Bakit hindi naglalaro para sa Pilipinas si Super GM Wesley So?

LIMANG araw pa lamang ang nakararaan, ng ang Super Grandmaster na si Wesley So ay matagumpay na naipagtanggol ang kan­yang korona bilang U.S Chess Champion. Ang ikinalulungkot ng mga kababayan niya sa Pilipinas, nakamit niya ang karangalan hindi na bilang isang Pilipino. Ang 28 anyos na tubong Bacoor, Cavite ay tatlong beses nang ­naging U.S champion. Ngunit sa pagkakataong ito, bilang isa nang ganap na mamamayan ng Amerika matapos makuha ang kanyang bagong citizenship noong Pebrero 2021. Ilang mensahe ang natanggap ng ­kolum­nistang ito mula sa mga mambabasa na nagtatanong…

Read More

‘YAN ANG PROBLEMA NG MAGSASAKA

ANG isa sa ginagawang mga propaganda ng mga kandidato kapag panahon ng kampanya ay paunlarin ang sektor ng pagsasaka kaya sa mga nakaraang halalan, may mga senatorial candidate na kinu­kunan ng video sa bukid para sa kanilang TV Commercials. ‘Yung mga magsasaka naman ay nadadala sa kanilang propaganda lalo na’t kailangan na kailangan nila ang tulong mula sa national government para umangat naman ang kanilang kalagayan. Pero kapag nanalo na ang mga kandidatong ibinoto ng mga magsasaka ay hindi na sila maaalala at matatapos na ang termino nila ay wala…

Read More

APEKTADO BA NG INFLATION RATE ANG MGA PINOY?

MARAMI ang nagtatanong sa PUNA mula sa mga kababayan natin, kung ano raw ba ang inflation rate? May pakinabang daw ba ang mga ordinaryong mamamayan dito? Ang inflation rate ay ang pagtataas ng ­presyo ng mga pangunahing ser­bisyo’t produktong ­binibili ng mga kunsyumer. Mas madaling maiintindihan ito kung pamilyar ang mamamayan sa konsepto ng CPI. Ano ba ang CPI? Ang inflation ay ang pag­-taas ng Consumer Price Index (CPI). Ipinakikita nito kung gaano kalaki ang itinaas ng CPI sa nakalipas na taon o buwan. Apektado ba si Juan Dela Cruz…

Read More

WALANG PUSONG CUSINTIDOR

SA gitna ng dikit-dikit na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, naglabas ng solusyon ang mga ekonomista at eksperto, bagay na dapat manggaling mismo sa Department of Energy (DOE) na siyang may mandatong tiyaking nasa ayos ang industriya ng enerhiya. Sa aspeto nang walang humpay na taas presyo sa mga produktong petrolyo, nanawagan si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na suspindihin muna ang pagpapataw ng katumbas na buwis (excise tax) ng mga gasolina, krudo at kerosene na ibinebenta ng mga kumpanya ng langis para sa mabilisang resulta – bawas P10 agad…

Read More

31st SEA Games, tuloy na

MATUTULOY na ang 31st Southeast Asian Games, na dapat sana’y idadaos sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2, 2021 sa Vietnam subalit ipinagpaliban dala ng COVID-19 pandemic. Napag-alaman ng SAKSI NGAYON kay Philippine Olympic Committee President Abraham “Bambol” Tolentino, tiniyak ng host Vietnam na magaganap ang tuwing ikalawang taong palaro sa kalagitnaan ng Mayo 2022, ayon sa napagkasunduan sa huling pulong (virtual) ng mga miyembro ng Southeast Asian Games Federation noong Lunes, Oktubre 18. “Wala pang definite na date, but the good news is, tuloy na ang Games at ang mga…

Read More

INABUSONG OFW, NASAKLOLOHAN NG AKOOFW AT OWWA

DUMULOG sa AKOOFW ang ating kabayani na nasa Riyadh, Saudi ­Arabia upang humingi ng tulong na siya ay makaalis na sa kanyang amo at makauwi na sa Pilipinas. Si OFW Beryang Agoot ay nakarating sa Riyadh, KSA sa pamamagitan ng Reliable Recruitment Agency. Tiniis niya ang lahat ng hirap at pasakit sa kanya upang matapos na lamang ang kanyang kontrata para siya ay makauwi na sa Pilipinas. Ngayon na natapos na ang kanyang kontrata ay nakipag-usap na siya sa kanyang amo na kung maaari ay ibili na siya ng tiket…

Read More

NGANGA PA SA BAKUNA

BUKAS na ang isip ng mga Filipino sa ­COVID-19 vaccines at handa na silang magpaturok lalo na’t wala yatang pamilya na hindi nagkaroon ng coronavirus diseases ang isa sa kanilang mga miyembro. Ang problema, walang available na bakuna sa mga malalayong ­probinsya dahil kapag nagtanong daw ang mga tao sa kanilang Local Government Unit (LGU) ay sasabihin sa kanila na wala pang naida-download na bagong ­supply mula sa national government o Inter-Agency Task Force (IATF). Sa mga probinsya, hindi yata uso ang online registration dahil bukod sa hirap sa internet…

Read More

WALANG KWENTA

AYON mismo sa Palasyo, higit na kailangang makabangon ang ekonomiya. ‘Yan mismo ang basehan ng pamahalaan sa pagluluwag ng mga alert status ng iba’t ibang rehiyon sa gitna nang patuloy na pagbaba ng mga kumpirmadong kaso. Bahagi ng pagbangon ayon sa Malakanyang, ay ang pagbubukas ng negosyo para makalikha ng trabaho. Subalit taliwas sa ­intensyon ng gobyerno, may sariling polisiya ang ilang kumpanya sa pagtanggap ng mga aplikante sa trabaho. Tablado pag ‘di bakunado. Walang masama sa hangaring gawing ligtas ang lugar ng trabaho, pero hindi wastong pagkaitan ang mga…

Read More

PARANG NAKAWALA SA KURAL

HINDI ko masisisi ang mga tao na sabay-sabay na naglabasan nang ­ibaba sa Alert Level 3 ang community quarantine sa National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19, dahil sa tagal nilang pagkaka­kulong sa kanilang bahay dahil sa pandemya. Parang nakawala sa kural ang mga tao dahil dinagsa ang pasyalan at maging ang Dolomite Park sa Roxas Blvd., tabing ilog sa Batasan Road, Quezon City at iba pang lugar para magpaaraw at mag-ehersisyo kahit papaano. Mula Marso 2020 o sa loob ng 19 buwan, ngayon…

Read More