SA gitna ng pagiging abala ng Pangulo sa hamong dala ng nakamamatay na mikrobyo, tila hindi na namalayan ng Palasyo ang pamamayagpag ng isang malaking sindikatong nambibiktima gamit ang pangalan ng punong ehekutibo. ‘Yan mismo ang napag-alaman ng pamahalaang bayan ng Angono na mas kilala sa mga alagad ng sining sa likod ng mga obra maestrang dibuho. Sa nakabibighaning bahagi ng Angono ay namayagpag ang FSRC Land Development Corporation na umaangkin sa mga lupang titulado. Ang diskarte ng grupo, gumamit ng mga pinekeng dokumento mula sa Palasyo, sukdulang pwersahin ang…
Read MoreCategory: OPINYON
SABOTAHE SA HALALAN
HINDI pwedeng kanselahin ang pinaka-aabangang halalan sa Mayo, ayon mismo sa Saligang Batas na nagtatakda ng demokratikong proseso kada anim na taon para sa posisyon ng pangulo at ng pangalawang pangulo. Subalit may mga tao talagang sadyang matigas ang ulo, sa hangaring manatili sa poder na mangyayari lamang kung ang halalan ay maipagpapaliban. Sa dami ng petisyong inihain sa Commission on Elections (Comelec), sukdulang kainin nito ang oras na dapat sana’y ibinubuhos sa paghahandang garantiya sa isang tapat, malinis at mapayapang eleksyon. May mga petisyon sa kanselasyon ng kandidatura, diskwalipikasyon…
Read MoreWALA NANG FLU SEASON?
WALANG sino man sa atin ang hindi nagkakaroon ng flu taon-taon na isang ordinaryong sakit na lang sa mundo at madali nang gamutin dahil may nabibiling mga gamot over the counter lang. May paniniwala rin ang matatanda sa mga probinsya na kapag panahon ng pamumulaklak ng mga mangga, panahon din ng trangkaso, sipon at ubo dahil ‘yung particles ng mga bumulaklak ng mangga ay nalalanghap ng mga tao na hindi nila alam kaya nagkakaroon ng iritasyon sa lalamunan. Panahon ngayon ng pamumulaklak ng mga punong mangga kaya ang paniwala ng…
Read MoreNANGANGAMOY DAYAAN BA ANG MAY 9, 2022 ELECTION?
MUKHANG may nabayaran na grupo para i-hack ang servers ng Commission on Elections (Comelec) para sa kapakinabangan ng kanilang kliyente. Nitong nakaraang Sabado, Enero 8, 2022, lumabas sa ulat ng Manila Bulletin Technews team na may tumawag sa kanila na hina-hack ang servers ng Comelec. Nakumpirma ng Manila Bulletin Technews team na hina-hack nga ang Comelec kaya agad nila itong ipinaalam sa tanggapan. Natuklasan nila na pinasok ang system ng Comelec at dinownload ang files ng usernames at PINs ng Vote-Counting Machines (VCM). Kasama rin daw sa na-download na files…
Read MoreLEHITIMONG PARTY-LIST LANG DAPAT
INUMPISAHAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsala ng party-list groups na kakatawan sa mga tinaguriang marginalized sector. Kabilang sa party-list groups na unang sinibak sa talaan ng party-list groups batay sa sa itinakdang reglamento sa Omnibus Election Code ay ang Malasakit Movement kung saan isa sa mga nominado ang kontrobersyal na dating tagapagsalita ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Kung tutuusin, dapat lang naman salain ng Comelec ang mahabang talaan ng party-list groups na sadyang isinabatas sa…
Read MoreTORREVILLAS, ISINUSUKA RAW NG MGA TAGA-MATAG-OB DAHIL SA PANUKALA VS E-SABONG
LUMALAMYA raw ang kampanya ngayon ni Matag-ob, Leyte Mayor Michael Torrevillas. Ito’y dahil daw sa pagsuporta niya sa panukala laban sa e-sabong o online sabong. Sa halip daw kasi na ibasura ang panukala dahil maraming mahihirap na umaasa sa e-sabong ay natuwa pa si Torrevillas sa resolusyon laban dito. Sinasabing pinuri pa ng alkalde ang Sangguniang Bayan (SB) sa pagpasa nito ng resolusyon bilang pagpapakita ng pagtutol sa e-sabong sa bansa. Noong nakaraang buwan daw kasi, lumusot ang reso ng SB kung saan nanawagan ito sa Philippine Amusement and Gaming…
Read MoreOFW, BINUGBOG NG AMO DAHIL HINDI TINAPOS ANG KONTRATA
MGA ka-Saksi, isang mapagpala at ligtas na araw sa ating lahat. Mataas na naman ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 dahil sa Omicron variant. Sinisisi na naman ang OFWs sa pagpasok sa bansa ng Omicron na mas mabilis makahawa sa ibang tao. Hindi po maiiwasan na makapag-uwi ng virus ang mga OFW dahil galing sila sa ibang bansa na may mataas ding impeksyon ng virus. Hindi naman po nila ito kagustuhan pero kailangan din naman nilang umuwi sa pamilya matapos ang ilang taong kontrata. *** Isa na namang kabayani…
Read MoreHUDIKATURA AT MGA HUKUMAN GINULO NG COVID-19
NANG dahil sa nakababahalang bilang ng impeksyon sa COVID-19 sa mga kawani ng Supreme Court at upang mabawasan na o lubos na maiwasan ang karagdagang paglobo ng bilang nito, mayroong bahagyang binago ang SC sa mga operasyon at mga alituntunin ng pasok ng mga kawani na epektibo sa Enero 10, 2022 na mananatili hanggang sa walang panibagong kautusan na magbabago nito. Sa inisyung memorandum order ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, ini-utos nito ang on-site skeleton workforce sa mga tanggapan ng Office of the Clerk of Court, Division Clerks…
Read MorePANAKOT SA KAPITAN
HINDI na bago sa ilalim ng administrasyong Duterte ang paninindak sa hangaring mapasunod ang lahat, isang pusturang patuloy na pinangangatawanan maging ng mga itinalaga ng Pangulo sa iba’t ibang kagawaran. Kamakailan lang, nagbanta ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa hanay ng mga kapitang kumakatawan sa 42,000 barangay sa buong kapuluan. Anila, mananagot si Kap ‘pag hindi napasunod ang kanilang nasasakupan. Partikular na tinukoy ni Undersecretary Jonathan Malaya na tumatayong tagapagsalita ng kagawaran, ang mga panuntunang inilatag kalakip ng muling pagsibol ng nakamamatay na karamdaman. Aniya, papatawan…
Read More