PAGPAPALAKAS NG EKONOMIYA SA KABILA NG PANDEMYA

KILALA tayong mga Pilipino sa ating katatagan sa pagharap sa mga krisis at delubyo. Ang ating natural na kakayahang ngumiti at tumawa sa kabila ng anumang ating pinagdaraanan ay isa sa mga ugaling hinahangaan sa atin ng ibang bansa. Ngayong pandemya na ang ating kinakaharap, nananatili tayong matatag at positibo. Positibo hindi sa COVID-19 virus, kung hindi sa ating paniniwala na malalampasan natin ito at muling yayabong ating ekonomiya. Mula nang balutin ng ­pandemya ang mundo, nakita natin ang pagtutulungan sa pagitan ng ating pribado at pang-publikong sektor upang malabanan…

Read More

Isang malaking dagok sa Philippine chess

TULUYAN nang naglaho ang pag-asa ng Pilipinas na muling dalhin ni chess wizard Wesley So ang bandila ng bansa sa mga kompetisyong internasyonal mula ngayon. Noong Huwebes lamang ng nakaraang linggo, Pebrero 26, ang ngayon ay 27-anyos na Super Grand Master at tubong Bacoor, Cavite ay opisyal nang ginawaran ng pagka-mamamayang Amerikano ng US Chess Federation matapos ang halos siyam na taong paghihintay nito. Ibig sabihin ay hindi na madadala kailanman ng tatlong beses na pambansang kampeon ng Pilipinas ang ating bandila sa world chess tournaments. Sa isang puno ng…

Read More

KASUMPA-SUMPANG BAKASYON

KASUMPA-SUMPANG bakasyon kung bakasyon ang turing ni Atty. Harry Roque sa isang taon na lockdown dahil sa ­pandemya na dulot ng COVID-19 na hindi pinigilan ng kanyang gobyerno ang pagpasok sa ating ­inang bayan. Hindi ko alam kung talagang pagod na si Mang Harry kaya hindi nya muna iniisip ang binibitawan na salita kung nakakasakit ba yun o hindi bago niya buksan ang kanyang bibig. Saan ka naman nakakita na bakasyon na nawalan ka ng kita, nawalan ka ng hanapbuhay, nagutom ka at ang pamilya mo ay takot na takot…

Read More

LISTAHAN NG MGA INIREREKLAMONG RECRUITMENT AGENCIES INILABAS

INILABAS ng Report Bad Agencies, isang social service group ang mahigit sa dalawang daang recruitment agencies na may ibat-ibang mga ­reklamo mula sa kanilang mga aplikante. Kabilang sa mga ito ay ang 21st Century Manpower Res Inc., A & W International Manpower Services, A.S.H Manpower International Services, Inc.; Adamson (Phil), Inc.; Al Batra Rec’t Agency, Inc.; Al-Habib Int’l Svcs Corp.; Alphabeshi International Svcs, Inc.; Andrews Manp. Corporation, Angelex Allied Agencies; at ­Anglo-European Services, Inc. Ang sampung (10) mga pribadong ahensiyang nabanggit ay bahagi lamang ng mahigit sa dalawang daang recruitment…

Read More

OFW NA SENIOR CITIZEN, NANAWAGAN NG TULONG

NATANGGAP ng AKOOFW ang isang panawagan ng ating kabayani na isa nang senior citizen. Siya ay si Tatay Pepito Siaton, 60 taong gulang at kasalukuyang nasa Jeddah Saudi Arabia. Dokumentadong OFW na nakarating sa bansang Saudi Arabia si Tatay Pepito noong Abril 26,2007. Ngunit sa tagal ng panahon ng kanyang panunungkulan sa kanyang kumpanya, hindi nagtagal ay nagsara ito. Dahil sa pagsasara ng kumpanya ay tuluyan na siyang naging undocumented at nawalan na ng trabaho at employer. Doble dagok ang nangyari kay Tatay Pepito, dahil bukod sa kawalan ng trabaho…

Read More

BI-POD AT TCEU OFFICIALS, INUTIL?

LAGING paalala pa rin ng mga health official ang paghuhugas ng kamay upang makaiwas sa COVID-19 kung kaya’t ito rin ang ginagawa ng ilang mga opisyal ng Bureau of Immigration sa NAIA matapos mabuking ang kanilang raket kasabwat ang ilang maimpluwensyang travel agencies kagaya ng Huayi Group Inc. na siyang lumakad umano ng papeles sa main office upang mabawi ang Exclusion Order o pagharang sa mga nahuhuling dayuhan partikular ang mga Chinese national na bitbit ang isang endorsement galing DFA. Kamakailan ay 17 Chinese nationals umano ang hinarang ng mga…

Read More

NAPAKABULOK NG IDEYA NG INQUIRER COLUMNIST TUNGKOL KAY ROBREDO (2)

NAPAKARAMING pag-aaral ang nagsasabing lumala nang husto ang katiwalan, korapsyon at pandarambong sa panahon ni Gloria Arroyo. Ganoon din ang paglabag sa karapatang pantao. Nagpatuloy at tumindi ang mga suliraning ito ng ating bansa nang maging pangulo si Noynoy Aquino. Napakaraming nakakaalam nito, ngunit hindi ko alam bakit ignorante si Ginoong Richard Heydarian sa mga bagay na ito. Tapos, binigwasan ni Heydarian si Duterte dahil winasak daw ng pangulong ito ang mga nagawa nina Arroyo at Aquino laban sa katiwalian, korapsyon at pandarambong at paglabag sa karapatang-pantao ng mga Filipino.…

Read More

KULANG SA INFO CAMPAIGN

MAYROON na namang nagkulang sa kanilang trabaho na i-educate ang mamamayang Filipino sa kahalagahan ng bakuna lalo na sa COVID-19 vaccine kaya mayorya sa atin ay takot mabakunahan. Mahigit isang taon na ang COVID-19 na ito na nagsimula sa Wuhan, China noong Nobyembre 2019 at nagdusa ang mga Filipino mula noong Marso 17, 2020 at mula noon pinag-uusapan na ang bakunang binubuo ng mga pharmaceutical companies sa iba’t ibang bansa, Oktubre pa lamang noong nakaraang taon, may mga report na may natuklasan nang bakuna sa COVID-19 pero wala pang ginagawang…

Read More

HIGIT SA LAHAT “VALUES”

WALANG ibang dapat na mabago sa mga nasa law enforcement natin kundi ang kanilang mga asal o “values”. Kahit anong panukalang batas pa ang ipasa ng Kongreso para pigilan ang korapsyon at katiwalian, hindi pa rin ito garantiya na tuluyan itong mawawalis sa ating lipunan. Kung tutuusin ay sobra-sobra na nga ang mga batas natin sa Pilipinas pero ganunpaman ay balewala pa rin ito lalo na sa mga tiwali na nasa pamahalaan. Sobrang dami na talaga ng ­korap at sobrang lala na ng ­korapsyon sa sistemang ating ginagalawan. Kapag ikaw…

Read More