PROGRAMA NG OWWA PARA SA AKTIBONG OFWs

MAAARING hindi popular para sa maraming overseas Filipino workers (OFWs) ang a king tema. Pero, mayroon tayong kasabihan na ang nagsasabi nang tapat ay magsasama nang maluwat. Kaya sa pagkakataong ito ay “real talk” muna tayo. Tuwing ako ay nagpapaskil ng mga benepisyo o suporta ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa mga OFW ay sangkaterbang negatibong komentaryo o “bashing” ang aking natatanggap. Malimit nga na sabihin nila na ang tagal-tagal na nilang miyembro ng OWWA, pero kahit minsan ay hindi nila napakinabangan ang ahensiyang ito. May reklamo rin…

Read More

DUAL CITIZEN SA MASS MEDIA NARARAPAT IPAGBAWAL

HINDI ko masisisi ang mga kongresista na ipagbawal na nang tuluyan ang dual citizen na mamahala o magmay-ari ng mass media company lalo na ang mga broadcast media dahil malalagay ang interest ng bansa sa alanganing situwasyon kapag nagbanggaan na ang dalawang bansa kung saan siya kapwa citizen. Oo nga naman, kailangang purong Filipino ang dapat mamamahala at magmamay-ari sa isang broadcast network para hindi na siya malito kung saan siya papanig at mangingibabaw sa kanya ang kapakanan ng bansa. Sa kaso ni ABS-CBN chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III…

Read More

ONLINE SEXUAL EXPLOITATION, BAGONG VIRUS SA BANSA

DUMAMI ang kaso ng online sexual exploitation sa kabataan habang nasa gitna nang pana-nalasa ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Nitong nakaraang buwan ng Abril at Mayo, walang pasok sa mga eskuwelahan ang mga kabataan kung kaya’t nasa bahay lang sila. Hindi rin sila makalabas sa kanilang mga bahay basta-basta dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa buong bansa. Wala silang pinagkakaabalahan kundi mobile phone at internet sa kani-kanilang mga tahanan kaya may mga nasadlak sa kanila sa online sexual exploitation na kadalasan pa ang nasa likod…

Read More

PANGULONG DUTERTE, SINUWAY NG PHILHEALTH?

“HABANG meron tayong krisis, ang naging desisyon ng Presidente (ay) huwag na muna tayong magpataw ng karagdagang pahirap sa ating mga OFWs, lalong lalo na sa panahon na napakarami sa kanilang nawalan ng trabaho at pinauwi. Iyan naman ay nagkaroon nang mabilisang aksyon ang ating Kalihim ng Kalu sugan at sinuspinde nga ang increased collection para sa PhilHealth,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Mahigpit na pinanghawakan ito ng ating mga kabayaning overseas Filipino workers (OFWs) kung kaya labis nagpasalamat ang mga ito sa ating pangulo. Pagkakaunawa ng karamihan ay…

Read More

PAGBANGON NG EKONOMIYA, UMPISAHAN NA

NGAYONG araw nakatakdang ianunsyo sa publiko ang magiging kapalaran ng National Capital Region (NCR) ukol sa kung anong uri ng community quarantine ang ipatutupad ng pamahalaan. Tayo ba ay mananatili sa general community quarantine (GCQ) o maaari na ba itong ibaba sa modified GCQ (MGCQ)? Ayon sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, may posibilidad din na muling itaas sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR at Cebu. Sa kabila nang patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa, marami ang umaasa na mananatili tayo…

Read More

PUSA NAGING ABALA, INISAHAN NG MAPAGLARONG DAGA

NAGING abala ang mga awtoridad nitong nakaraang buwan ng Abril at Mayo dahil naka-lockdown ang buong bansa dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19. Nagtayo at nagbantay ng mga checkpoints sa ibat-ibang lugar sa bansa lalo na sa mga pasukan at lagusan ng mga lalawigan, lungsod at bayan ang mga pulis bilang paglaban sa hindi nakikitang kalaban. Kahit na nakalockdown ay nakakalusot pa ang mga tiwaling tao gamit ang kanilang passes.namabuking lang Kamakailan nang magkahulihan na nga. Sa natanggap na press statement ng PUNA mula sa tanggapan ni PNP Chief…

Read More

MATRIKULA, HUWAG ITAAS

ANG pagkakaalam ko, taun – taon humihiling ang mga pribadong unibersidad at kolehiyo na itaas ang kanilang matrikula na madalas namang .inaaprubahan ng Commission on Higher Education (CHED). Bago magkaroon ng iba’t ibang itsura ng ‘community quarantine’ (CQ) sa iba’t ibang panig ng bansa dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), napakaraming unibersidad at kolehiyo ang humiling sa CHED na itaas ang kanilang matrikula ngayong pasukan. Sa Agosto ay simula na ang pasukan ng mga unibersidad at kolehiyo na pasado na sa CHED ang mga alituntuning magbibigay ng maksimum na proteksyon…

Read More

KALAYAAN, MABUHAY (NGA BA)?

IPINAGDIWANG natin kahapon ang ika-122 taong kalayaan ng ating Inang Bayan… ang minamahal nating Pilipinas. Ang paglaya ng “lahing kayumanggi” sa mahigit 3 siglong pananakop ng Espanya. Salamat sa mga Bayaning Filipino na inalay ang buhay para makalaya sa mga Espanyol na naging malupit sa mga kalahi natin na tinawag nilang Indio lalong lalo na sa mga tulad nila Gat Andres Bonifacio, Gat Jose Rizal at mga Filipinong walang pangalan pero sila ang nagbigay lakas at puwersa kaya nagtagumpay ang himagsikan. Ika nga ni Andres Bonifacio na utak ng KKK…

Read More

BILHIN NG LGUs MGA GULAY NG MGA MAGSASAKA

NABANGGIT ni Senador Francis Pangilinan sa kanyang press statement nitong Hunyo 10 ang ibinalita ni Agriculture Secretary William Dar na mahigit dalawang bilyon daw ang binili ng mga pamalaang lokal na mga gulay at prutas ng mga magsasaka nitong panahong ng enhanced community quarantine (ECQ). Ang mga nabiling kalakal ay isinama ng local government units (LGUs) sa kanilang food reliefs sa kani-kanilang nasasakupan. Kalahating totoo, kalahating kasinungalingan ang pahayag ni Dar. Kalahating totoo dahil totoo namang mayroong mga LGU na namili ng mga gulay at prutas mula sa mga magsasaka…

Read More