7.3-M NA TAMBAY SA PINAS DAHIL SA COVID

KAWAWANG Inang Bayan na dating mahirap ay lalo pang naghihirap dahil sa pananalasa ng pandemic na coronavirus disease 2019 (COVID-19). Marami nang nawalan ng trabaho mula sa mga masahista (therapist), jeepney drivers, UV express drivers, beauticians at maging ang Overseas Filipino Workers (OFWs). Libu-libo na ang nakauwi sa kanilang mga probinsiya, subalit patuloy pa ang pagdating ng OFWs mula sa ibat-ibang bansa. Pagdating sa Pilipinas, wala silang trabaho kaya naman inaasahan natin na dadami pa ang magiging istambay sa bayan ni Juan. Sa pinakahuling report ng Philippine Statistic Authority (PSA)…

Read More

BAGONG PANANAW, PAG-ASA SA TESDA

KAISA ako ng maraming overseas Filipino workers (OFWs) sa natutuwa sa pagkakatalaga kay dating OFW Representative John Bertiz sa bago nitong tungkulin bilang Deputy Director General ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Bilang isang OFW, sa tuwing  may matatalaga sa tungkulin na mula sa hanay ng mga OFW ay nakakakita kami ng bagong pag-asa na tunay na maisusulong ang kapakanan at pangangailangan ng mga migranteng Filipino. Sa pagsisimula sa tungkulin ni DDG Bertiz, umaasa ang maraming OFW na mas magiging akma sa panahon at progresibo ang magiging programa…

Read More

KALAKARAN SA PAGGAWA NG BATAS

MATAGAL nang gawain ng mga mambabatas, hindi lamang sa Kamara kundi sa Senado na bumoboto sila sa isang panukalang batas na hindi nila lubos na nauunawaan o kaya pinag-aaralan. Sa kalakaran sa kongreso, maraming mambabatas ang hindi talaga naghahain ng panukalang batas na kapaki-pakinabang sa sambayanang Filipino dahil karamihan sa kanila ay local bills o ang kanilang distrito lang ang makikinabang. Karaniwan sa local bills na ihinahain ng mambabatas ay palitan ang pangalan ng highway sa kanilang distrito, palitan ang pangalan ng mga eskuwelahan sa kanilang distrito, magtatayo ng national…

Read More

NAGMAMALASAKIT BA TALAGA SI SENADOR VILLANUEVA SA MGA MANGGAGAWA?

NAPAKARAMING kumpanya ang tumigil ang operasyon nang magkaroon ng samu’t saring uri ng lockdown sa bansa dahil sa nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19). Dahil dito, nakaraming kapitalista ang nagpatupad ng patakarang “no work, no pay” Ang resulta, libu-libo ang mga manggagawang nawalan ng kita. Umakyat pa sa 7.3 milyon ang nawala ng trabaho. Namahagi ng P5,000 ayudang – pinansiyal ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa bawat manggagawang nawalan ng sahod sa panahong mayroong enhanced community quarantine (ECQ) at community quarantine (CQ) mula Marso 17 hanggang Mayo 15.…

Read More

PRRD PIPILI NG BAGONG MAHISTRADO NG KORTE SUPREMA

NAGSUMITE ang makapangyarihang Judicial and Bar Council (JBC) sa Malakanyang ng listahan o mga pangalan ng mga napiling maaring ipuno sa nabakanteng posisyon sa Korte Suprema dahil na rin sa pagreretiro ni Associate Justice Andres Reyes Jr. makaraang abutin nito ang mandatory retirement na 70 years old. Sa ipinadalang listahan ng JBC sa Malacañang, nabatid ng inyong ka-SAKSI na nangunguna sa listahan ang isang Minority Muslim Justice na si Court of Appeals (CA) Associate Justice Japar Dimaampao, na sinundan nina CA Associate Justice Priscilla Baltazar-Padilla, Joseph Lopez, CA Associate Justice…

Read More

HUWAG GAMITIN, GALITIN MGA OFW

NAKATUTUWANG mabasa sa mga pahayagan ang tila pagmamalasakit ng ilang senador sa a ting overseas Filipino workers (OFWs). Kamakailan ay nagpalabas pa ng pahayag si Senador Ralph Recto na dapat daw na bigyan ng “red carpet” na pagtrato at pagsalubong ang mga OFW. Ito ay matapos na maipakita sa ilang pahayagan at tele bisyon na may ilang mga Filipino ang stranded sa airport para makauwi sa kanilang probinsiya. Kalaunan, nadiskubre na ang mga nasabing locally stranded individuals (LSI) ay hindi mga OFW kundi mga mamamayan na nagbabakasakali na makauwi sa…

Read More

CHINA, KUNG NAGING RESPONSABLE LANG SANA

DPA

Noong ilabas ng Philippine Statistic Authority (PSA) ang kanilang report na umabot na sa ‘double digit’ (17.7%) ang unemployment rate na epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at umaabot na sa P1.2 trilyon ang nawala sa gobyerno, gustong kong sigawan at sabihin sa China: “tingnan n’yo ang ginawa n’yo sa Pilipinas!” Kung naging responsable lang sana ang China, hindi natin pagdadaanan ang pandemya sa COVID-19 at hindi mawawalan ng trabaho ang may 5 milyong Filipino sa isang iglap lang sa loob ng dawalang buwan. Mas darami pa ang mawawalan ng…

Read More

WALANG TURISTA, MAYROONG TERORISTA

PUNA

MAY nag-request sa PUNA na isulat daw natin ang mainit ngayong isyu, ang Anti-Terrorism Bill na isinusulong sa Kongreso. Tanong nila sa atin, bakit daw tinututulan ito ng mga taga-oposisyon at ilang showbiz personalities? Tatamaan daw ba sila nito? Hindi ba kaya nga Anti-Terrorism Bill dahil laban ito sa mga terorista? Ayaw daw ba nilang tumahimik ang bansa natin? May punto po ang sinasabi ng ating mga taga-subaybay na matagal nang naghihirap ang taumbayan dulot ng mga magugulong grupo. Kung hindi naman sila sumusuporta sa mga terorista bakit naman nila…

Read More

GCQ PARA SA MULING PAGBANGON NG EKONOMIYA SA GANANG AKIN

Sa Ganang Akin

ANG pagtatapos ng buwan ng Mayo ang naging hudyat nang pagtatapos ng enhanced community quarantine (ECQ) sa bansa partikular na sa Metro Manila. Sa unang araw ng Hunyo sinimulang ipatupad ng pamahalaan ang general community quarantine (GCQ). Ang pagluwag ng restriksyon mula ECQ patungong GCQ sa kabila nang patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa ay nangangahulugan na ang desisyong ito ay ginawa ng pamahalaan hindi dahil sa handa na tayo kundi dahil kailangan nang umpisahan ang pagbangon at pagbabalik-operasyon ng ekonomiya. Ang pagpapatupad ng…

Read More