Nangialam na si Noynoy sa kaldero para sa SEA Games. Pwede naman daw maghanap ng mura bakit napunta sa mahal. Nakalimutan lang naman ni Noynoy na P10 bilyon ang ginastos sa APEC noong panahon niya. May mga nagsabi tuloy na mga komento sa social media na kakaiba itong si Noynoy. Hindi po ganoon, huwag ganoon. Hindi po kakaiba si Noynoy kaya nga kahit nakamasid lang ang mga nasa pamahalaan sa hostage-taking sa Luneta noon ng mga turistang Intsik ay natuloy pa rin sa malungkot na katapusan ang ilang oras na negosasyon. Ito ay napanood sa buong mundo.…
Read MoreCategory: OPINYON
PAG-HOST NG SEA GAMES, ISANG MALAKING KARANGALAN
Kaliwa’t kanan ang batikos na ibinabato rito sa pinagawang kaldero para sa opening ng 30th SEA Games na nagkakahalaga ng P50 milyon. Maliban pa rito ay ang nakabinbing pagsisiyasat ng Kongreso para sa P1.5 bilyong pondo para sa paghu-host ng paligsahang ito na hindi umano dumaan sa public bidding. Marahil ay marami ang nagtatanong kung ano ba ang mahihita rito? Nauna nang tinanggihan ng bansang Brunei ang pag-host nitong paligsahang ito dahil sa kakulangan ng pondo. Dahil dito ay malinaw naman na isang matinding hamon ang pag-host nito pero sinalo…
Read More3 POULTRY FARMS ‘WAG TANTANAN
Hindi dapat tumigil ang Sanitation Health Department ng San Miguel, Bulacan laban sa inirereklamong tatlong poultry farms na malangaw sa Brgy. Calumpang sa nasabing bayan. Hindi na mawala-wala ang dami ng langaw na nagmumula sa RTV-VTV 28 farm, J2 Plus farm at BIGA farm. Tuwing makalipas ang 28-araw ay nagha-harvest ang mga poultry farm na ito. Kaya naman sobrang daming langaw na napupunta sa mga kabahayan na mga katabi nito. Hindi po sabay-sabay nagha-harvest ang mga farm na ito kaya hindi na nawawalan ng langaw sa mga kabahayan. Matatagpuan po…
Read MoreTAGUMPAY VS TERORISMO
Maiging mapag-aralan ang ugat ng terorismo sa Pilipinas upang nang sa gayon ay malunasan na ito at hindi na muling lumitaw pa sa ating bansa. Ang terorismo ay pandarahas upang makamit ang minimithing karaniwan ay hindi pinaniniwalaan ng mga mamamayan at taliwas sa sangkatauhan. Naging kasangkapan ang terorismo, ang paghahasik ng lagim, upang makamit ang makasariling interes o upang itulak ang baluktot na paniniwala. Tunay na ang karahasan ay natural sa tao. Salat sa katwiran ang mga naghahasik ng terorismo, salat sa dunong ang mga nangdadahas, salat sa pang-unawa ang…
Read MoreNAPABAYAAN NG GOBYERNO
ISA sa malapit sa puso ko ay ang pagsasaka dahil nagkaisip ako sa probinsya (sasabihin ko sana lumaki pero hindi naman ako masyadong lumaki) kung saan ang pangunahing hanapbuhay ay nasa bukid. Mula nang magkaisip ako, wala akong nakitang magsasaka na umasenso maliban lang doon sa mga may malalawak na sakahan kaya maraming kabataan o halos lahat na ng kabataan ngayon ay walang planong sundan ang kanilang magulang sa pagsasaka. Hindi ko masisisi ang mga kabataan kung aayawan nila ang bukid dahil nakikita nila ang hirap sa pagsasaka at pagkatapos…
Read MoreSOLGEN CALIDA TAGAPAGTANGGOL NG POGO
MAGKAKASALUNGAT talaga mag-isip at mag-interpret ng batas ang mga abogado. May kanya-kanya silang pananaw o opinyon sa iba’t ibang kaso. Intindido ko ang usaping ‘yan dahil kung naging abogado ako, siguradong iba rin ang opinyon ko sa ibang abogado. Ang hindi ko maintindihan at nakaaalarma ay ang ginawa ni Solicitor General Jose Calida na pagtatanggol sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na hindi raw dapat nagbabayad ng buwis ang mga kompanyang bahagi ng industriyang ito at ang kanilang mga empleyado. Mayorya ng mga negosyante sa POGO ay mga Intsik. Sa…
Read MoreRFC WORKERS NA BINUWAG NANG MARAHAS PINUNA NI MAYOR VICO
UMALMA si Pasig City Mayor Vico Sotto sa ginawang marahas na pagbuwag ng Regent Foods Corporation (RFC) sa 23 katao na nagsagawa ng piket sa kanilang pabrika sa nasabing siyudad. ‘Hindi sila mga kriminal’, ito ang sinabi ni Mayor Vico sa management ng RFC. Hindi n’yo pwedeng itulad si Mayor Vico sa ibang alkalde ng bansa na kumakampi sa mga may pera. Sa pangalan pa lang Vico, ibig sabihin sweet magmahal ang batam-batang alkalde ng Pasig. May pinagmanahan si Mayor, ‘di po ba, bossing? Sinabihan ng alkalde ang management ng RFC na iatras ang kaso laban sa 20 manggagawa.…
Read MoreTAKOT SA DIYOS
Ang isang bansang walang takot sa Diyos ay nahaharap sa pagkagunaw at kamatayan. Anumang talino ay hindi matatawag na katalinuhan bagkus ay pawang kapalaluan lamang kung hindi nag-uugat sa takot sa Diyos. Lubhang napakahalagang pag-aralan ang takot sa Diyos dahil dito umuusbong ang totoong katalinuhan at kaalaman. Maaaring itrato itong mala-siyensya bagama’t higit sa siyensya. Mismong konsensya ay kinikilala ang Diyos. Napakaraming batas ng Pilipinas at patuloy na lumilikha pa tayo ng napakarami pang batas ngunit paulit-ulit na lamang na ang mga suliranin natin sa pamayanan na resulta ng krimen…
Read MoreBAWAL NA ANG DELIKADONG VAPE
Taong 2017 nang ipag-bawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa pamamagitan ng isang executive order at sumunod lahat ng esta-blisimiyento sa buong bansa at naglagay ng mga no-smoking and smoking area. Mayor pa lamang ng Davao City si Pangulong Duterte nang matagumpay niyang ipagbawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa lungsod at ang mga nahuhuli ay ginagawaran ng karampatang parusa ayon sa nilalaman ng City Ordinance. Ngayon naman ay vaping in public ang ipinagbawal ng pangulo na dapat sana ay napabilang na rin sa inilabas na…
Read More