HINDI ko masisisi ang medical frontliners na mag-demand ng branded na COVID-19 vaccines para sa kanilang booster shot lalo na’t karamihan sa kanila ay naturukan ng Sinovac na gawang China. Wala sa listahan ng mga medical frontliner ang Sinovac na pinakamarami sa binili ng Inter-agency task force (IATF) para sa kanilang booster shot na indikasyon na ayaw nila ang gawang China. Gusto nila gawang Amerika ang vaccines na ituturok sa kanila sa ikatlong pagkakataon dahil hindi lingid sa kaalaman nating lahat, na marami sa mga tinurukan ng Sinovac ay nagkaroon…
Read MoreCategory: OPINYON
PASANG KRUS NI JUAN DELA CRUZ
BAGAMA’T unti-unti nang lumuluwag ang quarantine protocols sa bansa bilang pag-iingat sa COVID-19 pandemic, isa na namang pasang krus ang kinahaharap ngayon ni Juan Dela Cruz. Ito ay ang sunod-sunod na pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Batay sa pag-iikot ng PUNA sa ilang mga gasolinahan sa Metro Manila, ang mga produktong petrolyo ay nakapagtala na ng pinakamataas na dagdag sa presyo sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang unleaded gasoline ay nasa P70 na kada litro; Premium ay P71; at ang Diesel ay P56 na. Ang 11 kgs. naman ng…
Read MorePUSTA-BUHAY
KASABAY ng pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng mga positibo, muling lumutang ang posibilidad ng pagbabalik ng face-to-face classes para sa lahat ng antas sa mga paaralan – partikular sa Metro Manila. Katwiran ng Commission on Higher Education (CHED), malaking bahagi na ng Metro Manila ay bakunado. Nakalulugod isiping babalik na ang normal na pamumuhay, subalit nakababahala naman sa aspetong malalagay sa alanganin ang buhay at kalusugan ng mga batang tila eksperimentong gagamiting batayan ng pasya ng gobyerno sa hinaharap. Tila nakalimutan ng CHED na hindi bahagi ng…
Read More37 PINOY SEAMAN NA STRANDED SA FIJI ISLAND, MAKAKAUWI NA
MAGANDANG araw, mga kabayani. Sana ay nasa ligtas po kayong kalagayan sa inyong mga bahay kasama ang pamilya. Ipagdasal natin na mawala na ang COVID-19 sa bansa dahil bumababa na po ang mga kaso. Good News muna! Pauwi na sa bansa ang 37 Filipino seamen na apat na buwang stranded sa Fiji island dahil sa pandemya. Saan makikita ang Fiji island? Ito ay nasa gitnang bahagi ng South Pacific region, approximately 4,800 kilometers (3,000 miles) sa Silangan ng Australian, o nasa 2,100 kilometers (1,300 miles) mula sa New Zealand. Ipinaalam…
Read MoreBATA, BATA, HANGGANG TANAW KA MUNA
KAPANSIN-PANSIN na maraming kabataan ang naglabasan sa kani-kanilang mga bahay matapos na ilagay sa alert level 3 ang NCR. Hindi maikakaila mga lodi, na maraming mga bata ang sabik nang makakain at makapag-dine in sa labas o matanaw man lang yung mascot ng dalawang sikat na fastfood chain. Iyon nga lamang ay bawal pa sila. Hehehe… Kasi naman mga lodi, sumirit ang porsiyento ng mga batang nakararanas ng depression at suicidal tendencies dahil sa halos dalawang taong pananatili lamang sa mga bahay dahil nga sa COVID-19 pandemic. Ito mga lodi,…
Read MoreKULELAT
SA ikalawang magkasunod na buwan, muling nangamote ang Pilipinas sa talaan ng 53 bansang sinuri sa larangan ng pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga programang mag-aahon sa sintang bayan sa kinasadlakang pagkakalugmok dulot ng perwisyong pandemya. Sa pinakahuling resulta ng pag-aaral ng Bloomberg, nanatili sa huling pwesto ang Pilipinas sa kategoryang COVID Resilience Ranking sa gradong 40.5. Bukod sa Bloomberg, maging sa COVID-19 Recovery Index ng Nikei Asia, kulelat din tayo sa talaan naman ng 151 bansang nakuhanan ng datos. Kabilang sa mga ginamit na barometro ng pag-aaral ay ang lawak…
Read MoreHUWAG NA MAGTAKA SA KABASTUSAN NG CHINA
HUWAG na tayong magtaka kung patuloy tayong binabastos ni Chinese President Xi Jinping dahil kung nagagawa niya ito sa kanyang sariling mamamayan, bakit hindi niya kayang gawin sa ibang bansa tulad natin? Huwag din tayong magtaka na ganyan ang trato ng China sa Pilipinas dahil sa alam niyang ‘di papapalag ang Pangulo natin lalo na’t walang kakayahan ang ating Armed Forces na tapatan ang kanilang military. Sa China, base sa mga smuggled video ng mga Chinese national na lihim na pumapalag sa paglabag sa karapatang pantao ng kanilang lider na…
Read MoreKAP DEADMA LANG SA COA
SA paglikha ng Commission on Audit (COA), layon ng Kongresong tiyaking nasa ayos ang bawat sentimong ginagastos ng gobyerno. Pero sa mata ng mga tiwali, iba ang tingin nila sa nasabing tanggapan – isang balakid sa diskarteng pilipit. Ang siste, dumarami ang mga tiwali kaya ang COA, hirap sa kanilang pagsusuri. Sa ‘di kalayuang bayan ng Taytay sa lalawigan ng Rizal, may sikat na kapitan. Tigasin at brusko – sukdulang deadmahin ang obligasyong ihayag ang mga gastusin ng pamayanang pinamumunuan nito. Sa nakalipas na walong taon, ipinagkibit-balikat lang ng tigasing…
Read MoreWALANG ILAG SA ICC
ABALANG-abala na marahil ang mga abogado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa napipintong asuntong nakasampa sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng kanyang administrasyon. Dangan naman kasi, nanindigan ang ICC na hindi dahilan ang pagtiwalag ng Pilipinas sa Rome Statute para malusutan ni Duterte o sino mang opisyal ng pamahaalan ang paghahain ng arrest warrant sa mga kasong saklaw ng nasabing husgado – kabilang ang crimes against humanity na inihain ng mga pamilyang naulila ng hindi bababa sa 6,000 kataong sangkot diumano sa kalakaran ng droga.…
Read More