MAGING ang sentro ng kapangyarihan, hindi nakalusot sa peligrong dala ng pandemya. Ang Malakanyang ay biglang nawindang nang ang mga kawani nito’y biglang tamaan. Pag-amin ng Palasyo, marami sa kanila ang nahawaan ng lintek na nakamamatay na karamdaman. Ayon mismo kay Sec. Karlo Nograles na tumatayong tagapagsalita ng Palasyo, wala roon ang Pangulo – pansamantalang lumisan bilang pag-iwas sa nakaambang perwisyo. Nasaan ang Pangulo, usal ng mga tao – andun sa kanyang balwarte, tugon naman ng tagapagsalita ni Duterte. Sang-ayon kay Nograles, pansamantalang sarado ang ilang tanggapan sa Palasyo, kasama…
Read MoreCategory: OPINYON
SABONG, MATAGAL NANG NASA PUSO NG PINOY
ALIWAN at libangan ang sabong o cockfighting para sa mga Pilipino. Aba’y laganap na nga ito sa ating bansa noon pa man. Sabi nga, isa sa mga pangunahing pook-libangan ang mga sabungan sa alinmang bayan o lungsod na katatagpuan nito. Kung tatanungin mo naman ang ilang matatanda, ang sabong ay isang bakas daw ng sibilisasyon ng mga sinaunang tao. Gayunman, kung saan at paano nagsimula ang larong ito ay hindi rin malinaw o matiyak. May mga tala rin na dinala ito ng mga Kastila sa atin. Sa kabilang banda, may…
Read MoreDH SA RIYADH, PINAGBINTANGANG NAGNAKAW
MAPAGPALA at isang ligtas na araw, mga ka-Saksi! Isa na namang distressed OFW ang dumulog sa ating kolum para humingi ng tulong na makauwi na sa Pilipinas as soon as possible. Si kabayaning Mareste Biantan ay nagtatrabaho bilang domestic helper sa kanyang amo na si Amin Saa Saeed Al-Qahtani sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia simula pa noong 2019, at ideneploy ng PJV Human Resources na nakabase sa lungsod ng Maynila. Base sa reklamo ni kabayaning Mareste, nagtapos na ang kanyang kontrata noong September 21, 2021 at gusto na talaga…
Read MoreNILAGDAANG BAGONG BATAS NI PANGULONG DUTERTE PINASALAMATAN
HINDI kailanman matutumbasan ng monetary compensation ang dedikasyon at serbisyo ng public prosecutors, nararapat lamang na bigyan ng pagpapahalaga ang mga nagbubuwis ng kanilang buhay para sa serbisyo publiko. Marami sa kanila ay inatasan na humawak ng mabibigat na kaso laban sa mga makapangyarihang tao. Itinalagang humawak ng high profile cases ng mga makapangyarihang tao. Ayon kay National Prosecution Service (NPS) Head Prosecutor General (PG) Benedicto Malcontento, ang nilagdaang bagong batas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong January 11, 2022, ang Republic Act 11643 o kilala bilang “An Act Granting…
Read MorePOLISIYANG URONG-SULONG
HINDI sapat na paglalarawan ang katagang “magulo” para sa salu-salungat na pahayag ng mga taong gobyerno kaugnay ng direktibang “no vax, no ride policy” ng Department of Transportation (DOTr). Dangan naman kasi bukod sa walang batas na direktang nagpapahiwatig ng legalidad ng polisiya, wala rin namang alternatibo ang pamahalaan para sa mga manggagawang umaasa lang sa kakarampot na arawang sweldo. Ayun tuloy, umani sila ng patutsada sa halip na paghanga! Maging ang DOTr, tila gulong-gulo sa kalatas na sila mismo ang bumuo. Sa pag-aakalang mapupwersa ang mga taong magpabakuna, pati…
Read MoreTAMA NA TRAPO SA KONSEHO
SA gawing silangan ng kabisera matatagpuan ang Antipolo kung saan maganda ang klima, malinis ang hangin at mayaman sa kultura. Bagama’t sadyang mainam ang lungsod na kilala sa pamamanata tuwing Mayo. Kung tutuusin, mahusay naman ang sangay ng ehekutibo sa Antipolo, bagay na mas yayabong pa kung may kalakip na kwalipikado sa konseho. Sa pagrerebisa ng talaan ng mga aspirante sa posiyon bilang konsehal, may ilan akong napansing dapat lang manungkulan. Bagama’t ‘di ko naman talaga kilala si Atty. Chito Soronio, pakiramdam ko hindi hamak siyang kwalipikado kaysa piso tumpok…
Read MoreBAKIT MAPULITIKA SA PINAS?
MULA noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos, halos taon-taon ay tinatangkang amyendahan ang 1987 Constitution pero taon-taon ding itong nabibigo. Tuwing may bagong Kongreso, meron at merong naghahain ng panukalang batas na pag-isahin ang dalawang kapulungan sa ilalim ng Constituent Assembly (Con-Ass) para ang mga mambabatas na lang ang mag-amyenda sa konstitiusyon at hindi malaki ang gastos. Meron namang nag-hahain ng panukala na maghalal ng mga kinatawan ng Constitutional Convention (ConCon) para sila ang bumuo ng bagong “bibliya” ng Pilipinas at maiwasan ang partisan politics at hindi mangibabaw ang…
Read More39K COVID-19 CASES NAITALA SA ISANG ARAW?
NAKABABAHALA na ang mabilis na pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa impormasyon na nakuha ng PUNA mula sa Department of Health (DOH) nitong nakaraang Enero 15, 2022 ay nakapagtala ng 39,004 na bagong kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw sa bansa. Ang bilang na ito ay pinakamataas na kaso nang magsimula ang COVID-19 noong Marso 2020. Sa petsang ito, mayroong naitalang 23,613 na gumaling at 43 ang namatay. Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ay 8.9% (280,813) ang aktibong kaso, 89.5% (2,834,708)…
Read MorePASAKALYE SA BAGONG DISKARTE
SA mabagal na pagbaba ng mga kumpirmadong kaso ng mga positibo sa nakamamatay na COVID-19, paulit-ulit ang pasaring ng Department of Health (DOH) sa kanilang pagpapalit ng estratehiya. Ang dating giit na contact tracing isinantabi para bigyang daan ang mass testing. Ganito ang himig ng departamento buwan ng Abril at Mayo ng taong 2020. Anila, hindi sapat ang face mask bilang proteksyon laban sa COVID-19, kasabay ng rekomendasyon para sa pwersahang paggamit ng face shields ng bawat Pilipino. Ang resulta – garapalang katiwalian. Ayon sa DOH, dodoble pa ang antas…
Read More