KITA-KITS SA 8TH INT’L GAMEFOWL FESTIVAL SA FEB. 25-27, 2022!

MAHILIG talaga sa sabong ang mga Pilipino. Kumbaga, libangan na nila ito. Sinasabing para naman sa mga taong mahilig sa sabong, ang konsepto ng ‘katapangan’ ay sinisimbolo raw ng mga manok na panabong. Siyempre, hindi maitatanggi na mula noong mga unang panahon, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit kinagigiliwan ng mga kalalakihan ang sabong. Hindi naman natin maitatatwa ito. Bukod sa mga aksyong dulot ng labanan, kinakitaan nila ang mga manok na panabong ng kakaibang tapang. Paano, kaya nilang su­muong sa bawat laban nang hindi iniinda ang sakit…

Read More

BBM-SARA TANDEM, ‘DI KAYANG TIBAGIN

SA kabila ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 cases sa bansa ay abala pa rin ang BBM-SARA UniTeam upang matugunan ang ilang pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan na dumaranas pa rin ng kahirapan mula noong ­manalasa ang pandemya. Kasabay nito ay nanawagan si Presidential ­aspirant Bongbong Marcos sa pamahalaan na maglaan ng pondo upang ­matulungan ang ating mga kababayang manggagawa na dagdag pasanin pa sa kanila ang halaga ng RT-PCR test lalo na sa panahong ito na patuloy na gumagapang ang ekonomiya sa ating bansa. Samantala, tila supalpal…

Read More

DAGDAGAN ANG HEALTHCARE BUDGET PARA SA ATING MGA FRONTLINER

DAHIL sa baba ng sweldo at benepisyo para sa ating mga health worker, hindi natin masisisi na dumarami na sa kanila ang nagnanais mangibang bansa. Noong nakaraang linggo nga lang, inanunsyo ni Jose Manuel Romualdez, ambassador ng Pilipinas sa Estados Unidos, na nasa 100,000 na health worker ang kasalukuyang naghihintay na maaprubahan ang kanilang work visa para sa kanilang inisyal na deployment. At sa gitna ng pandemya kung saan kinakailangan ang mga ekspertong ito para sa ating pagbangon, ang kanilang pagnanais na iwanan ang kanilang bayan para sa mas maayos…

Read More

TIKAS NI SINAS

MINSAN pa, ipinamalas ng retiradong dating Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas ang tikas na mayroon siya sa ilalim ng administrasyong Duterte. Tanging si Sinas lang ang hindi isinama sa kasong kriminal na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa 17 opisyal at operatiba kaugnay ng ­tinaguriang “Bloody Sunday” na kumitil sa siyam na aktibista, kabilang ang mag-asawa sa ­Nasugbu Batangas noong Marso 2021. Bagama’t karaniwang pasok ang pinuno sa bulilyaso ng grupo – batay sa doktrina ng command responsibility – sadyang mahirap para sa NBI…

Read More

ITULOY KAHIT ANONG MANGYARI

KAILANGANG matuloy ang eleksyon sa Mayo 9, 2022 kahit anong mangyari at hayaan ang mga tao na mamili ng mga bagong lider ng bayan na ­mamumuno sa atin sa susunod na tatlo hanggang anim na taon. Bakit ko ito nasabi? Dahil marami ang natatakot na hindi matuloy ang eleksyon dahil sa COVID-19 na courtesy ng China sa buong mundo na hindi alam kung kailan matatapos. Walang dahilan para hindi matuloy ang eleksyon sa ating bansa dahil maraming bansa sa mundo ang itinuloy ang kanilang eleksyon kahit nasa gitna sila ng…

Read More

KUNG NAKINIG LANG SA MGA DALUBHASA

TAONG 2020 pa nang hikayatin ng mga kilalang dalubhasa sa larangan ng siyensya ang pamahalaan para sa malawakang mass testing na tutukoy sa mga taong higit na kailangang tugunan sa ­hangaring ang hawaan ay mapigilan. Makaraan ang halos dalawang taon, nanatiling bulag at nangangapa ang mga itinalagang ahensya ng gobyerno kung paano tutuldukan ang hawaan, sukdulang abutin tuloy ng hindi bababa sa tatlong milyong katao ang tinamaan. Sa halip kasing maniwala sa mga alagad ng agham at medisina, pinili ng Pangulo na magtalaga ng isang retiradong sundalo sa pagtugon kontra…

Read More

ISSA TANDEM INILUNSAD, ‘DI ALAM NI MAYOR SARA?

PINANGUNAHAN ni dating Maguindanao Congressman Zajid “Dong” Mangudadatu ang paglulunsad ng Isko-Sara (ISSA) tandem sa isang restaurant sa Quezon City ­kamakailan. Kasama ni Cong. Mangudadatu ang ilang Muslim leaders mula sa Taguig at Quiapo, Maynila sa kanilang paglulunsad ng naturang tandem. Sa panayam ng PUNA kay Mangudadatu, sinabi niyang tingnan ng taumbayan kung ano ang ikabubuti ng ating bansa kung si Sara ang magiging bise presidente at si Isko ang magiging presidente. Ayon pa sa kanya, sina Isko at Sara ay parehas mayor ng Maynila at Davao City kaya alam…

Read More

MEDIA KILLINGS TULDUKAN

HINDI sapat ang katagang nakapangingilabot para ilarawan ang banta sa hanay ng mga peryodista sa nalalapit na pagtatapos ng administrasyong Duterte. Sa talaan ng Reporters Without Borders, isang international media organization na nakatutok sa kaligtasan ng mga mamamahayag, ang insidente ng pagpatay sa komentaristang si Jaynard Angeles mula sa Tacurong City sa Sultan Kudarat, ang ika-18 pamamaslang sa hanay ng Pinoy journalists mula nang maupo sa Palasyo si Rodrigo Duterte. Bagama’t may ilan nang dinakip, wala ni isa man lang ang nahatulan sa mga kasong isinampa kaugnay ng media killings…

Read More

GINOONG BERNIE TACOY, PAG-ASA NG MATAG-OB, LEYTE

MAY ilang naglutangang panukala na tila gustong ipagpaliban ang halalan. Maging ang PDP-Laban ay nais ding palawigin ang panahon ng paghahain ng kandidatura. Hindi naman sila nagtagumpay dahil ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang hirit. Tiniyak ng Comelec na tuloy ang pagsasagawa ng national and local elections sa Mayo 9, 2022. Ito’y kahit na hindi pa raw nakakamit ng Pilipinas ang tinatawag na “herd immunity” laban sa ­COVID-19. Ayon kay Comelec Spokes­person James Jimenez, walang balakid sa ­ginagawa nilang preparasyon. Sa kasalukuyan, mataas na raw ang porsiyento ng…

Read More