BUTI NA LANG ‘DI UNICAMERAL

KUNG nangyari sa mga unang taon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipagbangayan niya sa Senado, malamang ay nagkaroon ng pag-asa ang Charter Change (Cha-Cha). Isa sa mga ipinangako ni Digong noong 2016 na gagawin niya kapag nahalal siya bilang pangulo ng bansa ay aamyendahan ang 1987 Constitution bagay na hindi nangyari at wala nang pag-asang mangyari ito sa kanyang natitirang mga buwan sa kapangyarihan. Walang problema sa Kamara pagdating sa pag-amyenda sa Saligang Batas pero malaking hadlang ang mga senador sa pagbabago nito dahil ayaw nilang ang mga mambabatas ang…

Read More

HUWAG DITO!

SERYOSO na nga marahil ang plano ng US, United Kingdom at Australia sa planong makipagsagupaan laban sa bansang China sa hangaring protektahan ang kanilang interes sa Indo-Pacific region kung saan kabilang ang South China Sea. Katunayan, nilagdaan na ang isang kasunduang magbibigay ng karagdagang defense ­capability sa Royal Australian Navy na siyang pinakamabilis na makatutugon sa giyera sakaling sumiklab ang sagupaang nagtatampok sa China laban sa tatlong malalaking estado. Sa ilalim ng kasunduang tinawag na AUKUS (pinaikling Australia, UK at US), magpapalitan ang nasabing superpowers ng advanced technologies sa larangan…

Read More

PROBLEMA SA ILEGAL NA DROGA

MARAMING katanungan ang ipinarating sa PUNA ng ating mga tagasubaybay. Partikular ang problema ng bansa sa ilegal na droga na hanggang ngayon ay hindi nasosolusyunan. Ayon sa kanila, matatapos na lang daw ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa June 30, 2022 ay nananatili pa ring malala ang bentahan ng ilegal na droga sa iba’t ibang lugar sa bansa. May butas daw kasi ang kampanya ng kasalukuyang administrasyon sa pagtugon sa problema sa illegal drugs. May mga nagsabi naman sa PUNA na dapat nagsimula raw ang paglilinis sa illegal…

Read More

HAN RONG FISHERMEN, MALAPIT NANG MAKAUWI SA PILIPINAS

UNTI-UNTI nang nagkakaroon ng kaliwanagan at pag-asa ang mga stranded na OFW fisherman na ­lulan ng barkong pangisda na Han Rong na nasa laot ng karagatan sa Donghan, China. Nitong martes ay muling nakipagpulong ang kinatawan ng ahensya sa Global Maritime Services. Naging mainit ang simula ng nasabing pagpupulong dahil sa paglalabas ng tunay na saloobin ng mga ­mangingisda. Nagbanta pa nga ang mga ito na gagawa sila ng alarma at tinitiyak nilang makakatawag ng pansin ng pulisya ng China ang kanilang gagawin upang sila ay mapansin ng ­ating ­gobyerno.…

Read More

NASINDAK SA PANGULO

MALAYO sa matapang na Commission on Audit (COA) ang humarap sa Kongreso kaugnay ng mga isinapubliko nitong iregularidad sa mga transaksyong pinasok ng iba’t ibang tanggapan ng gobyerno. Mistulang bumait, kung hindi man naduwag ang COA sa mga patutsada at banta ng Pangulo. Katunayan, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara kaugnay ng 2022 budget ng ahensyang ang mandato ay suriin ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan, mismong ang COA chairman na si ­Michael Aguinaldo ang nagsabing hindi na kailangang suriin pa ang pondong ginamit ng National Task Force to End…

Read More

WALANG FIESTA

WALANG magaganap na ‘fiesta” sa paghahain ng mga pulitikong tatakbo sa 2022 national at local election ng kanilang certificate of candidacy (COC) simula Oktubre 1 hanggang 8. Bago sumabog ang coronavirus disease 2019 sa Wuhan, China na hinayaang kumalat sa apat na sulok ng mundo na ­pinagdudusahan ngayon ng sangkatauhan, mala-fiesta ang paghahain ng mga pulitiko ng COC. Kanya-kanyang drama ang mga pulitiko at kanilang supporters. May nagbibitbit ng banda para salubungin ang kanilang mga kandidato na maghahain ng kanyang COC sa Commission on Election (Comelec). Noong 2019 nga, may…

Read More

HAYAHAY ANG BUHAY, KUNG WALANG PASAWAY

KUNG masusunod lamang ang panuntunan ng Civil Service Commission (CSC) ng mga kawani ng gobyerno, hayahay sana ang buhay ng mga Pinoy. Bakit kamo? Base sa paalala ni CSC Commissioner Aileen Lizada: ‘Sa lahat ng mga kawani ng gobyerno: Let our virtue be integrity as we serve the public…Taumbayan po ang nagpapasweldo sa atin –the higher ranks we have, the lower we must go. We must serve with utmost humility, integrity, honesty. Let us lead by example’. Napakaigsi lang po ang sinabi ni Comm. Lizada pero punong-puno ng sustansiya at…

Read More

KRISIS SA PAGITAN NG SENADO AT PANGULO

ISANG krisis ang nakaamba sa pagitan ng dalawang sangay ng gobyerno bunsod ng atas ng Pangulo sa kanyang mga Kalihim. Aniya, walang miyembro ng kanyang Gabinete ang pwedeng tumugon sa patawag ng Senado sa mga pagdinig nang wala siyang pahintulot. Ang Pangulo ay isang abogado. Hindi na rin siya bagito sa gobyerno. Kaya naman malinaw na malawak ang kanyang kaalaman kaugnay ng mandato ng iba’t ibang sangay ng gobyerno. Ayon mismo sa Article 2, Section 1 ng Saligang Batas, “Ang Pilipinas ay isang demokratiko at republikanong Estado. Nasa mamamayan ang…

Read More

OFW SA KUWAIT HUMIHINGI NG TULONG SA EMBAHADA

DUMULOG sa AKOOFW ang kapamilya ng isa sa ating kabayani na nasa bansang Kuwait upang humingi ng tulong para makauwi sa Pilipinas. Si Mary Jane Gomez ay nakarating sa Kuwait noong May 8, 2007 sa pamamagitan ng SAM Seven Manpower Services. Ayon sa sumbong na ipinarating ni Mary Jane, tatlong buwan na siyang hindi binabayaran ng kanyang sahod ng kanyang amo kung kaya hindi man lang niya mapadalhan ng pera ang kanyang pamilya. Bukod sa problema sa suporta sa kanyang pamilya ay isa rin sa nagpapabigat ng kanyang kalooban ay…

Read More