AMANDA Echanis at 7 Militante na arestado dahil sa illegal possession of firearms Magkatugma ang Alibi? Si Amanda Echanis na sinasabing peasant organizer mula sa Cagayan at ang 7 militanteng naaresto nitong nakalipas na linggo dahil sa kasong paglabag sa RA 10561 o ang batas na nagpaparusa sa mga taong ilegal na nag-iingat ng mga baril at pampasabog ng walang kaukulang permiso. Bakit kaya nagkapareho sila ng alibi na diumanoy planted daw yung mga armas na nakumpiska sa kanila, nag-usap kaya ang mga ito bago pa man sila naaresto? Kayo…
Read MoreCategory: OPINYON
TANUNGIN ANG MGA TAO KUNG ANONG BAKUNA ANG GUSTO NILA
SIGURO tanungin muna ng gobyerno ang mga tao kung anong vaccine sa COVID-19 ang gusto nilang bilhin at iturok sa kanila ng gobyerno para maging immune na sa virus na ito na hindi pa nawawala. Dapat magpa-survey ang gobyerno para malaman ang pulso ng mga Filipino na gustong mabakunahan ng covid-19 vaccines. Kaya nilang gawin yan. Nandyan naman ang mga private survey firms at Philippine Statistic Authority (PSA). Bakit kailangan ito? Dahil maingay na ang bakuna na gawa ng China ang gustong bilhin ng gobyerno na gagamitin sa mass vaccination…
Read MorePULIS AT SUNDALONG NASIBAK DAPAT IMONITOR
MAY suhestiyon ang tagasubaybay ng PUNA na tutukan daw ng Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni General Debold Sinas ang mga dating pulis na nasibak na sa serbisyo. Bakit? Kasi karamihan daw sa mga ito ay nasasangkot sa mga ilegal na gawain. Tulad daw ng pagkakasangkot sa ilegal na droga, holdapan, gun running, carnapping, smuggling at iba pa. May punto po ang ating tagasubaybay lalo na yung mga pulis na ang dahilan ng kanilang pagkakatanggal sa serbisyo ay dahil sa paggawa ng kalokohan. Noon ngang nasa serbisyo pa sila…
Read MoreIBUNYAG ANG MGA NAGPALUSOT NG P28.348-B DAGDAG BADYET SA DPWH
TULAD nang dati, kuwestyonable na naman ang badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa 2021. Inaprubahan ng Bicameral Conference Committee (Bicam) ang P4.506 trilyong hinihinging badyet ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa susunod na taon. Kasama rito ang P694.8 bilyon ng DPWH na siya pang pangalawa sa pinakamataas sa mga badyet ng mga kagawaran ng pamahalaan. Ang nanguna ay ang Department of Education (DepEd) sa halagang P708.1 bilyon dahil itinakda at ipinag-utos ng Saligang Batas na siyang pinakamataas sa taunang badyet ng pamahalaan. Nangangahulugang pinakamahalaga ang…
Read MoreHanda na si Eumir sa unang laban bilang pro
MASUSUBOK na kung hanggang saan aabot si Filipino Olympic qualifier Eumir Marcial sa kanyang napiling propesyon at pangarap na maging pandaigdigang kampeon sa middleweight. Higit sa lahat, susubukan din ng 25-anyos na Zamboangueno kung may kapasidad siyang handugan ang Pilipinas ng kauna-unahang gintong medalya galing sa Olimpiyada. Haharapin ni Marcial, kasalukuyang nasa Amerika na tinatawag na lupain ng tamis at pulot-pukyutan, na napili niyang lugar para maghanda para sa Tokyo Games at sa laban kontra Andrew Whitfield sa LA Microsoft Theater sa Los Angeles. Apat na rounds ang paglalabanan ng…
Read MoreAGRESIBONG PAGLABAN NG PAMAHALAAN SA PANDEMYANG COVID-19
ILANG linggo na lamang at matatapos na ang 2020. Hindi natin alam ang mga dalang pagsubok ng taong 2021 ngunit tiyak na kasama pa rin ang pandemyang COVID-19 sa mga ito. Nananatiling higit sa isang libo ang dumadagdag sa bilang ng mga nag-positibo sa coronavirus kada araw. Sa kasalukuyan, nasa halos 450,000 na ang kabuuang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Isang positibong balita naman ang hatid ng pamahalaan. Bago mag-Abril ay maaari nang magsimulang dumating ang ating pinakahihintay na bakuna. Sadyang nagiging agresibo ang pamahalaan sa mga…
Read MoreRAKET NI MAMA GHALA DAGDAG KALBARYO SA MGA OFW, LABATT NASSER INAASAHANG UMAKSYON (HULING BAHAGI)
MATAPOS na aking mailathala ang mga sumbong ng ilang OFW laban kay Mama Ghala ng Riyadh, Saudi Arabia, patuloy na dumating pa ang ibang mga reklamo na ipinarating sa pamamagitan ng Voice Mail. Itatago ko sa pangalang “OFW Angela” ang nagpadala ng mensahe at ang kanyang sinabi ay, “Ako po si OFW Angela, personal na po akong lumapit sa inyo upang isumbong ang paulit-ulit na pagbenta sa akin sa ibang employer ni Madam Ghala.” “Ako po ay may karamadaman na iniinda sa aking kidney. Kahit ilang beses ko na po…
Read MoreKUMUKUNOT ANG NOO KO SA CHINA
HINDI ko maiwasang kumunot ang noo kapag nakakabasa ako ng report mula sa China na sa tuwing magkakaroon ng bagong kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa ay sinasabi nilang “imported”. Niloloko ng China ang kanilang mamamayan sa ganitong mga report at gusto pa nilang isama ang mga tao sa buong mundo na akala mo eh kaya nilang impluwensyahan ang lahat ng tao sa daigdig. Alam nating lahat na kontrolado ng China ang kanilang media. Walang demokrasya sa kanilang bansa at lahat ng mga dissent ay mayroong kalalagyan kaya medyo pasalamat…
Read MoreMASUSUBOK ANG TIBAY NI LEONEN SA IMPEACHMENT LABAN SA KANYA
NGAYON masusubok kung gaano katibay ang dibdib at kung gaano karaming kakamping mga mambabatas itong si Supreme Court Associate Justice Mario Victor F. Leonen. Noong nakaraang Disyembre 7, 2020 nagtungo sina Atty. Larry Gadon at Edwin Cordovilla, Secretary General ng Filipino League of Advocates for Good Governance (FLAG) para isampa ang impeachment case laban kay Leonen sa House of Representatives. Inendorso naman ito agad ni Congressman Angelo Marcoa Barba ng probinsiya ng Ilocos Norte. Sa interview ng PUNA kay Atty. Gadon sinabi niyang dalawa ang kanilang pinagbasehan para masibak sa…
Read More