UMANI ng samu’t saring reaksyon mula sa milyun-milyong mga Pinoy sa buong mundo ang ginawang pag-atras ni Mayor Inday Sara Duterte sa pagtakbo sa pagka-alkalde ng siyudad noong nakaraang Martes, Nobyembre 9, 2021. Nagtungo si Inday Sara sa Commission on Election (Comelec) sa Davao City para iatras niya ang kanyang kandidatura sa pagka-alkalde at naging kapalit niya ang kanyang nakababatang kapatid na si Baste Duterte. Sa pangyayaring ito ay marami ang natuwang Pilipino at naging mainit ang usap-usapan sa mga pagtitipon. Marami ang umaasa na matutuloy na ang BBM-INDAY SARA…
Read MoreCategory: OPINYON
SA NGALAN NG AYUDA
DUMATING na sa sukdulan ang pamahalaan sa aspeto ng panghihikayat para sa malawakang bakunahan laban sa nakamamatay na karamdaman. Lahat ng paraan sinusubukan – polisiyang tila maglalagay sa alanganin sa mamamayang diskumpyado sa bisa at kaligtasan ng mga bakuna, maging yaong ayaw sa gawa ng Tsina. Kung tutuusin, maraming gimik para makumbinsi ang mamamayan na magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19. May mga sangay ng gobyernong nagbibigay insentibo, mayroon din namang ang diskarte ay magpa-premyo. Pero kakaiba ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang estilong gamit sa…
Read MoreNAKALILITO O NANLILITO?
ANO ba talaga ang laro ng PDP-Laban Cusi wing at ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte? Naitanong ko ‘yan mga lodi kasi ‘di ba naman umayaw na ang Pangulo na tumakbo bilang bise-presidente sa 2022 national at local elections dahil nais daw niyang magpahinga na sa pulitika? Tama naman, mga lodi, ilang taon na ba kasi si Lolo Digong. Tama rin lang na ilaan na lang niya ang kanyang oras at panahon sa kanyang pamilya. Mabalik tayo, mga lodi, ‘di ba nga… sa pag-atras ng Pangulo na tumakbo bilang bise presidente…
Read MorePAG-EPAL NG GOBERNADOR SA RAPE CASE NG MAYORALTY CANDIDATE, IPINATIGIL
NANAWAGAN kay Quezon Governor Danilo Suarez ang grupong Citizens Movement Against Corruption, Crime, Illegal Drugs and Gambling, Inc. na pinangunahan ni Propesor Salvador de Guzman, na gawin na lamang ang kanyang trabaho sa lalawigan ng Quezon kaysa pakialaman ang pagsulong ng kasong kidnapping and serious illegal detention with rape and child abuse na isinampa ng biktima laban kay Lopez, Quezon mayoralty candidate Councilor Arkie Yulde na sinasabing kaalyado sa pulitika ni Suarez. Ayon din sa tagapagsalita ng nabanggit na grupo na si Prop. Val Guevarra, na kung gusto talagang pakialaman…
Read MoreTAMA NA, BUSOG NA
SA hinaba-haba ng panahon ng pagpapatupad ng pamahalaan sa pwersahang pagpapagamit ng face shields sa bansa, muling lumutang ang mga panawagan para sa pagbabasura ng patakarang dagdag pasakit sa naghihirap na mamamayan. Sa pulong ng mga alkalde ng iba’t ibang lungsod ng National Capital Region (NCR), napagkaisahan nilang bawiin ang mga ordinansa kaugnay ng panuntunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF). Ang tanong – bakit ngayon lang nanindigan ang mga punong lungsod sa Metro Manila? Ang totoo, wala naman talagang ano mang siyentipikong batayan…
Read MoreHINDI NAG-UUSAP?
USONG-USO ang viber group ngayon, at may messenger at iba pang communication platform ng mga magkakaopisina, magbabarkada, magkakamag-anak, magkakapamilya at iba pa. Isa sa mga inaasahan ko na mayroong group chat ang government officials lalo na ang secretaries dahil kailangan nilang sumabay sa makabagong teknolohiya para magampanan nila ang kanilang trabaho nang maayos. Kahit karamihan sa secretaries ay mga liyebo 60 na at isa sa mga huling natuto sa paggamit ng internet at social media, kailangan nilang sumabay sa makabagong teknolohiya dahil kung hindi ay mapag-iiwanan sila. Pero parang walang…
Read MorePANINIRA KAY BBM, DESPERADONG GALAW NG MGA KALABAN
HINDI natin maintindihan kung bakit kailangan pa nilang idamay ang maliliit na negosyo/negosyante sa kanilang pamumulitika. Ang tinutukoy po natin, ang panawagan po ni dating Senador Bongbong Marcos (BBM) sa mga politiko na ‘wag idamay ang maliliit na mga nagnenegosyo sa pamumulitika. Nagbigay ng pahayag si BBM matapos siyang makatanggap ng impormasyon na may maliliit na negosyo na ipinaboboykot dahil lamang sa pagsuporta nito sa kanya. Bakit wala ba silang karapatan na mamili ng kanilang susuportahan o iboboto sa eleksyon sa susunod na taon? Ikinalulungkot ng dating senador ang ganitong…
Read MorePINAY, PINAG-ALAGA NG MGA KAMBING SA HALIP NA KASAMBAHAY
PATULOY na bumabaha ang mga reklamo ng ating mga kabayaning OFW simula nang buksan ni Dr. Chie Umandap ang kolum na ito para sa mga manggagawang Pinoy sa abroad na nakararanas ng pang-aabuso, maltrato, kawalan ng sahod, iniipit ang iqama at passport, maging ang personal na mga kagamitan ay itinatago ng kanilang malulupit na amo. Nais kong i-feature ang masaklap na karanasan ng isang Pinay na itago na lang natin sa pangalang OFW Lyn na tubong General Santos at Tupi, South Cotabato. Sa nakalap nating impormasyon mula sa POLO-OWWA Riyadh,…
Read MorePAGPAPALAGO NG EKONOMIYA SA KABILA NG PANDEMYANG COVID-19
SA wakas ay tila kontrolado na natin ang pagkalat ng COVID-19 virus sa bansa. Ito ang ipinakikita ng pananatili ng bilang ng bagong kaso ng virus kada araw sa mababang antas kumpara sa naging karaniwang bilang nito na nasa humigit kumulang 20,000 noong Setyembre. Sa katunayan, noong ika-3 ng Nobyembre ay naitala ang pinakamababang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng walong buwan na nasa 1,591 lamang. Dalawang linggo na ring nananatiling mababa sa 10% ang naitalang positivity rate. Bunsod ng patuloy na pagpabor sa atin ng mga…
Read More