SINASABING si PNP-National Capital Regional Police Office Director P/Maj. Gen. Vicente Danao na ang pinakahuling Philippine Military Academy graduate na magsisilbi bilang Philippine National Police chief, sakaling siya ang hiranging kapalit ni PNP chief, General Guillermo Lorenzo T. Eleazar. Matunog kasi ang usap-usapan sa loob ng dalawang security camp na maaaring dalawang Davao Boys ang mapisil ng kanilang commander-in-chief, si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, para magsilbing bagong pinuno ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police. Marami ang umaasang isasalin ni General Eleazar ang renda ng PNP kay…
Read MoreCategory: OPINYON
GOBERNADOR AT MAYOR, PINAPANAGOT SA KASONG RAPE
UMAASA ang pamilya ng biktima ng panghahalay na kaagad na maaksyunan ng office of the Ombudsman ang patong-patong na kasong kriminal at administratibo na isinampa nila laban kay Quezon Governor Danilo Suarez. Bukod sa kasong obstruction of justice, accessory to the crime of child abuse at paglabag sa Paragraph (e) Section 3 ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act na isinampa sa Ombudsman kay Gov. Suarez dahil sa ginawa nitong pang-aareglo sa kinakaharap na kasong kidnapping with rape ni Lopez, Quezon, Municipal Councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde, ay…
Read MoreKAMPANTENG GOBYERNO
SA pagbaba ng naitatalang arawang kaso ng mga nagpositibo, nangusap ang dalawang tanggapan ng gobyerno. Ayon sa Department of Health (DOH), low risk na ang buong bansa. Saad naman ng tagapagsalita ng Palasyo, matatapos na ang pandemya. Sa kanilang tinuran, dapat balikan ang nakaraan. Hindi nga ba’t ganito rin ang akala ng dalawang tanggapan nang bumaba ang bilang ng mga tinamaan batay sa kanilang sariling talaan. Ang siste, ang pagiging kampante ng mga taong gobyerno ang nagsisilbing mitsa ng panibagong peligro. Walang dudang ang lahat ay nasabik na makalabas at…
Read MoreNAKAKAKABA ANG EKSENA SA DOLOMITE BEACH
NAKAKAKABA ang eksena sa dolomite beach sa Roxas Blvd. sa lungsod ng Maynila lalo na’t hindi pa tapos ang problema natin sa COVID-19 at libu-libo pa rin ang nahahawaan. Kung pagbabasehan natin ang mga video at mga larawan sa social media, hindi nasusunod ang health protocols at hindi nakokontrol ang pagpasok ng mga tao sa artificial beach. Dikit-dikit ang mga tao kaya walang social distancing at nang bumuhos ang ulan, nagkumpulan ang mga utaw para sumilong kaya nakakakaba lalo na’t nag-mutate na ang Delta variant kaya meron na namang tinatawag…
Read MoreBONGBONG MARCOS NA?
KUNG ang eleksyon ay ginawa nitong nakaraang Oktubre 11 hanggang 18, 2021, walang kaduda-dudang si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (BBM) na ang presidente ng Pilipinas. Bakit kamo? Base sa inilabas na resulta ng Publicus Asia Survey on Election Preferences October 11-18, 2021, sa presidential, malayo ang deperensiya nina BBM at Leni. Si BBM ay nakapagtalaga ng 49.3%; Leni Robredo ay 21.3%; Isko Moreno, 8.8%; undecided, 8.6; Panfilo Lacson, 2.9%; Manny Pacquiao, 2.8%; Others, 2.1%; Sen. Bato dela Rosa, 1.9%; None, 1.7%; at Ernesto Abella, 0.6%. Sa pinagsama-samang nakuhang…
Read MoreTABLADO SI BATO
MALAKING dagok sa iba pang mga aspirante sa pagka-pangulo ng bansa ang pasya ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na suportahan na lamang ang kandidatura ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos. Dangan kasi, hindi nangyari ang inaasahang pagsabak ni Sara bilang substitusyon kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na aminadong napag-utusan lamang ng partidong PDP-Laban na maghain ng kanyang Certificate of Candidacy para presidente noong ika-8 ng Oktubre. Ang masaklap pa niyan, hayagan ang pagpapamalas ng babaeng alkalde mula sa timog, ng kanyang pag-ayaw sa dating hepe ng pambansang pulisya…
Read MoreOFW NAMATAY SA SOBRANG STRESS, PAGOD SA KUWAIT
MAGANDANG araw mga Kabayani, bago ko simulan ang aking paksa sa kolum na ito ni OWWA Board of Trustee Dr. Chie Umandap. Hayaan n’yo po akong magpakilala muna sa ating masugid na readers. Ako po si Florante Rosales, dating News Anchor at Executive Producer sa MBC-DZRH. Nagsilbi rin po akong Host sa programang Aksyon Bantay OFW at Operation Tulong sa nasabing himpilan. Napamahal at napalapit sa puso ko ang mga OFW dahil ang aking mismong mga kapamilya, mga kaibigan at mga kamag-aral noong High School ay nagtatrabaho sa ibang bansa…
Read MoreBAGO AT MAS MALIWANAG NA MERALCO BILL, NANDITO NA!
NAGSIMULA nang makatanggap ang mga Meralco customer ng bagong bersyon ng bill nito na inaasahang mas kaaya-aya at mas madaling intindihin para sa mga customer. Ang mga pagbabagong ito ay batay sa mabusising market research na ginawa ng kompanya. Kaya naman umpisa pa lang ay marami nang mga customer ang nagpahayag ng tuwa sa bagong format ng bill na ipinaabot sa social media at mga feedback sa Meralco. Ilan sa mga ito ay pinuri ang bagong format, at nagsabing mas madali itong basahin at mas madaling makita ang mga importanteng…
Read MorePALPAK NA ASUNTO
HINDI na bago ang pagbasura ng husgado sa mga isinampang asunto ng Philippine National Police (PNP) sa korte kaugnay ng kampanya ng pamahalaan laban sa pinakamaunlad na kalakalan sa bansa – ang droga. Sa tuwing idi-dismiss ng korte ang kaso, karaniwang nagiging batayan ang kabiguan ng piskalya na patunayan ang sala ng mga akusado nang walang bahid alinlangan. Bahagi rin ng dahilan kung bakit pinawalang-sala ang marami sa mga sangkot sa droga ang palpak na kasong isinasampa ng pulis laban sa kanilang mga naaresto sa moro-morong buy-bust operation sa mga…
Read More