HABANG bakuna sa COVID-19, napakataas na presyo ng mga bilihin at palpak na implementasyon ng Land Transportation Office (LTO) sa mga batas, huwag na huwag kakalimutan ng mga pamahalaang lokal ang paglutas sa problema ng ammonia. Ang isyu sa ammonia ay tungkol sa planta ng yelo sa Lungsod ng Navotas at sa Bayan ng Lian sa Batangas. Parehong malaki ang perwisyo ng sumingaw na ammonia sa dalawang planta ng yelo. Sa Navotas, dalawang manggagawa ang namatay at mahigit 100 ang itinakbo sa mga ospital. Sa Lian naman, namatay ang mga…
Read MoreCategory: OPINYON
SUMBONG NG MGA BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING, INAKSYUNAN
NITONG nakaraang Biyernes, ay nakatanggap kami ni katropang Alden Estolas ng report sa aming programang Bantay OFW sa DWDD 1134 KHz mula sa aming Qatar Correspondent na si Joseph Rivera. Inihatid ni ka-tropang Joseph Rivera ang sumbong ng grupo ng mga kababaihan na nasa Qatar na biktima diumano ng Human Trafficking. Ayon sa salayasay ng mga biktima na aking itatago sa mga pangalang Aida, Lorna, Fe, Magdalena, Janet at Alexis, sila ay nakarating sa bansang Qatar na hindi dumaan sa anumang legal na proseso sa Philippine Overseas Employment Adminsitration (POEA).…
Read MoreANO PROBLEMA MO GENERAL PARLADE?
MUKHANG sumosobra na yata sa kalikutan ng kaniyang pag-iisip itong si Army Lt. General Antonio Parlade, ang hepe ng Armed Forces Southern Luzon Command o AFP-Solcom na nakabase sa lalawigan ng Quezon. Hindi lang isa o dalawa na sablay sa pagbanat sa media itong si Parlarde. Sa sobrang gigil mo ay tila baga ‘over-acting’ o OA ka na sa mga hinaing mo sa amin na nasa industriya. Naturingan pa man din na Tagapagsalita itong si Parlarde ng National Task Force To End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Sino ba sa…
Read MoreSANA MAY TAMA KAYO SA CHA-CHA
PARANG tubig sa Pasig river na malabo dahil sa burak ang pag-asa ng economic charter change (Cha-Cha) na isinusulong sa Kamara hangga’t hindi pumapayag ang mga senador na sumayaw nito ngayong panahon ng pandemya. Hangga’t wala ring tiwala ang publiko sa mga pulitiko lalo na ang mga Congressmen at maging sa kasalukuyang mga lider ng bansa, eh talagang kasing labo ng tubig sa mga estero sa Metro Manila ang pag-asa ng cha-cha. Pangunahing dahilan kung bakit nagsasayaw ng cha-cha ang mga Congressmen ay para alisin ang mga restriksyon sa Saligang…
Read MoreKAWAWANG JUAN DELA CRUZ LAGING BIKTIMA NG SCAM
MULI na namang nabiktima ang ating mga kababayan mula sa Mindanao ng tinatawag na investment scam. Pinapangakuan sila ng malaking porsyento o kita mula sa perang kanilang ilalagak sa mga tao na nasa likod ng mga scam. Kanya-kanyang style ang mga nasa likod ng scam para makakumbinsi sila ng maraming tao na magbibigay ng pera sa kanila. Tinataya na aabot daw ng walong bilyong piso (P8-B) ang natangay ng sindikato mula sa mga kababayan nating taga-Mindanao. Noong nakaraang Pebrero 4, 2021, Huwebes nahuli ng mga tauhan ng National Bureau of…
Read More2.8 MILYONG TRABAHO MALILIKHA NGAYONG 2021
GUSTO ko ang tudla ng administrasyong Duterte na lilikha ng 2.8 milyong trabaho ngayong 2021. Tapos, 1.2 milyon naman ang lilikhain sa 2022. Uulitin ko po, lilikhain, hindi mamadyikin ang numero. Ang nagsabi nito ay si Cabinet Secretary Karlo Nograles. Sabi ni Nograles, ang 2.8 milyong trabaho ay siyang gagawin ng labing-apat na kagawaran at dalawang tanggapang sakop ng Office of the President (OP), sa pamamagitan ng tinatawag na “National Employment Recovery Strategy” (NERS). Pokaragat na ‘yan! Ayon kay Nograles, lumagda sa Memorandum ng NERS ang Department of Labor and…
Read MoreBAKUNA LABAN SA COVID-19, NALALAPIT NA ANG PAGDATING
UMABOT na sa higit kalahating milyon ang kabuuang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa kabila ng pagsusumikap ng pamahalaan na maging agresibo sa laban sa pandemyang ito, umaabot pa rin sa higit sa isang libo ang nadadagdag sa bilang na ito kada araw. Masyado nang mahaba ang ating pakikipaglaban sa COVID-19 at tila ang bakuna lamang ang talagang tunay na makasusugpo rito. Mula pa noong nagsimula ang pandemya, paulit-ulit na binabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanging bakuna lamang ang paraan upang tuluyan nating mapagtagumpayan ang pandemyang…
Read MoreMAGPAREHISTRO PARA MAKABOTO SA 2022
HINIHIMOK natin ang mga mamamayan na karapat-dapat nang bumoto na kayo at magparehistro para sa nalalapit na halalan ngayong 2022 bunsod ng mababang turnout ng mga botante ang nagpaparehistro, at nananawagan din tayo sa mga botanteng deactivated na ang rehistro na mag-apply para sa reactivation kung hindi sila nakaboto noong 2018 barangay elections at 2019 national and local elections. Ayon sa Commission on Elections, sa ngayon ay 1.17 milyon pa lamang na mga bagong botante ang nakapagpatala sa tinatayang 4 milyong mga hindi rehistradong Pilipino. Inihayag din nito na kanilang…
Read MorePURO IMPORTATION ANG SOLUSYON
DATI, noong maganda ganda pa ang ekonomiya ng Pilipinas, hindi pa masyadong baon sa utang ang bansa, kapag tumataas ang presyo ng tinapay lalo na ang pandesal ay natataranta na ang mga nasa gobyerno. Bakit? Ang tinapay ang pinakamurang almusal ng Pinoy dahil isawsaw mo lang sa mainit na kape ayos na buto-buto. Nakatawid ka na sa isang kainan, nakatipid ka ng husto. Agad nareresolba ang problema sa tinapay kapag tumaas ang presyo. Kung baga hindi nagtatagal kahit ang mga materyales partikular na ang harina ay inaangkat sa ibang bansa.…
Read More