Eumir Marcial, naghahanda na sa mga laban sa 2022

DAIG ng maagap ang masipag. Ito ang panuntunang palaging sinusunod ni Tokyo Olympic Games bronze ­medalist Eumir Marcial simula pa noong siya’y nasa amateur hanggang maging propesyunal na boksingero. Kaya hindi katakatakang lumipad agad siya noong Miyerkoles patungong Amerika upang paghandaan ang mahahalagang labang haharapin niya ngayong taon – ikalawang pro boxing fight niya sa Abril, 31st Southeast Asian Games sa Mayo, at Asian Games sa Setyembre. Nadala sa karanasang nalasap niya sa pananalasa ng COVID-19 pandemic, na nagsilbing hadlang sa kanyang preparasyon sa Olimpiyada at misyong handugan ang bansa…

Read More

Mark ‘Magnifico’ Magsayo: BAGONG HARI NG WBC

MAKALIPAS ang siyam na taon, natupad na ni Mark ‘Magnifico’ Magsayo ang kanyang pangarap. Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) sa Borgata Event Center sa Atlantic City, New Jersey, inagaw ng 26-anyos na si Magsayo ang World Boxing Council (WBC) featherweight crown sa pamamagitan ng majority decision laban kay Gary Russell Jr. Dalawang judge ang nagbigay kay Magsayo ng iskor na 115-113, habang ang ikatlong judge ay nagbigay ng 114-114. “This is my dream come true, pangarap ko ito mula pa noong bata ako,” sambit ni Magsayo matapos ang laban.…

Read More

MALALIM ANG KASAYSAYAN NG SABONG

NAPAKALALIM ng kasaysayan ng sabong. Kumbaga, noong antigong panahon pa talaga ito. Kahit ang ating mga kalolololohan, alam ito. Sa ibang bansa, ganito rin ang kalakaran. Tinatangkilik ito nang husto. Katunayan, may mga aklat pa nga na naisulat tungkol dito. Sa Java, Indonesia, isang aklat na pinamagatang Nargara-Kertagama ang nasulat bilang isang papuri sa Haring Shri ­Hayam Ragen Tetep. Ang kahulugan daw nito ay “ang Bunying Batik-Batik na maginoong Tandang na Magmamanok”. Sinasabing ang bansag ng haring pinag-alayan ng aklat ay batay sa kaugalian ng panahong iyon na nagtataglay ng…

Read More

BANAT KAY BBM WA EPEK SA TAUMBAYAN

SINAMANTALA ng ilang kalaban sa pulitika ni presidential aspirant Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na batikusin ito sa social media sa naging pagtanggi nito sa isang presidential interview sa programa ng isang popular tv host. Iginiit naman ng kampo ni BBM na ang pagtanggi nila sa panayam ay hindi para sa mamamayang Filipino kundi para sa iisang tao lamang na isa umanong biased at posibleng maimpluwensyahan ng ilang kandidato upang magamit ang programa. Nakakalungkot isipin na ang ilan ay sinamantala ang pagkakataon na butasan si Marcos dahil dito upang ­siraan sa…

Read More

LABANAN ANG VACCINE HESITANCY AT MGA ANTI-VACCINATION INFO

ISANG taon magmula nang simulan ng pamahalaan ang programa nito sa pagbabakuna ay ganap na nating nasaksihan ang benepisyo nito nang makita natin ang pagbaba ng arawang kaso, ilang buwan bago matapos ang taong 2021. Sa kasalukuyan, nasa 122 milyong dosage na ng bakuna ang naipamahagi ng pamahalaan samantalang ang bilang ng nakatanggap na ng full vaccination ay nasa 56.8 milyon o 52 porsyento na ng ating populasyon. Isa itong maituturing na welcome development sapagkat sa patuloy na kampanya ng pamahalaan at ng pribadong sektor sa pagbabakuna ay mas dumarami…

Read More

HAHANTONG HANGGANG HUSGADO

SA gitna ng sala-salabit na polisiya ng gobyerno kaugnay ng mga pagkakait ng karapatan sa hanay ng mga hindi pa bakunado, malamang sa hindi, hahantong ang mainit na usapin hanggang sa husgado. Ang totoo, maganda naman ang intensyon ng pamahalaan – ang lahat ay turukan para maprotektahan – laban sa panganib na dala ng nakamamatay na COVID-19. Gayunpaman, may agam-agam ang ­ilang dalubhasa sa larangan ng batas. Anila, hindi angkop na isantabi ang Republic Act No. 11525 (COVID-19 Vaccination Program Act) na nagtatakda ng karapatang bumiyahe gamit ang mga pampublikong…

Read More

FEELING HARI SA MONTALBAN

MINSAN pa, nalagay sa peligro ang buhay ng isang peryodista sa isang ­bayang pinamumugaran ng feeling hari, kabilang ang mga lokal na opisyal at negosyanteng bumubusog sa kanila. Ang peryodista – si Edwin Moreno, isang kaibigan sa panulat na nakilala ko noong dekada nobenta. Noon pa man, tulad ko siyang pobre at magpahanggang ngayon kapwa kami nabibilang sa isang kahig, isang tuka, estadong tanggap na namin noon pa. Marami na kaming kasabayang nagsiyaman matapos piliing mag-iba ng karera habang ang iba naman nagsilbing anay sa hanay ng mga lehitimong dyarista.…

Read More

PANIRA NG PAG-ASA

MALIBAN sa mga walang access sa internet, halos lahat ng mga tao ay nakatutok sa social media sa pag-asang makabasa ng mga impormasyon na magbibigay sa kanila ng pag-asa sa gitna ng ­pandemya. Maraming mga imporma­syon hinggil sa resulta ng pag-aaral na ang Omicron ay huling variant na ng ­COVID-19 na hinayaan ng China na kumalat sa buong mundo at nagpabagsak sa ekonomiya ng lahat ng ­nasyon kasama na ang Pilipinas. Halos lahat ng mga tao ay nagkaroon na ng sintomas ng COVID-19 pero hindi na sila nag-report dahil mild…

Read More

ROBREDO PINAKAMALAKING GINASTOS SA FB AD

NANGUNGUNA sa presidential aspirants na pinakamalaking ginastos sa Facebook advertisement si Vice President Leni Robredo. Sa nakuhang detalye ng PUNA, simula noong Agosto 4, 2020 hanggang Setyembre 30, 2021 bago pa ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) ng mga kandidato, ay nakapagtala na ng P1.95 milyong FB ad si Robredo. Simula naman Oktubre 1 hanggang Disyembre 31, 2021 ay nakapagtala rin siya ng FB ad na P12.14 milyon kasama nito ang “Team Leni Robredo” at “Dapat si Leni” pages. Pumangalawa si Sen. Panfilo “Ping”…

Read More