BARIL KONTRA SUNOG

GANAP nang nilagdaan ni Pangulong ­Rodrigo Duterte ang BFP Modernization Act na inaasahang magbibigay daan para sa mas mainam na hukbong pamatay sunog. Pero teka, parang may hindi angkop sa nasabing batas. Dangan naman kasi, nakapagtatakang bahagi ng BFP Modernization Act ang pag-aarmas sa magigiting na bumbero. Ano kinalaman ng baril sa natutupok na bahay o establisimyento? Ang pangunahing trabaho ng bumbero ay puksain ang mapaminsalang apoy na tumu­tupok sa ari-arian at ano pang nasa landas nito. Karaniwang gamit ng mga bumbero ay tubig na isinasaboy sa naglalagablab na bahay,…

Read More

MAFIA SERIES

SA panahon ng lockdown, maraming tao ang inaaliw na lang ang sarili sa movie series sa media platform (may bayad nga lang at kailangan mo ng internet) dahil kung hindi ay lalo silang mababaliw at magde-depress. Ang daming mafia series na inilalabas at pinag-uusapan sa mga chat group ng mga taong nakapanood at nagbibigay sila ng kani-kanilang opinyon sa napanood nilang serye sa telebisyon. Usong-uso ang mga series tulad ng rise and fall ng mga drug kingpin sa Mexico at Columbia, intel operations laban sa mga terorista at pagnanakaw ng…

Read More

MGA NEGOSYO SAPUL SA PABAGO-BAGONG QUARANTINE PROTOCOL

UMAARAY na ang mga negosyante sa pabago-bagong quarantine protocol na ipinatutupad ng gobyerno. Ayon sa mga negosyante, masyado na silang lugi at karamihan sa kanila ay nagsipagsara na ng kanilang mga negosyo. Umasa sila nitong pagpasok ng Setyembre 8 ay ibababa na sa ­General Community Quarantine (GCQ) mula sa dating Modified Enhanced Community Quar­antine (MECQ) ang Metro Manila. Sa halip na maging GCQ na ang Metro Manila ay nanatili itong MECQ hanggang Setyembre 15. Dahilan daw ang 158,000 kataong aktibo sa COVID-19 sa Metro Manila dulot ng Delta variant. Pangunahing…

Read More

TRABAHO, HINDI AYUDA

HINDI solusyon ang ayuda sa problemang dala ng pandemya. Pero ‘yan ang giit ng ­gobyerno sa nakalipas na 18 buwang lugmok ang bayan sa gutom, sakit, pagkabalisa, kawalan ng trabaho, bagsak na negosyo, lumobong utang ng gobyerno at iba pa. Batay sa mga pag-aaral ng mga ekonomista, ang pagpapatupad ng lockdown ng gobyerno ang siyang sanhi ng kawalan ng trabaho – mas mahigpit, mas gipit. Sa datos ng gobyerno, nakapagtala ng 6.9% low employment rate para sa buwan ng Hulyo. Hindi naman ito nakagugulat lalo pa’t galing ito sa 17.6%…

Read More

Ano ang susundin ni Manny, boksing o pulitika?

HATI ang isip ni Manny Pacquiao kung boksing o pulitika ang pipiliin niya. Matapos mabigong mabawi ang pandaigdig na kampeonato sa welterweight mula sa Cubanong si Yordenis Ugas kulang isang buwan na ang nakalilipas, sari-saring reaksiyon ang naglabasan. Marami ang nagsabing panahon na para sa 42-anyos na eight-division champ na isabit ang kanyang boxing gloves makaraan ang 27 taong karera bilang prizefighter. Alam naman ng halos lahat na kaya patuloy na nakiki­pagbanggaan ng katawan at nakikipagbasagan ng mukha sa ibabaw ng ring si Manny ay dahil sa gusto niyang mapaligaya…

Read More

PAALAM DEPUTY ADMINISTRATOR BUBSIE SABAREZ

NAKAKALUNGKOT ang balita na tumambad sa akin nang aking buksan ang group chat ng Board of Trustees na nagsasabing pumanaw na si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Faustino “Bubsie” ­Sabarez III. Sa kalatas na ipinadala ni Administrator Hans Cacdac ay sinabi na pumanaw ito noong ika-7:40 ng gabi noong Setyembre 8 sa Manila Doctors Hospital sanhi ng COVID-19 virus. Halos hindi ako makapaniwala dahil nitong nakaraang Agosto 27 lamang ay masaya pa namin siyang na-interview sa aming ­programang Bantay OFW na kung saan ay aming napag-usapan ang bumalot…

Read More

RECALL ORDER SA EXCLUDED CHINESE PASSENGERS, NEGOSYO?

SA ginawang pagdepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang umano’y maanomalyang kinasa­sang­­kutan ni DOH ­Secretary Francisco Duque ay tila mas nagkaroon pa ng lakas ng loob ang tanggapan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na ­abusuhin ang kapangyarihan nito sa ilang maikling panahon na lamang na natitira sa kanilang termino. Ang ating Immigration officers na nakabantay sa ­ating mga paliparan sa bansa ay ilang ulit nang ginagawa ang kanilang trabaho upang salain ang mga dayuhang pumapasok sa ating bansa para na rin sa ating national security. Ngunit noong…

Read More

PANAKIP-BUTAS

SA pormal na pagtanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nominasyon para tumakbong bise-presidente sa pagsapit ng 2022 presidential derby, ganap nang nag-umpisa ang panahon ng pulitika, na tila isang mahusay na taktikang layon ay tabunan ang mga eskandalong kinasasangkutan ng mga tiwali sa bakuran mismo ng administrasyon. Hindi dapat mawaglit sa kumpas ng pulitika ang mahabang talaan ng mga problemang dapat ay pinagtutuunan muna bago pa isipin ang tangkang pananatili sa poder — ang pandemya, gutom, bagsak na ekonomiya, kawalan ng hanapbuhay at ang walang habas na nakawan sa gobyerno.…

Read More

MAKAHIHINGA PA BA ANG LAHI NI JUAN?

ITO ang katanungan nga­yon ng mga ordinaryong mamamayan lalo na ang mga ina ng tahanan. Nito kasing pagpasok ng Agosto 2021 na lalo pang bumilis ang hawaan ng COVID-19 dahil sa Delta variant, ay nagtaasan ang mga bilihin. Lalo na ang araw-araw na mga pangangailangan ng bawat pamilya. Sa panayam ng PUNA sa isang ginang na may sari-sari store sa Caloocan City, tumaas daw ang presyo ng mantika. Dati ang kanyang bili sa labing dalawang bote (1 dosena/bilog) ng mantika ay P280, ngayon ay nasa P300 na. Kung kaya’t napilitan…

Read More