MAKABULUHAN ang desisyon ng Korte Suprema sa malaking lupain sa Quezon City dahil nadiskubre nitong mali ang ilang judges ng Court of Appeals (CA) nang katigan nito ang desisyon ng hukom sa Quezon City hinggil sa 7-ektaryang lupain na dalawang bilyon ang halaga. Dahil sa desisyon ng korte sa Quezon City, nawala sa Titan Dragon Properties ang pitong ektaryang lupaing katabi ng St. Luke’s Medical Center sa E. Rodriguez, Quezon City. Kamakailan, napawalang bisa at nabasura ang desisyon ng CA makaraang matuklasan ng mataas na korte na huwad ang titulong…
Read MoreCategory: OPINYON
BISTADO NA ANG PHILIPPINE ARMY
HINDI na bago ang cyber-attack sa websites ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at maging sa mga pribadong korporasyon. Karaniwang pakay nito ang magnakaw ng mga klasipikadong impormasyon o ‘di naman kaya’y isabotahe ang operasyon ng target na tanggapan. Ito rin ang dahilan sa likod ng paglikha ng Department of Information and Communications Technology (DICT), na may mandatong pangasiwaan at tiyaking nasa ayos ang lahat ng may kaugnayan sa cyberspace o yaong tinatawag na internet. Madalas na biktima ng cyber-attacks ay ang websites ng media entities na kritikal sa gobyerno.…
Read MoreTotoy Tingzon: Atleta, public school teacher at ama ng youth baseball
HULI man daw at magaling, naihahabol din. Ipinaaabot ng SALA SA INIT, SALA SA LAMIG at SAKSI NGAYON SPORTS ang malugod na pagbati sa aming matagal nang kaibigang si Rodolfo “Totoy” Tingzon Sr., na noong nakaraang linggo ay narating ang isa na namang milestone sa kanyang buhay sa larangan ng sports na pinakamamahal niya–baseball. Noong Setyembre 14 ay ipinagdiwang ni Pareng Totoy ang kanyang ika-95 taong pagsilang at sana, tulad noong mga ordinaryong panahon, ay napuno na naman ng kanyang mga kaibigan, matataas na opisyal ng pamahalaan, media men at…
Read MorePANAWAGAN SA NAWAWALANG ASAWA SA RIYADH
IPINARATING sa akin ng ating kasamang volunteer advocate na si Aiysha Consuelo ang panawagan ng isang mister para sa kanyang asawa na isang OFW sa Riyadh, Saudi Arabia. Ayon kay John Paul Balcita, ang kanyang asawa na si OFW Rubylin Natura ay nagtungo sa Riyadh, Saudi Arabia noong Enero 9, 2019 sa pamamagitan ng Star World Agency. Sa simula pa lamang ng kanyang pagdating sa kanyang employer ay tila hindi na ito naging maayos dahil makalipas lamang ng ilan buwan, siya ay inilipat na agad sa kanyang ikalawang employer sa…
Read MoreSA IBA IBINUNTON ANG KAPALPAKAN
ANG pag-amin ni vaccine czar Carlito Galvez kaugnay ng kapos nang supply ng bakuna ang mismong patunay na puro press release lang ang pirmi niyang sinasabi sa tuwing haharap siya para mag-ulat sa lingguhang ‘Talk to the Nation’ ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ilang buwan na nga ba niyang ibinibida ang paparating na supply? Oo nga’t may dumarating pero ang sigurado, malayo ito sa kanyang ibinibida. Pero sa halip na kastiguhin, sinalag – gaya ng inaasahan – pa rin siya ng Pangulo, sukdulang isisi sa iba ang suliraning dapat sana’y pinagtutuunan…
Read MoreUMEEKSENA ANG PINAS SA PARAMIHAN NG COVID-19
UMEEKSENA ang Pilipinas sa paramihan ng kaso ng COVID-19 sa mundo dahil sa hindi maawat na pagdami ng mga Pinoy na nahahawa araw-araw, hindi lang sa Metro Manila kundi sa iba’t ibang panig ng bansa. Mantakin n’yo ha, ika-8 ang Pilipinas sa 223 bansa sa mundo sa pinakamaraming naitalang kaso sa loob ng 29 araw base sa report ng Johns Hopkins University and Medicine (JHU) noong Martes. Nakapagtala ang Pinas ng 527,114 COVID-19 cases sa loob ng 29 araw kasunod ng United States (US), India, United Kingdom, Iran, Brazil, Turkey…
Read MoreAMOY PULITIKA NA SA BAYAN NI JUAN
BAGAMA’T pitong buwan pa bago pa sumapit ang May 9, 2022 presidential election ay mainit na ang usapin ng pulitika sa bayan ni Juan dela Cruz. Kanya-kanya nang hanap ang mga presidentiable ng kani-kanilang makaka-tandem na vice president. Una nang nagdeklara ang tandem nina Senador Panfilo Lacson ng Partido para sa Demokratikong Reporma at Senate President Tito Sotto ng Nationalist People’s Coalition (NPC). Sinundan ng Alfonso Cusi faction PDP-Laban na ang kanilang piniling official candidate ay si Sen. Lawrence Bong Go, bilang president at si Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang…
Read MoreSALN, SANA ALL TOTOO
LAYON ng batas kaugnay sa paglalabas ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na lahat ng taong gobyerno – halal man o itinalaga sa pwesto, na isapubliko nang buong katapatan ang kanilang tunay, detalyado at sinumpaang deklarasyon ng kung ano man ang mayroon sila. Subalit ilan nga ba talaga ang nagsasabi ng buong katotohanan? Walang katiyakan pero ang sigurado, marami sa kanilang isinumiteng SALN ay pawang “areglado” sa hangaring itago ang yamang mahirap patunayang kinita sa legal na paraan. Sa hanay ng mga senador, lumabas (gaya ng inaasahan)…
Read MoreNAPABAYAANG MGA BANGKAY SA QUEZON HOSPITAL, INIIMBESTIGAHAN NA
MAKARAANG mailathala sa Saksi Ngayon ang reklamo ng mga Quezonian kaugnay ng umano’y kapabayaan ng mga opisyal ng Quezon Medical Center (QMC) sa Lucena City sa nakatambak at nangangamoy nang mga bangkay ng mga namatay dahil sa pandemya, ay kaagad nang kumilos ang Department of Health ng Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon (DOH-Calabarzon), upang ito’y maimbestigahan. Mismong si DOH-Calabarzon Director Eduardo Janairo ang nagkumpirma sa panayam sa kanya ng ABS-CBN, na mayroon na silang isinasagawang imbestigasyon ukol sa reklamo ng mga Quezonian. Paliwanag ni Director Janairo, marahil kaya nabalam ang pagdispatsa sa mga bangkay…
Read More