MUKHANG malaki ang tiwala at paghanga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Justice Menardo Guevarra kaysa kay Dante Jimenez kung paglaban at pagsugpo laban sa katiwalian, korapsyon at pandarambong ang pag-uusapan dahil kay Guevarra pa ipinatrabaho ng pangulo ang imbestigasyon laban sa mga tiwali, korap at mandarambong na opisyal at kawani ng buong pamahalaan. Ang totoo pa nga, pinalakas at pinatibay pa ni Duterte ang kawalan ng tiwala nito sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na pinamumunuan ni Jimenez dahil pangalawang ulit nang benalewala ng pangulo ang nasabing ahensiya. Ang una ay…
Read MoreCategory: OPINYON
SMBeermen sumisipa pa
MULING ipinakita ng San Miguel Beermen na sila pa rin ang kampeon ng PBA Philippine Cup. Ang mga bata ni Coach Leo Austria, na sa akala ng marami ay wala nang pag-asang maidepensa ang korona makaraang matalo ng dalawang sunod sa Rain or Shine, 83-87, at sa wala pang talong Talk ‘N Text, 88-107, sa simula ng kanilang kampanya sa bubble, ay nagwagi sa Meralco Bolts, 89-82, noong Martes. Ito ang pang-apat na panalo ng Beermen para sila makatalon mula sa halos ilalim ng standing ng 12-koponang torneo at makatabla…
Read MoreOFW NA MINALTRATO NI MARICHU MAURO, BIGYAN NG HUSTISYA
NAPAKALAKING kahihiyan sa hanay ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nabunyag na pagmamalatrato ni Ambassador Marichu Mauro ng embahada ng Pilipinas sa Brazil. Sa totoo lang ay hindi ko masikmura na tawagin o idikit pa sa kanyang pangalan ang titulong Ambassador dahil ito ay isang marangal na tungkulin bilang “alter ego” o kinatawan ng pangulo ng ating bansa sa ibang bansa. Masyadong malupit ang dinanas na pagmamaltrato sa ating kabayaning OFW sa kamay ni Marichu Mauro. Sa katunayan ay malinaw sa mga video na kumakalat sa social media na…
Read MoreKORAPSYON SA PINAS MALA-STAGE 2 CANCER NA
PURSIGIDO si Pangulong Rodrigo Duterte na matuldukan ang korapsyon sa gobyerno bago pa man siya bumaba sa pwesto sa June 30, 2022. Isa sa ipinangako ni Pangulong Duterte ay ang pagsugpo sa korapsyon sa mga tanggapan ng pamahalaan. Lalo pa siyang nagalit nang pumutok ang katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) na hindi lang milyong pisong korapsyon kundi umabot pa sa bilyong piso. Matagal na ang katiwalian sa PhilHealth, pero lalo itong sumingaw at nabigyan ng pansin nitong pagdating ng Covid-19 pandemic. Sa pagtaya, aabutin na raw ng 100…
Read MoreINUTIL ANG OMBUDSMAN, PACC
TULUNGAN po ninyo akong sagutan ang katanungang ito: “Ang pag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang buong pamahalaan ay nangangahulugan bang inutil ang Office of the Ombudsman at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC)?” Alam naman nating lahat na ang trabaho, tungkulin at obligasyon ng Office of the Ombudsman ay mag-imbestiga ng mga opisyal ng pamahaaan hinggil sa katiwalian, korapsyon at pandarambong. Kahit nga senador at kongresista ay puwede nitong imbestigahan kung gugustuhin nito. Itinatag ang Office of the Ombudsman noong 1988. Si Samuel Martires ang…
Read More35-ANYOS RETIREES NA?
HINDI ko masisisi ang mga Senador na mabahala sa mga Chinese nationals na gustong magretiro sa ating bansa dahil ang babata pa ng mga ito para magretiro sa bansang pinag-iinteresan nila. Base sa mga report, umaabot na sa 28,000 Chinese nationals ang binigyan ng Philippine Retirement Authority (PRA) ng retirees visa na ang edad ay mula 35-anyos pataas. Kalokohan na nasa retirement ages na ang 35 anyos dahil kalakasan pa nila ito sa kanilang buhay at serbisyo. Kahit pa sabihing 50 anyos na sila, hindi pa maituturing na retirement age…
Read MoreMAS MABIGAT NA PARUSA VS ABUSADONG GOV’T OFFICIALS
HINDI dapat palagpasin ang ginawang pang-aabuso ng isang Philippine Ambassador sa kanyang kasambahay na kapwa Filipina habang naninirahan sa ibang bansa. Imbes na sila ang mangangalaga sa kapakanan sa ating mga kababayan sa ibang bansa, sila pa mismo ang nagmamaltrato sa kaniyang kapwa. Ang tinutukoy ng PUNA ay si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro na nakunan ng CCTV habang paulit-ulit niyang sinasaktan ang kanyang kasambahay sa official residence niya. Kitang-kita sa video footages ang hindi makatao na pagtrato ni Ambassador Mauro. Kung ganito ang ugali ng mga opisyal na…
Read MoreNAKABUBUWISIT NA ANG ILIGALIDAD SA NAIA
WALANG sinumang makatatangging isa ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na dinaraan ng ilegal na droga papasok sa ating bansa. Kahit mabagsik, matapang at kontra sa droga si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi pa rin tuluyang nasasawata ang pagpasok ng ilegal na droga sa NAIA. Mayroon namang nahuhuli ang mga pulis sa NAIA na mga taong may kinalaman sa pagpapadala ng droga. Ang ipinagtataka ko, patuloy pa ring ipinapadaan ang droga sa NAIA kahit nababalitan nilang nasusukol ang kanilang mga tauhan. Mayroon bang palakasan sa loob ng NAIA? O, mayroong…
Read MoreBANTAY OFW SA RADYO SIMULA NA SA OCTOBER 30
ISANG malaking karangalan na ako ay imbitahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Radio – DWDD Station Manager na si Major Louzel Lara upang magkaroon ng bagong programa na tatalakay sa mga suliranin ng mga OFW saan mang sulok ng mundo. Ang tinutukoy ko ay ang aking bagong programa na Bantay OFW na magsisimula sa Oktubre 30, 2020 na mapapakinggan tuwing alas-6 hanggang alas-7 ng gabi sa DWWW 1134KHz AM radio. Ang Bantay OFW kasama ang buong pwersa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay naghahangad na makapagbigay ng…
Read More