KATAHIMIKAN SA HALALAN

MATAGAL nang uhaw ang mga Pilipino sa matiwasay at totoong tahimik na eleksyon sa buong bansa. Malayo man o malapit na ang halalan sa bansa ay hindi nawawala ang bangayan ng mga supporter ng mga kandidato. Maraming pagkakataon na ang kanilang mga taga-suporta ay nagsasalpukan sa sandaling magpang-abot ang mga ito sa iisang lugar. Ang away ng mga ito kung minsan ay humahantong pa sa pagbubuwis ng buhay ng magkabilang kampo. Isang matibay na ­halimbawa ang ­nangyaring pamamaril kay Mayor ­Ronald Aquino ng Calbayog City kamakailan. Lumalabas na ang nasa…

Read More

MITSA NG PELIGRO

SA datos ng gobyerno, bumababa na ang bilang ng mga kaso ng nakamamatay na COVID-19 sa Metro Manila. Maging ang tinatawag na reproduction rate o ang bilis na hawaan, hindi na anila kritikal. ‘Yan mismo ang basehan ng ­administrasyon sa pasya nitong luwagan na ang alert level status sa National Capital Region (NCR), kaya naman pinahintulutan na rin ang pagbubukas ng maraming negosyo. Sa pagluluwag ng alert level status, marami ang natuwa. Anila, makapagtatrabaho na sila nang maayos. Mayroon namang sukdulan ang pagkabagot sa mahabang panahong sila’y bilanggo ng kani-kanilang…

Read More

‘DI NAMAN TANGA PERO NAGTATANGA-TANGAHAN!

MINSAN magtataka kung bakit mayroong mga taong may mga pinag-aralan naman sana, pero naniniwala sa sabi-sabi ng ilan nang hindi man lang nagsasaliksik kung ang paninira na kanyang napakinggan ay totoo ba o hindi, sila ‘yung mga taong kung tawagin natin na ‘di naman sana “TANGA PERO NAGTATANGA-TANGAHAN”. Mahahalintulad ang mga taong ito doon sa mga indibidwal na mula pa naman sa mga napakalaki at magagarang mga paaralan sa bansa, subalit wala na silang alam na ipanawagan sa publiko kundi huwag daw payagan na maupo muli ang isa na namang…

Read More

NO VACCINE, NO SALARY?

ANG kay Pedro, dapat ibigay kay Pedro. Ang pinaghirapan ni Juan dela Cruz, marapat lang na makuha niya dahil ang bawat sentimong katumbas nito, kanyang pinagtrabahuhan. Sa pagkakait ng mga negosyanteng ibigay ang sahod na pinaghirapan ng kanyang ­empleyado, makikita ang ganid na namamayani sa gitna ng isang krisis. Ang higit na nakagagalit – hinayaan muna nilang magtrabaho ang kanilang empleyado, at saka sasabihing bawal kasi hindi pa bakunado. ‘Yan ang kagulangan ng ilang negosyanteng pilit binabawi ang nawalang kita sa mga panahong ‘di pa pinahihintulutan ng gobyerno ang pagbubukas…

Read More

BIASED SURVEY BINABATIKOS NG NETIZENS

PINUPUTAKTE ngayon ng batikos ng netizens sa social media ang inilabas na presidential survey ng Rappler dahil umano’y ­biased. Sa inilabas na survey para sa 2022 national at local elections ay kasama sina Sen. Panfilo “Ping” Lacson na may emoji na amused; Manila Mayor Isko Moreno na thumbs up emoji; Vice President Leni Robredo na heart emoji; Bongbong Marcos na shocked emoji at Manny Pacquiao na may caring emoji. Nakalagay sa survey na lumalabas na si Robredo ay nakapagtala ng 100,000 hanggang 150,000 online votes na malayo raw ang lamang…

Read More

TWO-PARTY SYSTEM IBALIK NA

PANAHON na para ibalik ang two-party system sa Pilipinas upang dalawang kandidato na lamang ang maglalaban sa presidential seat at hindi na magmukhang kengkoy ang sistema ng halalan sa ­ating bansa. Dapat na rin gamiting modelo ang sistema sa Estados Unidos na kung sino ang mananalong Pangulo ay awtomatikong mananalo rin ang kanyang vice presidential candidate. Sige, sabihin na natin kaya ginawang multi-party ang sistema sa 1987 Constitution para magkaroon ng maraming choices ang mga Filipino dahil demokratikong bansa tayo. Pero dahil sa sistemang iyan, magulo ang eleksyon sa ating…

Read More

PAANDAR NG COMELEC

HINDI sapat na paglalarawan ang salitang yabang sa pinakabagong paandar ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng paggastos ng mga kandidato para sa nalalapit na Eleksyon 2022. Ayon sa komisyon, babantayan nila ang mga patalastas ng mga aspiranteng bumubuhos ng pera sa social media bilang bagong entablado sa kampanyahan. Bakit patalastas lang ang puntirya nila? Bakit hindi ang trolls na puro paninirang-puri ang diskarte? Kung tutuusin, mas matindi ang epekto ng mga maling impormasyon ipinakakalat ng trolls kaysa sa mga patalastas. Alam kaya ng Comelec na walang batas na nagbibigay…

Read More

OFW SA RIYADH BINABASTOS NG AMO

NAGSUMBONG ang kapatid ni OFW Genele Conlu sa AKOOFW dahil umano sa pambabastos sa kanyang kapatid na kasalukuyang nasa Riyadh, Saudi Arabia. Si Genele Conlu ay dumating sa Riyadh Saudi Arabia noong Hunyo 2018 sa pamamagitan ng Continuous Resources Inter­national, Inc. Maayos naman ang kanyang pagtatrabaho kung kaya siya ay tumagal sa kanyang amo. Ngunit nitong nakaraan ay nadarama na niya ang takot at pangamba dahil sa kakaibang ginagawa ng kanyang amo. Ayon sa sumbong ni Genele sa kanyang kapatid na si Sylvia, “Binabastos po siya ng amo n’yang lalaki,…

Read More

PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, PATULOY SA PAGTAAS

TILA hindi na makontrol ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa. Umabot na sa P5 hanggang P7 ang itinaas nito kada litro nitong nakaraang pitong linggo. Kamakailan, ang gasolina ay tumaas ng P1.30 kada litro, P1.45 kada litro ang kerosene, at P1.50 kada litro naman ang itinaas ng diesel. Ayon kay Department of Energy Oil Industry ­Management Bureau Director Atty. Rino Abad, magpapatuloy ito sa pagtaas sa mga susunod na linggo. Bunsod nito, umalma ang mga grupo ng operator at mga drayber ng pang-publikong transportasyon na…

Read More