MARAMING meat vendors sa mga palengke sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila ang nagsabi na magsasara sila o hindi na lang sila magtitinda kung ipagpipilitan ng gobyerno ang kanilang price ceiling sa mga karneng baboy at manok. Kamakailan sa meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang gabinete ay inapruban niya ang Executive Order No. 124 na may kaugnayan sa mataas na presyo ng mga karne. Pinagbasehan ng gobyerno ng kanilang price ceiling ay ang presyo ng karneng baboy at manok bago pa sumapit ang Pasko 2020. Ito ay naglalaro mula…
Read MoreCategory: OPINYON
OFW NA FINISH CONTRACT, IPINAKULONG PA NG KANYANG AMO
NITONG nakaraang Martes ay tinawagan ako ng Central Luzon Balita sa Radyo upang makausap ang ama ng isang OFW na nasa kulungan na si Larry Barrientos. Ang kanyang anak ay si OFW Christine Joy Barrientos na nasa Riyadh Saudi Arabia na nakarating sa nasabing bansa sa pamamagitan ng Jainevill Manpower Resources. Labis-labis ang panawagan sa paghingi ng tulong ng Tatay Larry para sa kanyang anak na si OFW Christine Joy Barientos dahil ang pananabik nito na makauwi sa Pilipinas pagkatapos ng kanyang kontrata ay napalitan ng paghihinagpis dahil imbes na…
Read MoreHINDI PARA SA EKONOMIYA ANG NATIONAL ID
KAMAKAILAN, pumunta sa amin ang isang kawani ng Philippine Statistics Authority (PSA) upang isama kami sa ilalatag na National ID System ng bansa. Nagpalista ako, ang aking may-bahay at mga anak dahil naniniwala kaming malaki ang maitutulong nito sa pakikipagtransaksiyon namin sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Mapabibilis ang transaksyon sa pamahalaan dahil iisang ID na lang ang ipapakita, sa halip na napakaraming identification cards mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. At pihadong mapapabilang kami sa listahan ng mamamayang Filipino dahil PSA ang nag-aasikaso nito. Ngunit, hindi ako naniniwalang…
Read MoreMga walang alam na opisyal sa palakasan
ILANG buwan na ang nakalilipas, ang SAKSI NGAYON ay naglabas ng istorya sa posibilidad na makapagpadala ang Pilipinas ng pinakamalaking delegasyon sa XXXII Games of the Olympiad sa Tokyo, na ipinagpaliban noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic at sa halip ay isasagawa na lang sa Hulyo. Ang artikulo ay base sa magkahiwalay na panayam ng kolumnistang ito kay pangulo ng Philippinje Olympic Committee, Cong. Abraham “Bambol” Tolentino at POC Secretary General Edwin Gastanes. Kapuwa ipinahayag noon nina Cong. Bambol at Atty Edwin na bukod sa apat na Pilipinong pasok…
Read MoreSANDAMAKMAK NA ANG BATAS SA ROAD SAFETY
SANDAMAKMAK na ang batas na may kaugnayan sa road safety para raw matiyak na ligtas ang mga motorista at kanilang mga pasahero kapag nasangkot ang mga ito sa disgrasya. The last time I check, 6 na kabilang na ang Child Safety in Motor Vehicles Act Republic Act (RA) 11229 na gustong ipatupad simula noong Martes pero inalmahan kaya inurong ang implementasyon. Kabilang sa mga batas may kaugnayan sa road safety ay ang Seat Belts Use Act of 1999 (Republic Act No. 8750); Children’s Safety on Motorcycles Act of 2015 (Republic…
Read MoreONLINE O E-SABONG PINATITIGIL
NA-PUNA na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagdami ng Online o E-Sabong ngayong Covid-19 pandemic. Kaya naman nag-react na ang PCSO at hiningi na nila ang tulong ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) laban sa nasabing sugal. Pinaaksyunan ni PCSO General Manager Royina Garma sa PNP at NBI ang nagsulputang e-sabong dahil wala umanong mga permit ang mga ito. Ibig sabihin ilegal ang sugal na ito, kaya naman dapat lang na mag-react ang PCSO. Napupunta kasi sa iilang tao ang kinikita ng online…
Read MoreDITO TELECOMMUNITY NILABAG ANG IPRA?
HINDI pa man nagsisimula ang operasyon ng Dito Telecommunity ay mayroon nang reklamo laban dito. Nabasa ko sa isang pahayagan ilang araw na ang nakalipas na ang kaso laban sa Dito ay tungkol sa paglabag sa Republic Act 8371, o Indigenous People’s Rights Act (IPRA). Partikular na linabag daw ng Dito Telecommunity sa IPRA, ayon sa National Commission on Indigenous Peoples-Cordillera Administrative Region (NCIP-CAR), ay ang mga karapatan ng mga katutubo sa kanilang ancestral domains (ADs) sa lalawigan ng Benguet. Napakaraming katutubo sa ating bansa, kasama na ang mga residente…
Read MoreAlamat ni Manny Pacquiao (Ika-4 Bahagi) PANGATLONG TITULO, NAKAMIT NI PACQUIAO vs BARRERA
NOBYEMBRE 15, 2003 nagpatuloy ang dakilang ipamamana ni Manny Pacquiao sa larangan ng boksing at sa palakasan, sa kabuuan. Sa nabanggit na petsa hinarap ni Pacquiao ang Mehikanong si Marco Antonio Barrera sa 12-round na sagupaang ginanap sa Alamodrome sa San Antonio, Texas kung saan nakamit ng idolong Pilipino ang pangatlo sa walong dibisyong paghaharian niya, na siya lamang ang makagagawa sa kasaysayan ng boksing. Ang kampeonatong lineal sa timbang na featherweight ang pinaglabanan ng dalawa, na itinuring noon at hanggang sa kasalukuyan na panahon ng pinakamagagaling na boksingero sa…
Read MoreISANG OFW SA MALAYSIA NAGPAPASAKLOLO SA MALUPIT NA AMO
MADALAS tayong makatanggap ng sumbong at reklamo mula sa mga kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs) lalo na yung mga nasa Gitnang Silangan o Middle East. Kadalasan sila ay minamaltrato, sinasaktan, hindi pinapakain, sobra-sobrang trabaho, kinakasuhan at hindi pinapa-sweldo. Pero palibhasa’y milyon-milyon ang ating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibat-ibang panig ng mundo, masasabi nating kahit saan ay may mga kababayan tayo na hindi nakaiiwas sa ganitong mga karanasan. Gaya nitong pinaka-huling sumbong na nakarating sa amin sa AKOOFW. Ang biktima ay nakilala natin sa pangalang Harjane Nazar Boce na…
Read More