KASUHAN, TANGGALIN ANG MGA KORAP AT MANDARAMBONG!

NITONG Huwebes ­(Nobyembre 5), nagpakawala na naman si ­Pangulong Rodrigo Duterte ng pahayag laban sa mga korap at mandarambong sa pamahalaan. Ang sabi ni Duterte: “Magbitiw kayo!” Napakahina ng panawagang ito dahil hindi magbibitiw ang mga korap at mandarambong. Ang mga opisyal nga ng mga ahensiyang ­nabisto, natumbok at ­napatunayang linabag ang mga batas sa mga paglulunsad ng kani-kanilang proyekto, sa pagpapasubasta at paggawad ng mga proyekto sa mga pribadong kumpanya, o ­kontratista, ay hindi nagbibitiw. Kahit milyun-milyon hanggang bilyun-bilyon ang pera ng pamahalaan ang isyu ang nabanggit ay hindi…

Read More

Marcial may tsansa sa unang Olympic gold ng bansa

IPINAGDIWANG ng middleweight Olympic qualifier na si Eumir Marcial ang kanyang ika-25 taong kaarawan noong Huwebes (Biyernes sa Maynila) habang nag-eensayo sa Wild Card Gym ni Hall of Fame trainer Freddie Roach sa Los Angeles, California. Nasa “lungsod ng mga makasalanan” si Marcial dalawang linggo na ang nakararaan para sa wakas ay paghandaan ang kanyang kampanya na handugan ang Pilipinas ng kauna-unahang gintong medalya sa Olimpiyada, sa loob ng napakahabang 96 taon mula nang ang bansa ay ­unang lumahok sa tuwing ika-apat na taong ­palaro noong 1924. “So it was…

Read More

TABANG BICOL, INILUNSAD NG AKOOFW

NAPAKARAMING pamilya ang lubhang naapektuhan ng napakalakas na bagyong Rolly (Goni) na humambalos ng husto sa Bicol region nitong nakaraang Nobyembre 1, 2020. Marami sa mga tahanan ay natabunan ng lahar at malalaking bato mula sa sa kapaligiran ng bulkang Mayon at marami rin ang hanggang ngayon ay nakalubog sa malalim na baha. Ang mga local government officials sa ilang munisipalidad at barangay ay nagmamakaawa ng tulong dahil ang kanilang Calamity Fund ay nasaid na dahil sa pagbibigay ng ayuda nitong panahon ng pandemya. Marami rin akong natanggap na mensahe…

Read More

HAWAHAN NG COVID-19 SA EVACUATION CENTERS POSIBLE

DAPAT makagawa agad ng paraan ang gobyerno kung paanong hindi magkakahawahan ang mga taong nasa evacuation centers na naapektuhan ng Bagyong “Rolly”. Kung hindi makakagawa ng paraan ang mga kinauukulan ay posibleng sumipa na naman ang bilang ng may COVID-19 sa bansa. Na-PUNA kasi natin sa mga naglalabasang videos mula sa mga lugar na naapektuhan ng nagdaang bagyo na hindi nasusunod ang mga umiiral na health protocol tulad ng physical d­istancing, pagsusuot ng face mask at face shield. Sana kumilos ang national government para makatulong sa mga lugar na naapektuhan…

Read More

BATAS NILABAG MAKALUSOT LANG ANG P20-B KONTRATA

WALA namang binabanggit ang Commission on Audit (COA) na kinulimbat, o kumita, ang mga opisyal ng National Irrigation Administration (NIA) sa halos P20 bilyong halaga ng mga kontrata nito sa mga pribadong kumpanya. Ang sabi lang ng COA sa ulat nito para sa 2019 ay nalabag ang mga batas sa pagbibigay ng 339 kontrata sa mga kumpanya, o kontratista. Ang kabuuang halaga ng kontrata ay P19.986 bilyon na naigawad sa 339 na pawang ­”ineligible contractors”. Pokaragat na ‘yan! Hindi bago sa NIA ang ganitong paglabag sa mga ipinaiiral, sinusunod at…

Read More

MEGA

HINDI lang sa mga proyekto may mega. Kahit sa imbestigasyon ay may mega rin. Sana lang hindi magaya sa mga mega project ang mega investigation sa mga katiwalian sa gobyerno. Tuwing nagkakaroon ng ­kalamidad sa ating bansa, nasisira ang mga mega project tulad ng mga mega dike na nagsisilbing proteksyon ng mga komunidad na nakatira sa paligid ng mga waterways. Isa mga pinaggagastusan ng malaki ng ating gobyerno ay ang mga mega dike na mula sa buwis ng mamamayang Filipino taon-taon at hindi biro ang halaga na inilalaan dito. Noong…

Read More

BAGYONG “ROLLY” DOBLENG DAGOK SA MGA PINOY

KAAWA-AWA ang mga residente ng Albay at Catanduanes dahil hindi pa man natatapos ang kanilang problema sa COVID-19 ay isa na namang dagok sa kanilang buhay ang pananalasa ng bagyong Rolly sa kanilang probinsiya. Batay sa nakuhang impormasyon ng PUNA mahigit kumulang sa 60% kabahayan sa Albay at Catanduanes ang sinira ng nasabing bagyo. Pinadapa rin ng bagyo ang mga pananim, 90% ng poste ng kuryente at linya ng komunikasyon ay pinagbagsak din sa lugar na ito. Kaya ngayon hindi sila makontak ng kanilang mga kamag-anak na nasa ibang lugar.…

Read More

SALN NI SPEAKER VELASCO ILABAS

TOTOONG napakarahirap imbestigahan ang katiwalan, korapsyon at pandarambong ng buong pamahalaan dahil maliban sa masyadong malaki at napakaraming sanga nito, napakalala na nito. Ngunit, hindi dapat ito ­maging balakid upang huwag absolutong pagdudahan ang layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte na paimbestigahan ang katiwalian, korapsyon at pandarambong sa pamahalaan. Uusad ang imbestigasyon na ipinaako at ipinagkatiwala ni Duterte sa Department of Justice (DOJ), sa pangunguna ni ­Secretary Menardo Guevarra, kung maraming opisyal ng pamahalaan ang tutulong laban sa ­nasabing napakalalang problema ng pamahalaan tulad ng Kongreso. Malaki ang magagawa ng isa…

Read More

PARLADE TABLADO KAY YORME

KAKAIBANG uri ng ­pagiging opisyal ng militar ang pinuno ng Armed Forces of the Philippines Southern Luzon Command (AFP SolCom) na si Lt. General Antonio ­Parlade Jr. Sindakan ang istilo ng kaniyang liderato at kapag umaray ang sinomang tamaan ng kaniyang matalas na bibig tiyak iyon ang talo. Nagpakita agad ng angas si Parlade nang kaniyang ired-tag ang mga sikat na aktres na sina Liza Soberano, Angel Locsin at ang 2018 Miss Universe na si ­Catriona Gray. Bagaman todo tanggi ang Heneral sa tuligsa ng pagrered-tag sa tatlong sikat na…

Read More