PEKENG MALASAKIT SA KALIKASAN

KUNG kasaysayan ang pagbabatayan, mga katutubong Aeta ang mga unang Pilipino at ­ating mga ninuno. Nasa Pilipinas na sila bago pa man dumating ang mga banyagang mananakop na nagpatupad ng sistemang enkomyendang ginamit ng mga Kastila sa pag-angkin ng malaking bahagi ng bansa. Sa ilalim ng sistemang enkomyenda, unti-unting itinaboy ang mga unang Pilipino, bagay na­ patuloy na nangyayari sa hanay ng mga Dumagat sa bulubunduking bahagi ng lalawigan ng Rizal. Ang siste, sila’y garapalang pinalalayas, tinatakot at ginigipit ng mga mapagsamantalang ang panakot ay mga kasapakat sa iba’t ibang…

Read More

PARACETAMOL NAGKAKAUBUSAN NA?

BIGLANG dumagsa ang mga tao sa mga botika para bumili ng ­paracetamol simula nang pumutok ang isyu sa Omicron variant nitong pagpasok ng Enero 2022. May nai-report na kasi na nakapasok na ang Omicron sa ating bansa. Sa nakuhang impormasyon ng PUNA, unang nai-report kamakailan ay labing-isa katao na nagmula sa abroad na pumasok sa Pilipinas, ang nagpositibo sa virus. Sinundan naman ng tatlo katao na local transmission. Lumalabas na labing-apat ang unang bugso ng Omicron sa Pinas. ‘Yung unang tatlo ay local transmission, idagdag pa ‘yung labing-isang na-test na…

Read More

BATAS PARA SA LAHAT

HINDI sapat ang katagang sukdulan para ilarawan ang pagiging ­iresponsable ng instant celebrity na si Gwyneth Chua bunsod ng kanyang paglabas sa isang itinalagang ­quarantine facility para lamang dumalo sa isang pagtitipon kung saan siya diumano’y nakahawa pa ng iba. Ang totoo, hindi si Gwyneth ang unang taong lumabag sa mga panuntunang inilatag ng pamahalaan bilang pag-iingat sa gitna ng patuloy na banta ng pandemya. Kung babalikan ang nakaraan, ­umani ng batikos ang mga kilalang taong gobyerno dahil sa kanilang paglabag sa mahigpit na pagbabawal (tulad ng pagtitipon, paglabas habang…

Read More

PAGTULONG SA MAS MARAMING PINOY, NEW YEAR’S RESOLUTION NG PITMASTER

NANGANGAMBA raw ang maraming sabungero dahil sa banta ng Omicron variant sa bansa. Well, dapat lang namang mangamba lalo pa’t dumarami ang mga kaso. Kung noong mga nakaraang linggo ay hindi umaabot ng 500 cases, ngayon ay halos 5,000 na naman ang mga kaso. Tumataas din ang active cases. Malamang ito na ‘yung epekto ng holiday season dahil ­maraming gumagala at nagbakasyon. Pero huwag tayong mag-alala, mga ka-sabong, tuloy lang ang laban. Pasasaan ba’t babalik din sa normal ang lahat. Tsaka, tuloy lang din ang talpakan. Kahit wala pang pisikal…

Read More

PERSONAL FILING SA SUPREME COURT IPINAGBAWAL NA

DAHIL sa pagsasailalim muli sa Alert Level 3 ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, sa National Capital Region (NCR) ay ipinagbawal na muli ng Supreme Court (SC) ang personal filing ng mga litigant na mayroong nakasampang kaso sa SC. Nakasaad sa Memorandum Order 1-2022 na pirmado ni SC Chief Justice Alexander Gesmundo na bawal muna ang mga ­initiatory pleading, ito ay dahil sa panibagong alert level na ipinalabas ng IATF, bunsod ng panibagong variant ng COVID-19 na Omicron. Ang nakakapangamba kasi sa panibagong variant…

Read More

DOMW, REGALO NI PRRD SA MGA MODERN-DAY HERO

Aksyon OFW

MGA ka-Saksi, isang maligaya at manigong bagong taon sa lahat! Bago matapos ang 2021, may aginaldo si Pangulong Digong Duterte sa overseas Filipino workers sa buong mundo. Mismong sa paggunita ng kamatayan ni Gat Jose Rizal noong Dec. 30, nilagdaan ng ­Pangulo sa Palasyo ng Malakanyang ang batas na lilikha sa Department of Migrant Workers o ang Republic Act No. 11641 na siyang nakatutok sa mga concern at interes ng tinaguriang “modern day heroes”. Ito’y pagsasakatuparan ng naging pangako ni Pang. Duterte noong 2016 elections na magtatatag ng isang departamento…

Read More

AMINADO PERO ‘DI KULONG

ISANG malinaw na kapalpakan ng mga pulis at tagausig ang pagkakabasura ng kasong drug trafficking na isinampa laban kay Kerwin Espinosa, isang aminadong drug lord na ginamit ng pamahalaan bilang testigo kontra kay Senador Leila De Lima para sa kahalintulad na asunto. Aminadong drug lord si Kerwin Espinosa na nagsusuplay ng droga sa Eastern Visayas, batay mismo sa kanyang mga sinumpaang testimonya sa mga pagdinig sa Kamara at Senado. Pero sa kabila nito, minabuti ng Makati Regional Trial Court na i-dismiss ang kaso laban kay Espinosa at iba pa kaugnay…

Read More

SINO ANG MAY SALA?

HINDI ko masisisi ang mga tao na sinamantala ang pagluluwag ng health protocols nitong holiday season dahil noong 2020 ay nakulong tayong lahat sa ating mga bahay dahil sa COVID-19 na hindi pinigilan ng China kaya kumalat sa buong mundo. Parang nakawala sa kulungan ang mga tao at ginawa lahat ng mga bagay na hindi nila nagawa sa holiday season noong 2020, tulad ng pagpunta sa mga mall, night market at mga pasyalan. Kaliwa’t kanan ang mga party, family reunion… mga bagay na hindi nila nagawa noong 2020. Para bang…

Read More

PENSYON PINAPATUBO O SADYANG WALA NA?

HINDI na bago ang katiwalian sa ilalim ng ­administrasyon ni Pangulong ­Rodrigo Duterte. Katunayan, halos gugulin ng Pangulo ang malaking bahagi ng kanyang termino sa pagpuksa sa mga itinalaga niya sa pwesto. Ang siste, tila nag-iisa na lang ang Pangulo sa kanyang kampanya kontra dorobo sa gobyerno. Katunayan, ni hindi na tumitindig ang balahibo ng mga tiwali sa kabila pa ng kanyang babalang kakasuhan ang sinoman sa sandaling makatunog siya ng bulilyaso. Eh paano ba naman kasi, hanggang sa huling taon niya sa kanyang termino, wala naman yatang naipakulong na…

Read More