MALINAW na mistulang kalakal na lamang talaga ang pagtingin sa mga OFW. Naihahalintulad na ito sa mga dating ini-export na produkto kung ang pagbabasehan ay ang mensahe na inilathala sa pahayagan mula kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno Ayon kay Diokno, kailangan na samantalahin ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga mas nakakabatang mga propesyonal sa ibang bansa sa oras na matapos na ang krisis dulot ng COVID-19 virus. Sinabi pa nito na “Siguro looking forward, dapat siguro mag-export pa tayo ng madaming nurses, mga doktor, maraming computer…
Read MoreCategory: OPINYON
55 BANSA SA MUNDO NAGUGUTOM, PINAS KASAMA
LUMABAS sa pagdinig ng House of Representatives sa Proposed Budget for FY 2021 ng Department of Agriculture (DA) kamakalawa (July 8, 2020) na kasama na kakapusin ng pagkain ang Pilipinas. Sinabi ni DA Secretary William Dar na sa taong 2019 pa lang ay 55 bansa na o katumbas ng 135 milyong katao ang nakakaranas ng kawalan ng kapanatagan sa pagkain (acute food insecurity). At sa nakalipas na apat (4) buwan ay umabot na sa nakakaalaramang report ang isinumite ng Food and Agriculture Organization (FAO) na bilang ng mga tao na…
Read MoreFAKE NEWS SA QC KAPIT LANG
HINDI makapaniwala ang mga taga Quezon City sa balitang inilabas mismo ng City Hall na pangalawa raw si Mayor Joy Belmonte sa may pinakamataas na approval rating sa lahat ng mga alkalde sa Metro Manila. Ito ay base sa naging resulta kamakailan ng isinagawang survey ng isang kumpanya na kung tawagin ay RP Mission and Development Foundation, Incorporated. Sa nabanggit na survey ay nanguna si Pasig City Mayor Vico Sotto na may approval rating na 86 percent. Pangalawa si Mayor Joy Belmonte na nakakuha ng 80 percent rating. At pumangatlo…
Read MorePAGSASAMANTALA SA PANAHON NG PANDEMYA
SA panahon ng pandemya at krisis, maraming mga tao o organisasyon ang nagtutulong-tulong para abutan ng tulong ang mga nagigigpit at higit na nangangailangan. Nakaka-inspire sila sa marami kaya ginagaya sila ng iba upang sa abot ng kanilang makakaya ay mayroon silang matulungang kababayan na higit na nangangailangan sa panahon ng krisis. Pero mas marami rin ang nagsasamantala. Marami ang sinasamantala ang krisis tulad nitong kinakaharap nating pandemya sa COVID-19 para lalo silang magkamal ng salapi. Hindi na ako magbabanggit ng pangalan pero marami na tayong naririnig na mga taong…
Read MoreMAAYOS NA PAG-IISIP IPAKITA NI SENADOR KIKO PANGILINAN
ILANG beses na akong naka kabalita o nakakarinig ng taong napakalayo sa pangyayari ang “analysis” o pagsusuri sa isang pangyayari. Mayroong abogado, journalist, komunista at pulitiko. Ang pinakabago sa kanila ay si Senador Kiko o si Francis Pangilinan na Pangulo ng Liberal Party, ang partido ng mga dilawan. Walang problema kung i minungkahi ni Pangilinan na magsagawa ng imbestigasyon ang Senado hinggil sa pagkakapatay ng ilang tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa apat na kasapi ng Philippine Army (PA) kahit nagsasagawa na ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of…
Read MoreSECRETARY MENARDO GUEVARRA, UMAYAW NA?
NAKAPANGHIHINAYANG naman ang ginawang pagtanggi ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra sa nominasyon sa kanya ni dating Sandiganbayan Associate Justice Raoul Victorino na maging isa sa mga mahistrado o Associate Justice ng Supreme Court. Ang kagaya ni Sec. Guevarra ang isa sa maituturing din na karapat-dapat na maging mahistrado ng kataas taasang hukuman dahil na rin sa angkin nitong dunong at bihasa sa mga usaping legal na maaring sandigan ng katotohanan pagdating sa aspetong legal. Ang mga kagaya ni Sec. Guevarra ay malaki ang maitutulong sa hudikatura lalo na’t…
Read MoreOFW, APEKTADO RIN SA PUJ PHASE-OUT
PINASIMULAN ng Department of Transportation nuon pang 2017 ang programa upang mapaunlad ang transportasyon o tinatawag na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Layunin ng programang PUVMP na mas maging maayos. ligtas at environment friendly ang transportasyon. Kung kaya kanilang napagdesisyunan na tanggalin o i-phase out ang aabot sa 220,00 PUJ na may 15 taon ng ginagamit at palitan ito ng mga electronic o solar powered na mga sasakyan. Kabilang sa maaring matanggal ay ang mga PUJ na pinag-ipunan bilhin ng mga OFW para sa kanilang mga magulang o pamilya.…
Read MoreRICE IMPORTS NG PINAS ITINIGIL NG VIETNAM DAHIL SA COVID?
SAAN kaya pupulutin ngayon ang lahi ni Juan Dela Cruz matapos na hindi na tayo pagbentahan ng bigas ng Vietnam? May plano sanang mag-import ng bigas ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng Philippine International Trading Center (PITC) na tinawag na government-to-government (G2G) rice importation scheme. Inapruban ng Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) ang planong pagbili ng 300,000 metriko tonelada ng bigas sa Vietnam. Pero umayaw ito dahil sa kanilang pangangailangan ngayong nasa gitna ng pandemya ng COVID-19. Ito ngayon ang malaking…
Read MoreGABAY NA LIWANAG SA PAGLABAN SA PANDEMYA
ILANG beses na nating nasaksihan ang positibo at napakama tinding epekto ng pagtutulungan ng pamahalaan at ng pribadong sektor. Ngayong panahon ng pandemya ay muli nating nakikita kung paano ito ipinamamalas ng dalawang sektor ng lipunan. Bagama’t wala pang bakuna laban sa COVID-19, nakatitiyak ako na ito ay magiging daan upang mapagtagumpayan natin ang pan demyang ito. Ang pagtutulungan na ito ang magsisilbing pag-asa at gabay patungo sa muling pag bangon nang sama-sama. Sa kabila ng isyung kinakaharap ng Meralco at sa suliranin sa billing ng mga customer na kanilang…
Read More