HINDI ko alam kung sino ang tunay na nagsabi nito: Isakripisyo ang ilan para sa kaligtasan ng nakararami. Pasintabi sa mga kumokontra sa desisyon ng gobyerno na huwag palabasin ang mga taong hindi pa nababakunahan, dahil nalalabag daw ang kanilang karapatang pantao habang lumalaganap ang COVID-19. Paaano naman ang karapatan ng mga taong bakunado na dapat ding maproteksyunan? Iniisip ba nila ‘yun? Dapat pantay lang ang pagtingin ng human rights advocates. Kaya maraming nagpapabakuna ay para makaalis na sana tayo sa pandemyang ito na halos dalawang taon nang nagpapahirap sa…
Read MoreCategory: OPINYON
IBA NA ANG MAKWARTA
KAHANGA-HANGA ang naging pagtugon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa naganap na sunog na tumupok sa isang sikat na establisimyento sa Alabang, Muntinlupa City kamakailan. Mantakin mong 245 trak na pamatay sunog at 1,082 bumbero ang rumesponde sa Starmall na pag-aari ng isang pamilyang bilyonaryo. Sa isang banda, nakakalungkot isiping hindi ganun ka-sigasig ang pagtugon sa mga lugar kung saan nakatira ang mga maralitang pamilya. Hindi ko hinuhusgahan ang BFP lalo pa’t mandato nila ang tumugon kung saan sila higit na kailangan. Hindi ko lang mawari kung bakit hindi…
Read MoreBAWAL ANG PASAWAY NGAYON!
TINALAKAY sa sunod-sunod na meeting ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) nitong nakalipas na mga araw ang rekomendasyon na isailalim sa Alert Level 4 ang National Capital Region (NCR). Ito ay dahil sa report ng OCTA Research Group noong nakaraang Linggo, Enero 9, 2022, na ang positivity rate sa Metro Manila ay lumagpas na sa 50% para sa first-time – 50.5% as of January 7, 2022. Sinundan ng Bacoor, Cavite na may 218, Antipolo City na may 211, Cainta na may 202 at Dasmariñas…
Read More‘DI KUNTENTO SA LIMITADONG TERMINO
ANG tao, sadyang hindi marunong makuntento. Patunay nito ang isang kongresistang hangad ay ang pagpapalawig ng termino ng mga halal na opisyal ng gobyerno. Sa isang pahayag, tahasang nanawagan si Deputy House Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales para sa mas mahabang panunungkulan ng pangulo, mga mambabatas (kung saan siya nabibilang) at maging yaong mga nasa lokal na pamahalaan. Katwiran ng kongresista, masyadong maikli ang anim na taon para sa pangulo. Malinaw sa ilalim ng Saligang Batas na hindi dapat humigit sa anim na taon (isang termino) ang panunungkulan ng…
Read MoreODETTE VICTIMS TINULUNGAN NG AKO BISAYA PARTY-LIST
MATINDI ang pananalasa ng bagyong Odette sa ilang lugar sa bansa. Inihalintulad nga ito sa bagyong Yolanda. Naku, para bang wala nang tigil ang pagbayo ng bagyo noong tumama ito sa Visayas at Mindanao. Sinasabing sa Dinagat Islands, tila washing machine raw ang hangin na dala ni Odette. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), hindi bababa sa 200 ang nasawi sa bagyo. Matindi ang sinapit ng mga biktima. Hanggang ngayon, hindi pa rin sila lubusang nakababangon. Bagsak ang komunikasyon sa mga probinsyang dinaanan. Labis na napuruhan…
Read MoreANG PAGBABALIK NG “PHARMALLY”
SA napipintong pagdedeklara ng alert level 4 bunsod ng mabilis na pagsampa ng mga kumpirmadong kaso ng nakamamatay na karamdaman, muling nabuhayan ang mga tiwali at ang teka-tekang kumpanyang sadyang binuo para lamang gamitin sa pagsasamantala sa gitna ng pandemya. Hindi na marahil Pharmally Pharmaceutical Corporation ang gagamiting kumpanya para sa medical supplies na kailangan ng gobyerno bilang tugon sa patuloy na banta ng pandemya, lalo pa’t hindi kagandahan ang reputasyon nito, batay sa naantalang imbestigasyon ng Senado. Sa pahiwatig ng Department of Health (DOH), malaki-laking suplay ng antigen test…
Read MorePAGPAPAIGTING SA LABAN KONTRA COVID-19, KAILANGANG TUTUKAN
KUNG ating ikukumpara sa nakaraang dalawang taon, tila mas naging maganda ang pagsalubong natin ng Bagong Taon ngayon dahil sa pagsasailalim ng bansa sa mas maluwag na quarantine restriction. Sa kasamaang palad, wala pa mang isang linggo mula nang pumasok ang taong 2022 ay pumalo na sa higit 20,000 ang arawang kaso ng COVID-19. Ayon sa ilang eksperto, maaari pa itong umabot sa 40,000 kung ‘di mag-iingat at magiging lubos na kampante ang mga tao. Bagama’t inaasahan ng pamahalaan na magkakaroon ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 kada araw sa…
Read MoreWALANG MASYADONG EPEKTO?
TALIWAS sa giit ng Department of Trade and Industry (DTI), malaking dagok sa negosyo ang pagpapatupad ng Alert Level 3 sa maliliit na negosyo. Sa kanyang ulat sa Pangulo, sinabi ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na manipis lang ang diperensya sa pagitan ng Alert Level 3 sa Alert Level 2 batay sa mga inilatag na reglamento ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. Ginoong Kalihim, malinaw sa inyong tinuran ang pagtukoy sa maliliit na negosyo. Kung ang batayan ay ang perang nawala sa maliliit…
Read MoreALYSSA VALDEZ POSITIBO SA COVID
Ni ANN ENCARNACION NAKARANAS ng mild symptoms ng COVID si volleyball phenom Alyssa Valdez, ayon sa V Management Group. “After experiencing some mild symptoms and a confirmatory RT-PCR test, Alyssa Valdez tested positive for COVID-19,” pahayag ng V. “Please be rest assured that Alyssa is taking the necessary precautions and will be recovering from home.” Nag-tweet naman upang magpasalamat si Valdez, Top 2 celebrity housemate sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10, sa kanyang supporters. “Thank you all for the well-wishes!” Kasabay nito ay tiniyak niyang nasa maayos na lagay…
Read More