BATUHAN NG PUTIK

SIMULA na ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Oktubre kaya naman umiinit na ang pakikipagbangayan ng mga politiko sa posible nilang makakalaban sa eleksyon sa Mayo 2022. Kanya-kanyang batuhan ang mga ito ng putik at maraming mga baho ang nakakalkal, maging ang personal na buhay. May mga politikong maging ang hitsura ng kanilang mga katunggali ay nilalait at nawawala na sa paksa na kanilang pinagtatalunan. Naungkat maging sa social media ang tungkol sa brief, buhok at pagiging mataba ng kanilang posibleng makakalaban sa pwestong kanilang pinupuntirya sa eleksyon.…

Read More

ALERT LEVELS PROTOCOL, MAKATULONG KAYA SA PAGBABA NG COVID CASES?

WALANG masama sa alert levels na ipinatutupad ng gobyerno partikular ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa sitwasyon ng COVID-19 sa iba’t ibang lugar sa bansa kung makatu­tulong ito sa pagbaba ng hawaan ng virus. Sa pananaw ng PUNA, layunin dito ng gobyerno na mapagsabay ang pagbubukas ng ekonomiya at paglaban sa COVID-19. Hindi kasi pwedeng puro paghihigpit lang sa paggalaw ng mga tao kasi magugutom ang mga ordinaryong mamamayan. Mula Marso 2020 na pananalasa ng COVID-19 sa bansa ay marami nang nawalan ng trabaho at namatay sa ating mga kamag-anak,…

Read More

FACE SHIELD SIMBOLO NG CORRUPTION

DALAWANG bagay ang mangyayari sa susunod na mga araw lalo na sa susunod na taon na pupunta sa mga presinto ang mga tao para bumoto at magluklok ng mga bagong lider ng bansa… tatanggalin na ang face shield o paninindigan na nakatutulong na ­pangontra sa COVID-19. Puwedeng iutos ng Inter-agency task force (IATF) na huwag nang gumamit ng face shield dahil eto na ang tinatawag na “simbolo ng corruption” sa kasalukuyang administrasyon. Malaking kasiraan ito kay Pangulong Rodrigo Duterte lalo na kapag itinuloy niya ang pagtakbo sa vice presidential race…

Read More

HULI MAN DAW AT MAGALING, HULI PA RIN

HINDI sapat ang katagang katampalasan para ilarawan ang kawalang aksyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyong laan sa humigit kumulang 12.5 milyong senior citizens sa bansang kanilang kinalinga sa loob ng mahabang panahon. Kung tutuusin, barya lang ang nakukuha nina Lolo at Lola. Ang masaklap, barya na nga lang ay ipinagkakait pa – sukdulang ikamatay na ng marami sa kanila ang benepisyong sadya namang para sa kanila batay sa Republic Act 9994 o higit na kilala bilang Expanded Senior Citizens Act of 2010. Sa ilalim…

Read More

OFW IPINAKULONG NG AMO DAHIL SA BINTANG NA PANANAKIT

IPINARATING sa akin ng ­kapwa volunteer advocate na si ­Mockingjay, ang panawagan ng asawa ng isang OFW na si April Penaflor nasa Dammam, Saudi Arabia. Ayon kay Darrel Duran, ang kanyang asawa na si April ay nakarating sa bansang Saudi Arabia noong Agosto 2, 2019 sa pamamagitan ng Al Rafedain Manpower International Corporation. Wala naman siyang binanggit na pagmamaltrato sa kanya sa kanyang pagtatrabaho, maliban lamang nitong Setyembre 16, 2021 ay ipinakulong siya ng kanyang amo. Ayon sa sumbong ni April sa kanyang asawa, pinagbintangan siya ng kanyang amo ng…

Read More

MAKABAGONG PAMAMARAAN NG MGA NEGOSYO SA PANAHON NG BAGONG NORMAL

ANG pagdating ng pandemyang COVID-19 ay nagresulta ng napakaraming pagbabago sa ating pamumuhay. Kasama rito ang pagbabago na kinailangang harapin at ipatupad ng mga negosyo upang makapagpatuloy sa kanilang mga operasyon. Ang panahong ito ay kritikal para sa mga negosyo. Nakasalalay sa kanilang estratehiya sa pag-angkop sa bagong normal kung kakayanin nitong magpatuloy ng operasyon sa kabila ng pandemya o kung ito ay magsasara na lamang nang tuluyan gaya ng nangyari sa iba. Tila napapanahon naman ang pagdaraos ng MAP 2021 International CEO Conference kamakailan na pinangasiwaan ng Management Association…

Read More

IMMIGRATION AIRPORT CHIEF, BANTAY SALAKAY?

INAKUSAHAN ng pag-abuso sa kapangyarihan ang hepe ng Bureau of Immigration – Port Operations Division (BI-POD) na si Atty. Carlos Capulong ng ilan nitong mga tauhan sa airport matapos umanong utusan ang mga ito na huwag harangin ang pagpasok sa bansa ng ilang Chinese nationals kahit ilegal ang dokumento ng mga ito. Ayon sa isang text message na sumbong na ating natanggap, noong July ay tinawagan umano ang isang immigration supervisor na on duty na si Immigration ­Officer Paolo Cristobal upang hindi ilagay sa exclusion ang ilan sa 44 Chinese…

Read More

ANGAT SA IBA

ANG Pilipinas ay tahanan ng mahabang talaan ng katangi-tanging kaganapang lubos na ikinagulat ng mundo. Halimbawa na rito ang mapayapang rebolusyon noong 1986 sa pasya na rin ng noo’y Pangulong Ferdinand Marcos na minabuting lisanin na lamang ang Palasyo kaysa dumanak pa ang dugo. Dito lang din sa Pilipinas nagkaroon ng dalawang Pangulong ipinakulong kaugnay ng mga kasong kinasasangkutan nito – at hindi malayong ulitin pa sakaling magtuloy-tuloy ang pag-usig kay Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng libo-libong napaslang sa giyera kontra droga sa ilalim ng…

Read More

“MGA MAKABAGONG DAMASO” SA ADMU

BAKIT ba nakikialam itong Ateneo de Manila University (ADMU) sa isyu ng ginawang pag-interview ng actress na si Toni Gonzaga sa kanyang vlog na Toni Talks kay ­dating Senador Bongbong Marcos (BBM)? Ano ba ang pakialam n’yo sa kanya? Apektado ba kayo? Ang tinutukoy po ng PUNA, ang panayam ni Gonzaga kay BBM noong Miyerkoles, Setyembre 15, 2021 na pinamagatang “The Greatest Lesson Bongbong Marcos Learned from His Father”. Bilib ang PUNA sa talakayan ng dalawa, nangibabaw ang galing ng mga sagot ni BBM sa tanong ng isa pang magaling…

Read More