MASYADONG MAHAL KASI

WALA siguro sa atin ang hindi nagnanais na ­magpa-RT-PCR test na kahit mahal ay sumusugal tayo para sa kapanatagan ng ­ating isip kapag nagkaroon tayo ng mga sintomas sa COVID-19. Hindi kasama sa ating araw-araw na budget ang RT-PCR test o maging ‘yung antigen test kaya ­malaking kabawasan ito sa ating budget para sa pagkain araw-araw, pambayad ng kuryente, internet, tubig at kung ano-ano pang gastusin sa ating bahay. Ito marahil ang dahilan kung bakit marami sa atin ang hindi nagpapa-RT-PCR test lalo na ‘yung mga ­kababayan natin na kulang…

Read More

NANGANGAMOY LOCKDOWN

AMININ man o hindi ng Palasyo, pinag-uusapan na ngayon ng Pangulo at mga kinatawan mula sa iba’t ibang departamento ang muling pagpapatupad ng isang hard lockdown sa hangaring pigilan ang pagtaas ng bilang ng mga positibo sa bawat araw na nagdaraan. Bagama’t angkop ang dahilan, may mga bagay na dapat munang sagutin ang pamahalaan. May sapat bang salapi ang ­gobyerno para matustusan ang mga panga­ngailangan ng mga pamilyang muling ­masasadlak sa gutom dulot ng tigil-hanapbuhay? Kung babalikan ang nakaraan, ang tanging kaya ng gobyerno ay bigyan ang mga mamamayan ng…

Read More

PANANAMANTALA SA PANAHON NG PANDEMYA

PUNA Ni JOEL AMONGO KUNG kailan may problema at saka naman nakikisabay itong mga mapagsamantalang tao. Ang tinutukoy po natin ay ang mga nasa likod ng pagbebenta ng mga pekeng paracetamol. Mayroon daw kasing nag­labasan ngayon na mga pekeng paracetamol matapos magkaubusan nito sa mga botika dahil sa mataas na panga­ngailangan ng mga tao nito. Nito kasing pagpasok ng Enero 2022 ay mabilis na tumaas ang kaso ng mga nagpopositibo sa mga test sa COVID-19, partikular ang Omicron variant na mabilis na nakakahawa sa mga tao. Kaya biglang tumaas ang…

Read More

EJ Obiena makalalahok sa 31st SEA Games at XIX Asiad 2022

SUSUPORTAHAN ng Philippine Olympic Committee si pole vaulter Ernest John Obiena sa laban nito para manatiling miyembro ng pambansang koponan sa track and field sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam at XIX Asian Games sa China, na parehong idaraos ngayong taon. Ang 26-anyos na Tokyo Olympian at tinaguriang “The Flying Pinoy” ay tinanggal ng kanyang kinaaanibang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) dahil sa umano’y falsification of liquidation documents at hindi pagbabayad kay Ukranian coach Vitaly Petrov, na itinanggi na ang paratang. Tiniyak ng POC noong Martes sa…

Read More

RJ MEA LODI NG TIAONG, QUEZON

MATAGAL nang naghahangad ng pagbabago ang mamamayan ng Tiaong, Quezon. Kumbaga, ilang dekada na rin kasing hindi ­umaangat ang bayan. Kumbaga, marami pa ring nasa laylayan. Kailangan na talaga ng tunay na pagbabago rito. At siyempre, kailangan nila ng mga bagong lider na tutulong sa kanila. Hindi pupuwedeng mag­lagay lamang ng kung sinu-sino na wala namang kakayahan. Mahalagang mag-isip nang mabuti ang mga taga-Tiaong. Nariyan naman ang negosyanteng si BOSS RJ MEA na nasa puso ang pagtulong sa mga mahihirap. Laging kapakanan ng mga taga-Tiaong ang iniisip niya. Kaya nang…

Read More

“HINDI KAMI NURSE” – IMMIGRATION OFFICERS

UMAARAY at nananawagan ang ilan sa Immigration officers na nahaharap pa rin sa kaso kaugnay sa kanilang pagkakasangkot sa pinulitikang Pastillas scheme kuno kung saan sila ngayon ay nakararanas pa rin ng ­diskriminasyon sa kanilang mismong tahanan. Matapos na makasuhan at masuspinde sa serbisyo ay hinarap ng Immigration officers ang kanilang kaso at karamihan sa mga ito ay nasa floating status hanggang ngayon. Ngunit tila bangungot ngayon ang kanilang kinakaharap sa mismong ahensya kung saan ilan sa kanila ay itinapon sa Admin office at ang ilan naman ay sa medical…

Read More

PINAY DH, PINALIPAT-LIPAT NG AMO KAHIT TAPOS NA ANG KONTRATA

Aksyon OFW

MAGANDANG araw mga ka-Saksi! Happy Three Kings! Nakatanggap po ang inyong lingkod ng mensahe mula sa isang kabayaning domestic worker na humihingi ng tulong sa pamahalaan para makauwi na ng Pilipinas. Ipinadala n’ya ang mensahe noong December 2021 pa dahil matagal na palang natapos ang kanyang 2 taong kontrata sa kanyang amo na si Yasser Saeed Almaari. Nakilala natin ang kabayaning OFW na si Berna Marie M. Egonia, tubong Quirino province, na ideneploy ng PJV Human Resources Company sa Abha, Saudi Arabia noong Sept. 19, 2019 pa. Ang foreign recruitment…

Read More

SIMULA NG KATAPUSAN

MARAMI ang nanlumo sa muling paglobo ng arawang talaan ng mga kumpirmadong kaso ng nakamamatay na COVID-19. ­Dangan naman kasi, ang inaasahang pagwawakas ng pagdurusa at balik-normal na pamumuhay, naunsyami pa. Pero iba ang pananaw ni Fr. Nicanor ­Austriaco, isang eksperto pagdating sa larangan ng molecular biology. Aniya, ito na ang indikasyong magwawakas na talaga ang pandemya, batay sa resulta ng pag-aaral ng mga kapwa niya dalubhasa. Pag-amin ni Austriaco, higit na nakahahawa ang Omicron variant. Gayunpaman, hindi naman aniya dapat mabahala dahil sa mga pag-aaral, ito raw ay isang…

Read More

DAPAT LANG

DAPAT lang ang isinampang kaso ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa tinaguriang “Poblacion Girl” at “Quarantine jumper” para magsilbing aral sa ibang naka-quarantine na may planong gayahin ang ginawa niya. Kailangang masampolan siya at mga kasabwat niya sa ­hindi pagsunod sa quarantine protocols dahil inilagay nila sa panganib ang buhay ng ­maraming tao na nagpositibo sa COVID-19. Kahit anong gawin ng ­gobyerno para makontrol ang paglaganap ng pandemya ay walang mangyayari kung ­merong mga ganitong klase ng tao na sarili lang ang iniisip kaya napapamahak ang marami. Lahat…

Read More