-kanyang gimik, paandar at paasa sa hangaring masungkit ang suporta ng masa. May mga nangangako ng langit at lupa, pati tala iko-kompromiso pa. May sasayaw at kakanta sa social media na magsisilbing entablado para sa pangangampanya. Hindi magpapaiwan ang mga asintado sa pamumukol ng mga patutsada at paninira sukdulang puntiryahin ang personal na buhay at kani-kanilang pamilya. Mayroon din namang nakasandal sa bayad na patalastas, wari mo’y patunay ng sako-sakong pera. Ang totoo, hindi biro ang pagpasok sa pulitika…
Read MorePAKO PA SA KABAONG NG MAGSASAKA
MULA noong Enero 1, 1995, naging miyembro ang Pilipinas ng World Trade Organization (WTO) matapos makalusot noon sa Senado ang kasunduang ito ng mga bansa sa mundo para sa palitan ng mga produkto, serbisyo at intellectual property ng mga bansa nang walang balakid at pagbaba ng taripa o buwis. Ang noo’y Senador na si Βdating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang namuno noon sa Senado para sa pagratipika sa nasabing kasunduan sa kabila ng matinding pagtutol noon ng iba’t ibang sektor tulad ng mga magsasaka. Tinututulan ang WTO membership dahil walang…
Read More