MULA Oxford University, pekeng survey ng Rappler, emergency alert sabotage, Martial Law issue, ngayon naman ay pinakakansela na sa Commission on Election (Comelec) ang kandidatura ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos (BBM). Hindi na kayo nagsawa! Nitong nakaraang Martes ang civic groups na Task Force Detainees of PH, KAPATID, Medical Action Group, FIND, PH Alliance of Human Rights Advocates at Balay ay nagtungo sa Comelec sa Intramuros, Maynila para maghain ng 57-page ng kanilang petisyon laban sa batang Marcos. Sinasabi ng grupong ito na wala raw karapatan na tumakbong presidente…
Read MoreCategory: OPINYON
PURO PAASA
HINDI na nais ng sektor ng transportasyon na muling madenggoy ng mga taong gobyernong tila nakasanayan ang mangako – at pagkatapos ay wala na. Patunay ng kanilang natutunang leksyon ay ang maniobra ng pagpapanatili ng kanilang petisyon na inihain sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa P3 dagdag-pasahe sa mga pampublikong sasakyan. Bagama’t nangako ang Department of Transportation (DOTr) sa hanay ng mga operator at tsuper ng ayuda at subsidiya kapalit ng pagbawi ng petisyon, mas mainam pa rin na maging wais para maiwasang umasa na naman…
Read MorePELIGRO NG MGA JOURNO
NAKALULUNGKOT isiping walang kinahinatnan ang pangakong binitawan ng Philippine National Police (PNP) na tuntunin, tukuyin at panagutin ang utak sa likod ng pamamaslang sa peryodistang si Gwenn Salamida nitong nakalipas na buwan ng Agosto sa loob mismo ng kanyang salon sa Quezon City. Sa pagkakadakip ng dalawang suspek nagwakas ang kwento ni Gwenn. Ang asam na pagpapanagot sa utak ng pamamaslang, natapos sa pangako. Ang mastermind, malaya at hayahay – bagay na nakakapanindig balahibo para sa susunod na peryodistang target ng impakto. Ang totoo, hindi lang si Gwenn ang pinaslang…
Read MoreANG KAPAL NINYO!!!
KILALANG partido, susuporta raw kay Partido Federal ng Pilipinas presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. pero ang dami namang DEMANDS!!! Napag-alaman ko mula sa aking mapagkakatiwalaang source na nakipagpulong kay BBM ang naturang partido at sinabi raw na ibibigay nila ang kanilang buong suporta kay BBM sa darating na halalan. Subalit mayroong kapalit na hindi naman naging katanggap-tanggap sa panig ni BBM. Sinabi ng aking source na nito lamang nakalipas na mga linggo naganap ang naturang pagpupulong na hindi ito gaanong nagtagal, dahil sa sobrang dami ng demand ng naturang…
Read MoreAMINADONG SALING-PUSA
AMINADONG SALING-PUSA WALA na marahil mas gaganda pa sa isang lipunang demokratiko kung saan ang sentimyento ng nakararami ang higit na matimbang kaysa yaman, luho o kapritso ng iilan. Isang patunay ng pamamayani ng tinig ng mamamayan ay ang halalan. Subalit sa pagkagahaman ng mga hayok sa kapangyarihan, sukdulang gawing kenkoy ang dapat sana’y sagradong proseso sa pagpili ng liderato. Bakit nga ba hindi makekenkoy ang halalan kung ang mismong kandidato ay aminadong inobliga lamang ng kanyang panginoon para maghain ng kandidatura sa hangaring maglaan ng pwesto para sa…
Read MoreOPORTUNIDAD AT OPORTUNISTA SA PANAHON NG KRISIS
SA panahon ng krisis ay nariyan ang oportunidad at oportunista sa mga tao, lalo na ang mga negosyante. Dalawang klase ang negosyante, mayroong patas kung lumaban, hindi siya mapagsamantala sa mga tao. Kumita man siya sa kanyang negosyo ay tama lang o rasonable. Ang pangalawa ay ang negosyanteng walang puso sa kanyang kapwa. Mas gusto n’yang kumita na walang pakialam sa mga tao na naghihirap na dulot ng krisis na nararanasan. Tulad na lamang nitong kasagsagan ng COVID-19 nung nakaraang taon. Ramdam na ramdam ng maraming tao ang pananamantala ng…
Read MoreVOTE BUYING BA KANYO?
PINAG-UUSAPAN nitong mga nakaraang araw ang “vote buying” na sinasabing magiging high-tech na dahil digital na ang bayaran hindi tulad ng mga nakaraan na cash muna bago araw ng botohan. Ang tagal nang isyu ito at lagi itong pinag-uusapan kapag paparating na ang eleksyon. Parang sirang plaka na paulit-ulit na lang pinag-uusapan pero wala namang inilalatag na solusyon ang mga nakaupo sa kapangyarihan. Pero bakit nauso ang vote buying? Kailan ito nagsimula at sino ang pasimuno na bayaran ang mga tao para sila ay iboto? Walang solidong kasagutan pero maraming…
Read MorePAGPAPATULOY NG BUHAY SA KABILA NG PANANATILI NG PANDEMYANG COVID-19
PATULOY na sa pagbaba ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 kada araw, hindi lamang sa National Capital Region (NCR), kundi pati na rin sa buong bansa. Sa wakas, nagtagumpay na ang pamahalaan sa pagkontrol sa pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant. Kaugnay nito, idineklara ng Department of Health (DOH) kamakailan ang Pilipinas bilang low risk sa nasabing virus. Bumuti na rin ang sitwasyon sa NCR. Ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, ang average na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 kada linggo ay bumaba sa 901 ngayong linggo…
Read MoreDAGDAG PASANIN
SA gitna ng kinasasadlakan ng mga mamamayan, hindi makataong bigyan pa ng dagdag pasanin ang bayan, tulad ng pwersahang pagpapatupad ng Comprehensive Driver’s Education para sa renewal ng lisensya sa mga pagmamaneho ng sasakyan. Kung tutuusin, dapat lamang tiyakin ng Land Transportation Office (LTO) na tanging mga responsableng drayber lamang ang mabibigyan ng pribilehiyong makapagmaneho ng sasakyan sa mga lansangan. Tama rin namang tiyaking ligtas hindi lamang ang mga drayber kundi ang mga taong nakalulan. Ang siste, dapat ang ganitong paghihigpit ay ipatupad sa mga bago pa lang kumukuha ng…
Read More