ANO ba yan secretary William Dar! Sumisigaw na ang bayan sa mataas na presyo ng karneng baboy sa bansa dahil sa kakulangan daw ng supply eh wala ka pang aksyon?! Ang sabi mo, walang dapat ipangamba ang publiko at hindi dapat tumaas ang presyo ng karneng baboy dahil marami ang supply nito at naka imbak lang sa mga cool-storage, eh nasaan bakit sobrang taas parin ng presyo ng karneng baboy?! Ano ba yan kamot kamot lang pag may time? Ipakita mo naman na totoo yang mga dina DAR-DAR mo! Kapareho…
Read MoreCategory: OPINYON
DAPAT MAHIYA ANG LGUs SA METRO MANILA
DAPAT mahiya ang mga Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila dahil ikatlo sila sa mga 53 siyudad sa mundo ang may pinakamababang kalidad ng pamumuhay ng mga tao. Mantakin ninyo, nakabuntot kayo sa Lagos sa Nigeria na isa sa pinakamahirap na bansa sa mundo at Biejing sa China sa pinakamababang kalidad ng pamumuhay base sa resulta ng pag-aaral ng Deutsche Bank. Nakakahiya, nakakalungkot, nakakaiyak at nakakadismaya ang ganitong situwasyon. Pero kung mayroong dapat mahiya dyan ay ang LGUs sa Metro Manila. Sige, isama na rin ang national government lalo…
Read MorePNP MOTORCYCLE UNIT VS RIDING IN TANDEM CRIMINALS
PINATATAPATAN ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga awtoridad ng kanilang motorcycle unit ang riding-in-tandem criminals na hanggang ngayon ay patuloy ang paghahasik ng lagim sa ibat-ibang parte ng bansa partikular sa National Capital Region (NCR). Ipinag-utos ni Pangulong Duterte kamakailan na kailangan tapatan ng mga pulis ng kanilang motorcycle unit ang mga kriminal na naka-motor. Nagalit ang Pangulong sa nag-viral sa social media na isang inosenteng sibilyan na naka-motor ang kitang-kitang walang awang binaril at inagawan pa ng motor at pera. Ang tinutukoy po natin ay si Niño Luegi Hernando,…
Read MoreIKULONG ANG MGA MANDARAMBONG SA PROYEKTONG NORTHRAIL!
SAGAD-SARING mandarambong ang mga opisyal ng North Luzon Railways Corporation (Northrail) at pamahalaang panlalawigan ng Bulacan dahil P656.35 milyon ang pondo ng pamahalaan na ‘nawala’ at ‘nasayang’ noong 2011. Ayon sa ulat ng Commission on Audit (COA), P656.35 milyon ang kabuuang “public funds” ang kuwestyonable sa proyektong daraanan ng tren ng Northrail. Sa multimilyong halagang ito, P423.46 milyon dito mula sa P505.35 milyong pondong pambili ng mga lupa para sa “additional right – of – way” ay nadiskubre ng COA na mayroong iregularidad. Kapag sinabing iregularidad, mayroong korapsyon. Pero dahil…
Read MorePAGBIBIGAY NG KURYENTE SA MGA LIBLIB NA LUGAR SA BANSA
NGAYONG panahon ng pandemya, marami ang napipilitang manatili sa loob ng kani-kanilang mga tahanan upang manatiling ligtas sa virus na COVID-19. Upang magpatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan sa kabila ng pandemya, inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang blended learning approach. Sa nasabing istratehiya, napakahalaga ng papel na ginagampanan ng kuryente. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na marami pa ring lugar sa bansa ang nananatiling walang kuryente dahil hindi ito abot ng mga pasilidad ng kuryente sa bansa. Ang One Meralco Foundation (OMF), ang sangay ng Meralco…
Read MoreKAUNTI NA LANG AT BIBIGAY NA ANG KATAWAN NI OFW ELENITA SAMSON
LABIS-LABIS ang aking pasasalamat sa mga opisyal ng ating embahada sa Saudi Arabia lalo na kay Ambassador Adnan Alonto. Gayundin ang aking pasasalamat sa mga kinatawan ng Philippine Overseas Labor Office sa pamumuno ni Labor Attache Nasser Musta at sa mga Welfare Officers ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) na sina Atty. Llewelyn Perez at Levy Rey Gabutan. Kahanga-hanga at masasabi ko na sulit ang serbisyo na kanilang ipinagkakaloob para sa ating mga OFW. Bagaman, may ilang pagkakataon na minamasama ng ilang mga volunteer advocate ang kanilang mga nagiging hakbang,…
Read MoreMENTAL HEALTH SERVICES GAWING ACCESSIBLE SA MAHIHIRAP
HINIHIMOK natin ang gobyerno na gawing mas accessible sa mga mahihirap ang mga serbisyo sa kalusugang pangkaisipan sapagkat maraming Pilipino ang nakakaranas ng mga mental issues sa gitna ng pandemya. Batay sa Special Initiative of the World Health Organization (WHO) — Philippines na isinagawa noong unang bahagi ng 2020, hindi bababa sa 3.6 milyong mga Pilipino ang nagdurusa sa isang uri ng karamdaman sa pag-iisip, neurological, at substance use disorder. Marami sa atin ay hindi maayos ang kalagayan at ang nakakalungkot ay hindi lahat ay kayang bayaran ang mga serbisyong…
Read MoreSMB mahuhubaran ng PH Cup title?
BISPERAS ng pagdiriwang ng ika-45 season ng PBA, may isang mamamahayag ang nagtanong sa kanyang panulat kung anong koponan sa 12 miyembro ng ligang propesyonal ang makapipigil sa San Miguel Beermen? Naitanong din ng sumulat kung may koponang may kapasidad na pigilan ang SMB sa pagdomina sa prestihiyosong Philippine Cup na animo’y pribadong pag-aari na nila. Nagsimula ang Season 45 ng PBA noong Marso 8 kung kailan nilampaso ng Beermen ang kapatid na koponang Magnolia Hotshots, 94-78. Nagsilbi itong hudyat na determinado ang team na dagdagan pa ng isang taon…
Read MoreINIINSULTO NG MGA TIWALI SA BUREAU OF IMMIGRATION SI DIGONG
MISTULANG iniinsulto ng mga tiwaling tauhan ng Bureau of Immigration (BI) si Pangulong Rodrigo Duterte dahil kahit nangangalit na ang bagang ng Punong Ehekutibo para idiin ang kanyang galit sa mga corrupt ay parang wala itong epekto sa kanila. Sa panahon ni Duterte nangyari ang pastillas scam sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kinasasangkutan ng mga tiwaling opisyales ng BI. Pag-upong pag-upo pa lamang ng pangulo noong 2016 ay nagbabala na ito sa mga corrupt. Hindi natakot sina dating Commissioner Al Argosino at Michael Robles na humingi raw ng…
Read More