HINDI talaga matatapos ang bawat araw na walang OFW mula sa Riyadh, Saudi Arabia ang mananawagan ng tulong para masaklolohan. Samu’t-saring problema o sumbong ang aking natatanggap mula sa mga OFW sa Saudi Arabia at malimit dito ay ang pagmaltrato at hindi pagbabayad ng sweldo ng kanilang amo. Ang liham na aking bibigyan ng puwang ay nagmula sa aking kaibigan na dating kapitan ng Poblacion at ngayon ay isa ng Municipal Councilor sa Tupi, South Cotabato na si Councilor Mao Yabut. Si Konsehal Yabut ay regular na nagpapadala sa akin…
Read MoreCategory: OPINYON
MAKABAYAN BLOC NG KONGRESO, LEGAL FRONT DAW NG CCP-NPA-NDF?
ANO kaya ang sagot dito ng Makabayan Bloc ng Kongreso? Sa akusasyon ng isang sumukong KADRE ng New Peoples Army na nagsisiwalat na sila ay legal front ng CPP-NPA-NDF. Kung ito ay totoo, abay tama pala ang paratang ni Jeffrey Celiz alyas “Ka Eric” laban sa Makabayan Bloc, na mahigit na sa isang dekada tayong nadengoy ng makabayan bloc sa pagkukuwari na sila ay para sa bayan ‘yon pala ang tunay na adhikain ng mga ito ay ibagsak ang gobyerno upang mamahala ang kanilang underground movement na Communist Party of…
Read MorePAKIKIRAMAY SA MGA NASALANTA NG BAGYONG ROLLY
BAGO ang lahat ay nakikiramay tayo sa ma taga-Bicol at Southern Tagalog Region na labis na sinalanta ng bagyong Rolly. Sana makabangon agad sila at sana matulungan sila ng gobyerno sa lalong madaling panahon. Dobleng dagok ito sa mga biktima ng bagyong Rolly dahil hindi pa nakakawala sa pandemya ng covid-19 ay lalo silang inilugmok ng bagyo. Makakaasa kayo na kasama kayo sa mga dasal namin. Sana hindi na magkakaroon ng mas malakas na bagyo sa mga susunod na mga araw dahil nakalubog na sa kahirapan ang mga kababayan natin…
Read MorePAGBILI NG MGA SASAKYAN NG DEPED WRONG TIMING DAW?
MARAMI ang nag-react nang lumabas ang isyu sa pagbili ng maraming sasakyan ng Department of Education (DepEd) partikular mula sa grupo ng mga guro. Ang reaksyon ay nagmula mismo sa Alliance of Concerned Teachers (ACT). Batay sa nakalagay sa memo, kailangan daw bumili ng DepEd ng 254 units ng Mitsubishi Strada 4×4, at ang 88 ay naipamahagi na noon pang Disyembre 5, 2019. Sa nakuhang impormasyon ng PUNA, 166 Mitsubishi Strada ang binili ng DepEd mula sa Mitsubishi Carworld Pampanga para may magamit ang kanilang mga field engineers. Kasama rin…
Read MoreSAPUL NA SAPUL SI GRECO BELGICA SA BANAT NI REP. ERIC YAP
KUNG isa akong kongresista, pihadong magagalit din ako kay Greco Belgica dahil mali ang tirada ng opisyal na ito hinggil sa korapsyon sa Department of Public Works and Highway (DPWH). Kapag opisyal ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) tulad ni Belgica, dapat mayroong mga pangalan ang ibubunyag na katiwalian, korapsyon at pandarambong sa mga kagawaran ng pamahalaan tulad ng DPWH. Kung wala, hindi ito pagbubunyag, kundi pagpapasikat. Mabilis akong humanga sa tapang ni Belgica nang sabihin niyang mayroong mga kongresistang kumita mula sa korapsyon ng DPWH. Iwinasiwas ni Belgica na mayroong…
Read MorePAGHAHANDA PARA SA KALIGTASAN SA PANAHON NG KALAMIDAD
BUKOD sa pandemyang COVID-19 na kinakaharap ng ating bansa hanggang ngayon, panahon nanaman ang pagpasok ng mga bagyo. Dahil sa lokasyon ng Pilipinas, maituturing na karaniwang pangyayari ang pagdaan ng mga bagyo sa bansa. Nito lamang nakaraang linggo ay dalawang bagyo ang magkasunod na tumama sa bansa at ito ay pinangalanang Pepito at Quinta. Marami ang nasalanta ng malakas na hangin at matinding pag-ulan na naging sanhi ng pagbaha. Dati nang natukoy ng mga eksperto na ang mga bagyo na may dalang malakas na hangin ay nagdudulot ng mas matinding…
Read MoreMGA OFW NAKATUTOK SA KASO NI AMBASSADOR MAURO
SA unang arangkada ng aking programa sa radio DWDD 1134 KHz na may titulong Bantay OFW ay naging panauhin ko sina Department of Labor Secretary Silvestre Bello III at Administrator Hans Cacdac ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Kabilang sa aming natalakay ang ang tungkol sa kasambahay na minaltrato ng Philippine Ambassador sa bansang Brazil na si Marichu Mauro na nakilalang si Leonila De Ocampo o kilala sa tawag na Nanay Nila. Natuklasan ang pagmamaltrato dahil nakuhanan ito sa CCTV ng isang Brazilian citizen na nagtatrabaho sa tahanan ni Amb.…
Read MoreMay kakayahan ba ang IATF-EID na solusyunan ang problema sa COVID-19?
NAGSARA ang ikatlong linggo ng PBA Philippine Cup bubble na siyam na laro ang ipinakansel ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Diseases (IATF-EID) para masiguro na ang liga ay sumusunod sa mga protokol na ipanatutupad ng ahensya para ituloy ang ika-45 taon ng liga propesyonal sa bansa. Kabilang sa siyam ang tatlong larong ipinagpaliban mula noong Oktubre 24 matapos na madiskubre ang isang reperi at isang manlalaro ng Blackwater na positibo umano sa COVID-19. Ang nasabing manlalaro at opisyal ay lumabas na negatibo na sa virus sa…
Read MoreMGA MAGSASAKA PATULOY NA KINAKAWAWA
HINDI ko lubos maisip kung papaano aasenso ang mga magsasaka sa ating bansa kung walang proteksyon at tulong, totoong tulong, mula sa national government lalo na ang Department of Agriculture. Mahigit isang taon pa lamang simula nang ipatupad ang Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law pero lugmok na lugmok na ang mga magsasaka sa kahirapan dahil patuloy na binabarat ang kanilang ani. Sa amin sa Cagayan Valley, maraming magsasaka ang napapailing na lamang dahil kahit puhunan ay hindi na bumalik sa kanila ngayong panahon ng anihan dahil halos…
Read More