IMPORTANSYA NG MALINAW NA MENSAHE

NGAYONG mas lumilinaw na ang mga kaganapan sa eleksyon, marami sa mga nagmamatyag ang tila nag-iisip, sino ba ang karapat-dapat sa halalan 2022, maging ito man ay bilang pangulo, pangalawang pangulo, senador, congressman, mayor at iba pa. Subalit sa aking pakiwari ang importante ay mayroong malinaw at matatag na mensahe o message ang mga lalahok sa halalan. Isa ang Partido Federal ng Pilipinas sa aking nakikita ang may ganitong uri ng istratehiya. Ang kanilang mga binibitiwang salita sa pamamagitan ni Atty. Vic Rodriguez ay walang bahid ng maanghang na diskurso…

Read More

SA NGALAN NG EKONOMIYA

SA hudyat ng Inter- Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), mas pinalawak pa ng pamahalaan ang pagluluwag sa mga panuntunan sa kabila nang patuloy na banta ng nakamamatay ng COVID-19. Giit ng gobyerno, kailangan nang umusad ang ekonomiyang sukdulang nalugmok bunsod ng pagkakahimpil ng negosyo, empleyo, transportasyon, turismo at iba pang pinagmumulan ng buwis na siyang ginagamit ng pamahalaan sa mga programa at proyekto. Gayunpaman, tila nakaligtaan ng IATF na libo pa rin ang bilang ng mga Pilipino na nagpopositibo kada araw – mga taong…

Read More

BAWAL ANG TAMAD

SADYA yatang marami ang naaakit sa prestihiyo at impluwensiyang dala ng isang posisyon sa gobyerno kaya naman marami ang nagnanais na tumakbo sa ­hangaring makasungkit ng pwesto. Ang totoo, hindi madali ang trabaho sa gobyerno kung saan higit na lamang ang sakripisyo. Pero bakit marami pa rin ang naaakit kumandidato – sukdulang mamuhunan – at lumikom ng napakalaking pondo sa ambisyong pumanhik sa mas mataas na pwesto. Ito ang kwento ng isang tamad na pulitiko – artistahin, glamoroso pero salat naman sa patunay ng pagiging sinsero. Katunayan, kalahati lang ang…

Read More

INFO DRIVE KAILANGAN BAGO VACCINATION DAY

MAGSASAGAWA ng tatlong araw na “National COVID-19 Vaccination Day” ang gobyerno mula November 29 hanggang December 1 sa 11,000 vaccination centers sa buong bansa. Magde-deploy ang gob­yerno ng 200,000 vaccinators para maturukan ang 5 million Filipino na hindi pa nakakukuha ng kahit isang bakuna sa loob ng tatlong araw. Sigurado karamihan sa vaccination centers na ito ay nasa labas ng National Capital Region (NCR) lalo na sa malalayong probinsya na kokonti pa lamang ang nabakunahan. Sana magtagumpay sila. ‘Yung reklamo ng Local Government Units (LGUs) sa labas ng Metro Manila…

Read More

PANANAGUTAN SA BAYAN

MALAYO pa ang itinakdang petsang hudyat ng simula ng pangangampanya sa hanay ng mga pulitikong layon ay makahikayat ng botong sa kanila’y mag-aangat at tutupad sa masidhing pangarap. Taliwas naman ito sa mga nakikita’t nagaganap. Mga aspirante, kanya-kanyang ikot, kanya-kanyang pautot. May nagpapamudmod ng pera, mayroon din naman sukdulan kung mangako sa kumpulan ng mga taong sa kanila ay boboto. Ang siste, dinudumog at kinukuyog ang mga damuhong hanap ay mapansin ng publiko, bagay na tila nakababahala na para bang nanunukso sa COVID-19 ng ganito – Narito kami para sa…

Read More

KA-SABONG ON AIR, NASA SAKSI NGAYON NA

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG MAGANDANG araw mga Ka SABONG On Air, natutuwa po ako dahil nabigyan tayo ng espasyo rito sa Saksi para makapagkolum ng sabong, unang isyu natin at alam kong masisiyahan kayo mga klasmeyt, dahil tungkol sa may kinalaman sa manok ang ating pag-uusapan dito. Alam naman natin na mula ng atakehin tayo ng COVID-19 at nagkaroon ng lockdown noong nakaraang taon ay nasalto ang operation sa mga sabungan, ipinagbawal ang sabong kaya nawalan tayo ng libangan, marami ang naperwisyong sabungero dahil nawalan ng pagkakakitaan…

Read More

17 OFWs NA-STRANDED SA DUBAI, NAKAUWI NA

Aksyon OFW

NAKAUWI na sa Pilipinas ang 17 Filipinos mula sa Oman at Saudi Arabia matapos silang ma-stranded sa Dubai airport noong November 1 nang kanselahin ng Philippine Airlines ang kanilang byahe dahil sa paghihigpit ng mga local government unit. Nakauwi na ang grupo ng OFW noong November 2 sa tulong ng Philippine Consulate at kanilang staff na umasikaso sa ating kabayani kabilang na ang pagkain at pagbo-book sa Cebu Pacific airlines. Ang grupo ng mga OFW ay natengga ng dalawang araw sa Dubai Airport Terminal 1 matapos kanselahin ng PAL ang…

Read More

PERWISYO SA NEGOSYO

TALIWAS sa paandar ng gobyerno, mukhang maaantala ang inaasam na pagbangon ng negosyo. Dangan naman kasi, tila nakalimutan o sadyang hindi napaghandaan ang pagbugso ng mga tao, gayundin ang mga sasakyan sa lansangan. Isa sa nakikitang balakid ay ang pagbabalik ng lintek na pagsisikip ng trapik sa Metro Manila at mga karatig lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon at maging ang Bulacan. Paano uusad ang mga kalakal sa bagal ng daloy ng sasakyan? Gaano katagal ba ang kailangang gugulin ng mga manggagawang papasok sa kani-kanilang trabaho? At ang konsumo…

Read More

ANONG HIWAGA MERON SA FACE SHIELD?

HINDI ko alam kung anong meron at bakit ayaw bitawan ng ilang opisyal ng gobyerno ang face shield? Pero may idea na ang mga tao kung bakit at sinasabi nila ‘yan sa social media. Katakot-takot na rin ang negatibong komento ng netizen sa face shield at ginawa na itong simbolo ng katiwalian sa Duterte ­administration pero ayaw pa ring bitawan ng ilang opisyal? Walang maipakita ang Department of Health (DOH) na nakatutulong ang face shield para maprotektahan ang mga tao sa COVID-19 pero ayaw pa ring bitawan kaya lalong nagdududa…

Read More