ANAK NG JUETENG!

SA nalalapit na pagbaba sa pwesto ni Philippine National Police (PNP) chief, Director-General Guillermo Eleazar, limang matitikas na heneral ang nasa talaan ng mga nominado para sa susunod na lider ng pambansang pulisya. Kung tutuusin, hindi madali ang ­maging hepe ng pambansang pulisya. Tunay na prestihiyoso ang pwesto subalit hindi biro ang hamon ng trabaho – ang mapatino ang daan libong unipormadong sumumpang magsilbi ang protektahan ang mga tao. Sa kabila ng mabigat na responsibilidad na kalakip ng pwesto, marami pa rin ang nag­hahangad na maitalaga ng Pangulo. ­Bakit nga…

Read More

NAGALIT ANG EPAL

ANG mga kapitalista ay namumuhunan ng pera para kumita at hindi para lang masuba ng kung sinong Poncio Pilato na nasa pwesto. Ito ang kwento ng isang politikong pagka­tapos magbigay ng down payment para sa ­inar­kilang Ad space ay tila nagalit pa dahil binaklas ang kanyang billboard na lagpas na sa kontratang binayaran. Sa Taytay, Rizal ­piniling magnegosyo ng may-ari ng Holistic Marketing Services Communications Firm Corporation, sa paniwalang may potensyal ang bayang higit na kilala bilang Garments Capital of the Philippines, lalo pa’t nakadikit lamang ang nasabing lokalidad sa…

Read More

HINDI PINOY ANG TAX EVADERS

KUNG pagbabasehan ang hearing ng Senado sa Pharmally Pharmaceutical Corporation, hindi ang mga Filipino ang tax evaders kundi ang mga dayuhan na nagnenegosyo sa ating bayan. Matagal na ­nating ­naririnig na ang ­maraming dayuhang nagnenegosyo sa ating bansa ang hindi talaga nagbabayad ng buwis at kung nagbabayad man ay dinadaya ang gobyerno. Mantakin mo, mas malaki pa ang ibinabayad ng isang ordinaryong manggagawa na income tax sa gobyerno kaysa mga opisyales ng Pharmally gayung limpak-limpak ang kanilang kinita sa negosyong ibinigay sa kanila ng Procurement Service ng Department of Budget…

Read More

DIRETSO SA BASURAHAN

MALAMANG sa hindi, mauuwi sa basurahan ang petisyong diskwalipikasyon sa kandidatura para sa pagkapangulo ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos. Malinaw naman kasi ang nakasaad sa Omnibus Election Code – tanging mga kandidatong nahatulan sa kasong may karampatang parusang 18 buwang pagkakakulong pataas ang maaaring ma-diskwalipika sa halalan. Tama naman sabihing hindi na maaaring tumakbo sa ano mang posisyon sa gobyerno ang mga sentensyado, pero nakalimutan sigurong basahin ng mga abogadong gumawa ng ­petisyon ang mga sumunod na probisyong nagtatakda ng mga detalyeng kalakip nito. Isa sa basehan para sa…

Read More

Boksingerong Pinoy sa 2024 Olympics tutulungan ni RSA

SA layong mabawi ang nawalang oportunidad ng mga boksingerong Pilipino na manalo ng gintong medalya sa nakaraang XXXII Games of the Olympiad na idinaos sa ­Tokyo, nangako si businessman-sportsman Ramon S. Ang ng San Miguel Corp. ng tulong upang maisakatuparan ang mga pangarap na naunsyami dala ng COVID-19. Maalalang ang kumunidad ng boksing sa bansa ay umasang matuldukan ang 97 taong paghihintay simula nang ang Pilipinas ay unang lumahok sa Olimpiyada noong 1924 sa Paris. Ang dahilan: ang pamamahala ng kompetisyon mula sa mga qualifying tournament hanggang sa mismong Olympics…

Read More

ILANG OFWs, BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING NG PINOY SA QATAR

Aksyon OFW

NAKATANGGAP po ang kolum na ito ng reklamo mula sa ilang kabayaning OFW sa Qatar na gustong ipaaresto at pakasuhan sa gobyerno ang isa ­nating kababayan na ang raket ay human ­trafficking na labag sa batas. Narito po ang kanyang buong salaysay laban sa modus operandi ni Marivic Breviescas na nambibiktima ng mga kababayan natin na gustong magtrabaho sa Qatar. “Nag-chat po sa akin ang pinsan ni Marivic Breviescas na si Michelle Breviescas sinabi niya po sa akin na pumunta rito sa Qatar dahil ang pinsan niya may bagong cleaning…

Read More

SIKUHAN SA LOOB NG PNP

HABANG inilalatag ang proseso sa promotion ng 27,000 pulis kasunod ng ibinabang go signal ng National Police Commission ay nagsisimula naman umano ang sikuhan at bungguan sa pagitan ng ilang senior general ng Philippine National Police na sinasabing kabilang sa mga naghahangad na makuha ang mababakanteng posisyon ni PNP chief, Police ­General ­Guillermo Lorenzo T. ­Eleazar. Isang mataas na opisyal ang nagsasabing tahimik subalit ramdam nang nagsisimula na ang sikuhan sa hanay ng ilang ­aspirante para sa PNP chief position na posibleng kabilang sa shortlist ng mga ­pinagpipilian ni Pangulong…

Read More

CREMATION PARA IWAS OTOPSIYA

MAY nakita nang solusyong akmang pang-iwas sa marami pang tanong kaugnay ng nilikidang mga target ng gobyerno – ang pagsunog ng bangkay sa paraang cremation. Ilang araw makaraang mapatay sa umano’y engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga tinaguriang komunistang terorista, hiniling ng mga kaanak nina Jorge Madlos alyas Ka Oris at Eighfel dela Peña alyas Ka Pika na kapwa pinaniniwalaang nilikida, ang isang otopsiya sa hinalang summary execution ang naganap sa bayan ng Impasugong sa lalawigan ng Bukidnon. Giit kasi ng mga sundalo, tinamaan sa umaatikabong sagupaan kaya…

Read More

NAKAKALOKO

PARANG nakakaloko ang oil companies na kapag nagtaas ng presyo sa mga produktong petrolyo ay bigtime pero kapag nag-rollback naman ay napaka- small time. Walang natuwa sa rollback na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis sa presyo ng diesel dahil mantakin mo 35 sentimos lang ang ni-rollback nila samantalang kapag nagtaas ay hindi lalagpas ng piso at madalas, halos dalawang piso kada litro. Ano naman ang ­mangyayari sa 35 sentimos eh mula Enero hanggang November 2, 2021 ay P18.10 ang itinaas ng ­presyo ng diesel habang ang gasolina, Diyos ko,…

Read More