PEKENG PERA PARA SA HALALAN

MULING nalagay sa kompromiso ang ­integridad ng nalalapit na halalan sa Mayo makaraang maglabas ng babala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) laban sa pagkalat ng mga palsipikadong salapi. Dangan naman kasi, isang malinaw na pag-amin ang kanilang babala kaugnay ng muling paglaganap ng palsipikadong pera sa napipintong maruming halalan. Ito na nga rin marahil ang hudyat para sa mga trapo para isulong ang kanilang adyenda — sungkitin ang inaasam-asam na pwesto sa ano mang paraang mapagtanto, kesehodang makaperwisyo. Ang totoo, hindi na naman bago ang kalakaran ng guns, goons…

Read More

NASASANAY NA (ULIT) ANG PINOY?

SA halos dalawang taong nakalipas mula nang magkaroon ng pandemya, naoobserbahan ko na mukhang nasasanay na ang mga tao… natuto na silang tanggapin ang katotohanan at nasanay na sila sa kalagayan ng ating bansa. Sanay na ang mga tao na makakarinig at makakabasa ng balita mula sa mismong gobyerno na libo-libo ang nahahawaan ng COVID-19 araw-araw, parang ordinaryo na lang sa kanila. Mukhang manhid na rin ang mga tao na nakakabalita na araw-araw ay mahigit isang daan ang namamatay sa ­COVID-19. Pinamanhid ng kapabayaan ng mga nasa gobyerno na naatasang…

Read More

2022 BUDGET: BINALANGKAS AT IPINASANG MAG-ISA NGA BA NI KAP?

HINDI pa man nalulusutan ang kanyang problema sa Commission on Audit (COA) kaugnay ng hindi maipaliwanag na paggamit ng pondo sa loob ng maraming taon, muli na namang sumabit sa isa pang bulilyaso ang suking Kapitan ng isang barangay sa bayan ng Taytay. Sa isang pahinang liham na natanggap ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, ikinanta ng mga kaalyadong kagawad ni Kapitan Allan de Leon ang umano’y sukdulang ­awtoritaryanismo ng bruskong opisyal ng pinaka­mayamang barangay sa buong bayang higit na kilala bilang Garments Capital ng bansa. Pag-amin ni…

Read More

JESSICA SOHO BIASED?

UMANI ng samu’t saring reaksyon ang hindi pagdalo ni ­dating Senador Bongbong Marcos (BBM) sa imbitasyon ni Jessica Soho sa presidential aspirants’ interviews kamakalawa ng gabi sa GMA-7. Sa reaksyon ni dating Senate President Juan Ponce Enrile, “Kung ayaw niya, bakit mo pipilitin. Kung iniisip niya na hindi niya kailangan ‘yung interview na ‘yun e, ano ang pakialam ni Jessica. What power does she have to compel a candidate to go there and listen to her questions? Too presumptuous. Kung may freedom of the press, may freedom din ‘yung ini-interview”.…

Read More

NATUTULUNGAN NG PITMASTER FOUNDATION, LALONG DUMARAMI

HINDI maitatanggi na dumarami pa ang mga manggagawang tinatamaan ng Alert Levels 3 at 4 na ipinatutupad ngayon sa halos 100 lugar sa bansa. Siyempre, sila ang mga kuwalipikadong mabigyan ng P5,000 one-time cash assistance ng Department of Labor and Employment (DOLE) na COVID Adjustment Measures Program (CAMP). Sabi ng DOLE, ginawang online ang proseso para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19. Aba’y puwede rin naman daw tulungan ang construction workers. Kung maaalala, nauna nang hinikayat ng DOLE ang mga employer na sila na ang mag-apply para sa lahat ng empleyado.…

Read More

OFW, TUMALON SA BINTANA SA RIYADH

Aksyon OFW

MAGANDANG araw mga ka-Saksi. Ingat po palagi sa ­COVID-19 at palagiang magsuot ng mask para iwas sa hawaan. Nakatanggap po tayo ng mensahe sa kamag-anak ng isang OFW na nagtatrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia ­kamakalawa. Humihingi po ng tulong sa POLO-OWWA sa Riyadh ang pamilya ni kabayaning Jean D. Herrera, 29-anyos, tubong Masbate na makuha at mapauwi na siya sa Pilipinas. Dumating si kabayaning Jean sa Riyadh noong April 4, 2021 at nai-deploy ng SAMA INTERNATIONAL RECRUITMENT AGENCY. Ang kanyang amo ay ­nakilalang si Abdulrahman ­Shaeaa Abdulrahman Al Khemesah. Narito…

Read More

QUEZONIAN AT SI DOKTORA HELEN TAN

DAHIL sa likas na pagiging matulungin at madaling lapitan bukod pa sa kaliwa’t kanang mga proyekto ay patuloy na lumalakas ang suporta ng ­Quezonian kay Quezon 4th District Representative Doktora Helen Tan. Maging ang mga taga-barangay na nag-tsa-chat o lumalapit sa kanya ukol sa kanilang mga problema ay hindi niya ­binibigo at ito’y inaaksyunan agad ni Congresswoman Tan. Patunay riyan ay ang agarang aksyon ni Doctora Helen Tan sa inilapit ni Kagawad Renan ­Ferrer ng Brgy. Concepcion ­alasan para sa kanyang constituents na nangangailangan ng oxygen. Kabilang din sa mga…

Read More

PAGKAANTALA NG PAGLILIMBAG NG BALOTA

MISTULANG problema ang kinakaharap ng Commission on Elections (Comelec) sa inilabas na temporary restraining ­order (TRO) ng Korte Suprema kaugnay ng mga petisyong inihain ng party-list groups na tinabas mula sa mahabang talaan ng mga hangad ay lumahok sa halalan. Dangan naman kasi, nagsimula na ang proseso sa pag-iimprenta ng balotang gagamitin ng mga botante sa pagpili ng national at local officials, maging ang party-list group na ­kakatawan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang siste, hindi na nakasama ang mga party-list sa unang bugso ng ­paglilimbag ng balota sa…

Read More

AMINADONG MABAGAL DAHIL SA HALALAN

PAGKATAPOS ng halos dalawang taon, nanatiling dambuhalang hamon ang nakamamatay na pandemya – sa kabila pa ng mga nagsulputang gamot kontra COVID-19. Ang totoo, hindi lamang naman tayong mga Pinoy ang dumaranas ng dagok na dala ng salot. Pero sadyang katangi-tangi ang Pilipinas, batay sa pag-amin ng isa sa mga punong tagapagpaganap ng National Task Force Against COVID-19. Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, bumagal ang dati nang makupad na vaccine rollout, sabay sisi sa dalawang pangyayari – ang pananalasa ng bagyong Odette noong Disyembre 16 at ang nalalapit na…

Read More