HABANG ibinubunyag ng ilang Senador ang kapalpakan sa ipinasa ng Kamara de Representantes na P4.5 trilyong badyet na hinihingi ng administrasyong Duterte, sunud-sunod naman ang balitang gulo sa mayoryang ‘sumusuporta’ kay Speaker Lord Allan Jay Velasco. Naibalita sa mga pahayagan ang gulo, o “silent war”, sa mayorya ni Velasco. Natatandaan ko ang ‘mahiwagang’ deklarasyon ni Velasco nang maupong speaker ito noong Oktubre 13 na siya ay magiging “unifying leader”. Alam ng mga kongresista na walang ibang kahulugan ito kundi pinuno si Velasco ng lahat ng kongresista. Kaya, maging ang solidong…
Read MoreCategory: OPINYON
PAGHAHANDA NG BANSA SA MGA DARATING NA KALAMIDAD
ANG Bagyong Ulysses na nanalasa sa Gitnang Luzon at sa Metro Manila ay nag-iwan ng matinding pinsala at matinding pagbaha sa mga nasabing lugar. Napakaraming bahay ang halos bubungan na lamang ang nakikita dahANGil sa taas ng baha sa mga lugar ng Marikina at Cagayan Valley. Umabot sa 67 ang bilang ng mga nasawi at 22 rito ay mula sa Cagayan Valley. Umabot din sa P2.14 bilyon ang pinsala sa agrikultura at P482.85 milyon naman sa imprastraktura. Ito ay ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Ayon…
Read MoreFORZA GLOBAL TINATAWAGAN NG PANSIN
SOBRANG pasasalamat ang ipinapaabot ng mga mamayan ng Barangay Geronimo, Rodriguez Rizal dahil sa mga relief goods, tools at mga pagkain na inihatid sa kanila sa pamamagitan ng AKO OFW, Community Anti-Crime Group (CACG) na pinamumunuan ni President Elmer Bernardo at ng South Elite AirCom. Umabot sa mahigit anim na daan (600) relief bags, lutong ulam at kanin at mahigit sa isang libong (1,000) tinapay ang natanggap na ayuda ng nasabing lugar. Ang nasabing pagbibigay ng ayuda ay dinaluhan ng mga volunteer members ng AKOOFW at CACG na tila walang…
Read MoreAlamat ng Reddy Kilowatts
APAT na beses makaraang makakuha ng prangkisa sa PBA ang Meralco, nakalusot na naman ang Bolts sa semifinal round ng Philippine Cup bubble sa pag-asang makapasok muli sa finals ng kauna-unahang liga propesyonal sa bansa. Lahat nang naiulat ng PBA sa kanilang coverage ay alam na ng marami, na ang mga bata ni Coach Norman Black ay natalong finalist sa Barangay Ginebra nang tatlong beses sa Governors’ Cup. Lumalabas tuloy na ang Meralco ay bagito lamang o yung tinatawag sa Ingles na “Johnny Come Lately” sa big time Philippine basketball…
Read MoreMGA TAGA MARIKINA TIYAK NA BABANGONG MULI
TOTOO namang kalunos-lunos ang sinapit ng marami nating mga kababayan na residente ng Barangay Tumana. Isama rin natin ang mga taga Barangay Nangka, Malanday at ang mga residente ng Provident Village sa lungsod ng Marikina. Sila yung tinamaan ng husto ng bagyong Ulysses makaraang lumubog ang mga bahay sa mga nabanggit na lugar matapos ang walang tigil na pag-ulan. Personal nating nakita ang kanilang sinapit. Ang mahirap, pagkatapos ng baha ay putik, burak at basura ang naiwan sa bawat sulok ng mga nabanggit na barangay sa Marikina City. Salamat at…
Read MoreMABBALO (THANK YOU)
BILANG isang Cagayano, nagpapasalamat ako sa mga tao at mga grupo at mga organisasyon na naghatid at patuloy na naghahatid ng tulong sa mga kababayan ko na sinalanta ng matinding pagbaha. Alam ko, bawat relief goods na tinatanggap ng mga kababayan ko sa mga taong nagmamalasakit ay may kasunod na katagang “Thank You”, “Salamat” at Mabbalo (Ybannag ito na ang ibig sabihin sa tagalog ay salamat). Pero susugan ko lang… salamat, salamat, salamat sa lahat. Patunay lang na ang mga tulong ay kusang dumarating sa mga biktima ng kalamidad na…
Read MoreHUWAG IASA ANG LAHAT SA GOBYERNO
SUNOD-SUNOD na dagok ng trahedya ang naranasan ng ating bansa ngayong taong 2020. Kabilang dito ang pagsabog ng Bulkan Taal, pandemya dulot ng COVID-19, malakas na lindol, pagsalanta ng Bagyong Rolly sa Bicol at karatig probinsiya at ang pinakahuli ay ang delubyong dulot ng bagyong Ulysses sa Luzon. Hindi biro ang mga trahedyang ito na halos magpadapa sa mga Local Government Units (LGU)at maging ng ating National government. Ilan pa nga sa mga LGU ay humihingi na ng saklolo dahil naubos na nila ang kanilang calamity fund dahil sa pandemya.…
Read MoreKALUNOS-LUNOS ANG SINAPIT NG MARIKENO KAY ULYSSES
Personal na nakita ng PUNA ang sinapit ng mga residente ng Brgy. Tumana, Marikina City mula sa nagdaaang Bagyong Ulysses. Nadatnan ng grupo ng Peryodiko Filipino Incorporated (PFI/SAKSINGAYON) na nagdala ng ayuda para ipamigay sa mga residente ng Patalo at Palay Sts., Brgy. Tumana ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na abala sa paglilinis ng sobrang daming mga basura na dulot ng nagdaang bagyo. Ang binabanggit po nating kalat na napakarami ay hindi ordinaryong basura kundi mula sa mga kagamitan ng mga residente sa lugar…
Read MoreOFWs PANALUNG-PANALO SA PAGKAWALA NG KAFALA SYSTEM
WALA nang “Kafala system” sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) simula Marso 2021. Kaya, walang dudang panalo ang overseas Filipino workers (OFWs) sa aksyon ng pamahalaan ng Saudi, o KSA. Ang totoo, hindi lang panalo, kundi panalung-panalo ang OFWs sa pagkawala ng sistemang Kafala. Alam n’yo kung bakit? Agrabyadung-agrabyado ang mga migranteng manggagawa sa Kafala, o visa sponsorship system, dahil mistulang hawak sa leeg ang mga manggagawa, kabilang ang OFWs, ng kanilang mga employer. Hindi nakaaalis ang mga OFW mula sa kanilang pinapasukan at hindi rin pinapasahod dahil obligado silang…
Read More