SA loob ng halos isang taon, nanatiling bigo ang Department of Health (DOH) sa pinagkakagastusang information campaign na magbibigay ng liwanag at kukumbinsi sa target population hinggil sa buting dulot ng bakuna kontra COVID-19. Patunay nito ang pagmamatigas ng ilang mga opisyal ng gobyerno, kabilang si Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta na maturukan ng COVID-19 vaccine sa dahilang ‘di siya kumbinsidong ligtas at mabisa laban sa nakamamatay na karamdaman ang mga gamot na laman ng hiringgilya gamit sa pagbabakuna. Ang pagiging bantulot ni Acosta, nagpapakita lamang ng kabiguan…
Read MoreCategory: OPINYON
PBA ‘di magpapatalo sa COVID-19
ANUMAN ang kapalarang naghihintay sa naudlot na PBA Governors’ Cup ay malalaman sa isang pagpupulong ng Board of Governors sa darating na linggo. Nalaman ng SALA SA INIT… SALA SA LAMIG kay PBA Commissioner Willie Marcial, ang naturang pulong ay pamumunuan ni chair Ricky Vargas ng Talk ‘N Text. “Magpupulong ang board either sa Lunes o Martes para pag-usapan kung ano ang dapat gawin, kung saan patungo ang PBA,” ani Marcial sa aming panayam. “Itutuloy ba natin o hindi? Anong gagawin natin sa imports, anong gagawin natin sa players?” Isa…
Read MoreOFW HOSPITAL, BUBUKSAN NA SA MARSO
MGA ka-Saksi, magandang araw at mag-ingat po tayo sa COVID-19. Excited na ako na masaksihan ang pagbubukas ng kauna-unahang OFW hospital na itinatayo sa City of San Fernando, Pampanga na magsisilbing pagamutan ng lahat ng OFWs at kanilang mga pamilya. Sa anunsyo ni AKOOFW chairman Dok Chie Umandap, inaasahang sa Marso ngayon taon maaaring buksan at mapakikinabangan na ng mga OFW ang nasabing modernong hospital na pangangasiwaan ng Philippine General Hospital. Sinabi ni Dok Chie na hindi rito nagtatapos ang ating adbokasiya sa panawagan sa OFW Hospital. “Ipagpapatuloy pa ng…
Read MoreBI MANPOWER, PROBLEMA SA PAGTAAS NG MGA TINAMAAN
HINDI man kasing grabe ng Delta variant ang Omicron na mabilis na kumalat sa buong mundo ay “The show must go on” pa rin ang ating BI personnel frontliners partikular sa NAIA upang mabantayan ang pagpasok at paglabas ng mga pasahero sa bansa kung saan ay tumataas pa rin ang bilang ng mga kawani na tinamaan, at ibinibigay ang serbisyo para sa ating bayan. Dahil sa pandemya, isa rin sa matinding naapektuhan ay ang suweldo ng mga empleyado rito, maging ang regular at contractual employees ay binawasan ang sahod dahil…
Read MorePITMASTER, NAMAHAGI NG P100-M SA LGUs SA METRO MANILA
LABAN lang! Ganyan ang laging sinasabi natin sa ating mga kababayan na lubhang naapektuhan ng pandemya. Hindi kasi lahat ng sektor ay buhay ngayon. Mas maraming dumapa. Kaya mahalagang may mga grupong tumutulong sa mga pinakasapul ng krisis. Kaya naman dahil sa patuloy na pagsirit ng hawaan ng COVID-19 sa bansa partikular sa Metro Manila, nag-donate ang Pitmaster Foundation ng P100 million sa Local Government Units (LGUs) para labanan ang virus at pambili ng COVID testing kits. Sinasabing personal na inabot ni Pitmaster Executive Director Caroline Cruz ang P50 million…
Read MoreYAMANG-DAGAT NG PILIPINAS
HIGIT pa sa panggagalaiti ang sumambulat na sentimyento ng mga Pilipino sa social media kung saan pinutakte ng batikos ang gobyerno kaugnay ng pag-angkat ng yamang dagat mula sa ibang bansa – partikular sa China. Sino ba naman ang matutuwa kung batid naman ng lahat ang tunay na estado. Ang totoo, ang Pilipinas ay may 7,100 islang napalilibutan ng mayamang karagatan kabilang ang West Philippine Sea na kilala sa masaganang suplay ng yamang dagat tulad ng galunggong na planong angkatin ng gobyerno. Sa lawak ng karagatan, pihadong labis pa sa…
Read MoreHUWES AT ANAK NA MANLOLOKO
HINDI na bago ang tinatawag na “hoodlum in robes” sa mga husgado kung saan may kumikitang kabuhayan sa likod ng mga inaareglong asuntong tulad ng nangyari sa isang negosyanteng hiningian ng P5 milyon sa pangakong maabswelto ang kaso. Ito ang kwento ng anak daw ng isang huwes sa Makati Regional Trial Court (RTC) na ang lakad ay kumausap ng mga akusadong pinangakuan ng absuwelto gamit ang pangalan ng kanyang amang humahawak ng kasong isinampa laban sa isang lehitimong negosyante. Ang siste, hindi naman pinlano o hinanap ng akusado ang serbisyo…
Read MoreWALA SA AYOS
IMBES na suportahan ang sektor ng pagsasaka at pangingisda sa Pinas, mukhang ang gobyerno pa ang pumipilay sa mga ito dahil bawat kibot ng pamahalaan, importasyon. Sa ganitong patakaran ng gobyerno natin, ang mga importer ang binubuhay nila imbes na ang mga magsasaka at mangingisda kaya huwag na kayong magtaka kung darating ang araw na wala nang gustong magbungkal ng lupa para magtanim, at mangisda para magkaroon tayo ng ulam sa ating hapag kainan. Nitong nakaraang mga buwan, laganap ang mga importerd na gulay mula sa China na nagpabagsak sa…
Read MoreBBM HATAW SA SURVEY SA CALOOCAN AT CAVITE
MILYA-MILYA ang layo ni dating Senador Bongbong Marcos (BBM) sa kanyang mga katunggaling presidentiables sa inilabas na survey sa Caloocan City at Cavite. Ang sakop ng survey sa Caloocan City na isinagawa ng private polling firm na Actual and Comprehensive Evaluators, Inc. ay mula Enero 6 hanggang 10, 2022. Nakapagtala ng 71% si BBM, tig-10% naman sina Leni Robredo at Mayor Isko Moreno, si Sen. Ping Lacson ay 5%; si Manny “Pacman” Pacquiao na may 2% at may ‘undecided’ na 2%. Ang sinurbey ng nasabing private polling firm ay 5,164…
Read More