NANANAWAGAN sa ama ng lalawigan at mga opisyal ng Department of Health ang mga Quezonian na gumawa ng agarang aksyon sa tila pagpapabaya ng Lucena City, Quezon Medical Center, isang public hospital, sa mga bangkay ng mga tinamaan ng COVID-19 na nakatiwangwang lang sa pasilyo ng nabanggit na pagamutan. Ayon sa mga Quezonian, bagama’t naka-body bag ang mga katawan ng mga nasawi ay hindi anila kaaya-aya ang simoy ng hangin sa nasabing pasilyo dahil naaagnas na ang mga labi. Ipinagtataka pa ng mga nagrereklamo o saksi, bakit tila hindi inaalintana…
Read MoreCategory: OPINYON
KANYA-KANYANG DAHILAN
HINDI na bago ang naging palusot sa hindi pagdalo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado kaugnay ng maanomalyang transaksyong kumakaladkad sa pangalan ni dating Presidential Economic Adviser Michael Yang at sa corporate executives sa likod ng kumpanyang pinaniniwalaang nagkamal nang husto sa kontratang iginawad ng gobyerno. Katwiran ng abogado ni Yang – altapresyon. Alibi naman ng Pharmally Pharmaceutical Company na kinakatawan ng direktor nitong si Lincoln Ong, may COVID siya. Sa puntong ito, walang nagawa ang Senado kaya naman ipinagpaliban muli ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee kaugnay ng sumambulat…
Read MoreCOVID SPECIALIZED HOSPITAL ANG DAPAT PAG-UKULAN NG PANSIN
(KARUGTONG) Kung aalalahanin ang ating kasaysayan, noong taong 1910 ay napag-aralan na halos 40,000 Filipino ang namatay dahil lamang sa sakit na tuberculosis o TB, kung kaya napagdesisyunan na magtayo ng Philippine Island Anti-Tuberculosis Society noong July 29,2010. Ngunit sa pamamagitan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon na noon ay isang senador, ay nagpasa ito ng batas na kung saan ay naglaan ng pondo mula sa Philippine Charity Sweepstakes para pondohan ang pagtatayo ng Quezon Institute. Sinundan din ito ng panukala ni dating Senador Sergio Osmeña na maglaan ng halagang…
Read MoreBIGAS
ISA sa mga nagpapataas ng inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang kakulangan ng sapat na supply at paglobo ng presyo ng bigas na pangunahing pagkain ng mga Filipino. Parang hindi kumpleto ang araw ng mga Filipino kapag walang kanin sa kanilang hapag-kainan at kapag kamote lang ang kinakain n’yo, isa ka na sa poorest of the poor sa ating bayan. Sa ibang bansa, tinapay o pasta lang talo-talo na pero hindi ‘yan puwede sa Pilipinas dahil hindi natin nakasanayan mula sa pagkamulat na hindi kumakain ng…
Read MoreIWASAN ANG BANGAYAN PARA SA ATING MGA KABABAYAN
MARAMING nagparating ng kanilang pagkadismaya sa PUNA sa nangyaring pambubulyaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa ilang mga doktor na nag-viral sa social media. Hindi nagustuhan ni Roque ang rekomendasyon ng mga doktor na magkaroon ng dalawang linggong hard lockdown para mapigilan ang patuloy na pagsirit ng COVID-19. Bukod sa mabilis na pagdami ng kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant ay pagod na rin daw ang health workers dahil halos wala na rin silang pahinga sa dami ng mga pasyente na pumapasok sa mga ospital. Halos punuan na ang…
Read MoreDAPAT ILIPAT SA PAO
ANG trabaho ng Ombudsman ay mangalap ng ebidensya laban sa mga isinusuplong at kinakasuhan kaugnay ng batas kontra katiwalian at pag-abuso sa hanay ng mga taong gobyerno – mula sa simpleng empleyado hanggang sa Pangulo. ‘Yan mismo ang dapat inaatupag ni Samuel Martires sa tanggapan kung saan siya itinalaga ng Pangulo bilang Ombudsman, at hindi ang pagtakpan ang mga abusado, kesehodang siya pa ay ang Pangulo. Nakalulungkot lang isiping siya ay isang abogado. Hindi siya pangkaraniwang abogado. Ang totoo siya ay dating mahistrado bago pa man itinalaga sa pwesto bilang…
Read MoreCOVID SPECIALIZED HOSPITAL ANG DAPAT PAG-UKULAN NG PANSIN
SAMUT-SARING pasikatan at bangayan ang nagaganap ngayon hindi lamang sa Senado kundi maging sa Local Government Unit. Lahat ay nagpapakitang gilas ng kahusayan at katalinuhan. Sa Senado ay tila pinalalabas na sila na lamang ang may malasakit sa bayan at sobrang linis ng katauhan. Tila baga walang kahit konting mantsa ng korapsyon sa katawan. Iba talaga ang nagagawa ng panahon ng pulitika, lahat ay may pagmamalasakit sa kapwa at lahat ay laban sa korapsyon. Lahat sila ay para sa kapakanan ng taumbayan. Pero kung titingnan ang kasalukuyang kaganapan sa ating…
Read MoreNUTRIBUN, SAGOT SA MALNUTRISYON NGAYONG PANAHON NG PANDEMYA
BUKOD sa suliranin ukol sa kalagayan ng ekonomiya ngayong panahon ng pandemya, kailangan ding pagtuunan ng pansin ang isyu ng malnutrisyon lalo na sa mga bata. Sa halip na paggugulan ng mahabang panahon ang pag-iisip ng solusyon para dito, buhayin na lamang ang mga programang dati nang ipinatupad at naging epektibo kontra malnutrisyon gaya ng Nutribun noong panahon ng pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. Ayon sa United Nations Children’s Emergency Fund (UNICEF), tinatayang 95 bata ang namamatay sa bansa kada araw dahil sa malnutrisyon. Lubos na nakababahala ang…
Read MoreRAKET NG BI LEGAL DIVISION, INALMAHAN NG MGA CHINESE
INALMAHAN ng ilang grupo ng Chinese nationals sa bansa ang umano’y tila raket ng Legal Division ng Bureau of Immigration (BI). Ayon sa natanggap nating sumbong mula sa mga Filipino Chinese ay marami umano sa kanilang mga kababayan ang nagrereklamo sa kapalpakan ng ahensya sa pagbibigay ng working visa at sa huli ay kanilang babawiin at ilalagay sa blacklist. Tinatayang nasa 500 katao umano ang nabigyan ng visa kahit fake ang mga dokumento nito. Ang 9(g) working visa ang isa sa maraming pinoproseso sa BI na nagbibigay ng pahintulot sa…
Read More