BATA, BATA TURUAN MO NGA KAMI

FOR THE FLAG

Nasa 25 milyon na ang mga musmos sa buong mundo na ayon sa United Nations ay displaced ng sari-saring mga giyera sa iba’t ibang parte ng daigdig. Samantala, sa Pilipinas, nasa 30,000 hanggang 50,000 na mga musmos ang direktang naaapektuhan taun-taon ng mga bakbakan sa pagitan ng ating mga sundalo at mga grupong katulad ng MILF, MNLF, NPA, Abu Sayyaf at iba pang mga teroristang grupo. Sa mga kalye sa Metro Manila, karaniwan nang nakasasaksi tayo ng mga batang hamog na ang mga lansangan na ang nagsisilbing tahanan nila at…

Read More

COURT MARSHALS DAPAT NOON PA

PRO HAC VICE

Sa totoo lang, noon pa sa panahon ng yumaong si Supreme Court Chief Justice Renato Corona, nagpahiwatig na ito na sana makita naman ng mga mambabatas ang kalagayan ng mga hukom at mahistrado na nakatatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay dahil lamang sa pagganap ng mga nakaatang na tungkulin. Kaya lamang, dahil sa hindi feel ng nakaraang administrasyon si CJ Corona at ginawa ang lahat para siya ay mapatalsik sa puwesto ay wala ring isa man sa mga mambabatas noon ang nagpanukala gaya ng ginawa ni House Deputy Speaker Johnny…

Read More

ANGKAS MAKABIYAHE PA KAYA SA 2020?

PUNA

Nakasalalay na sa gob­yerno ang kapalaran ng 27,000 Angkas riders kung makabibiyahe pa sila o hindi, pagpasok ng 2020. Ang nasabing motorcycle taxi ay binigyan ng ‘six-month pilot operations’ ng Department of Transportation (DOTr) para patunayan nilang ligtas sila bilang public transportation. Nagsimulang mag-operate ang Angkas noong nakaraang Hunyo at magtatapos ito sa Disyembre. Ibig sabihin, pwedeng magpatuloy at pwede ring hindi. Noong unang bumiyahe ang Angkas ay pinaghuhuli ang mga ito ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at DOTr dahil ilegal umano ang operasyon nito. Dahil dito, ang…

Read More

WALANG PANUKALANG BATAS PARA SA MGA MANGINGISDA

BADILLA NGAYON

ANG mga mangingisda ay isa sa mga batayang sektor ng bansa na walang kaduda-dudang kabilang sa mga napababayaan ng pamahalaan. Ngunit, wala itong kinatawan sa kasalukuyang mababang kapulungan ng ika-18 Kongreso. Kaya, walang umiintindi at nagmamalasakit sa sektor ng mga mangingisda sa Kamara del Representantes. Malaki ang naitutulong ng sektor na ito sa ekonomiya ng bansa. Ngunit, sadyang binabalewala ng pamahalaan at ng mga mambabatas ang sektor ng mga mangingisda. Ang masama rito, may ilang opisyal at kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na pinagkakaperahan ang mga…

Read More

SOCIAL MEDIA ANG MAY SALA

DPA

MULA nang nauso ang makabagong teknolohiya kasabay ng pagsulpot ng internet, napagaan ang buhay ng mga tao pagdating sa komunikasyon at malaki ang naitulong din nito sa negosyo at sa lahat ng sektor ng lipunan. ‘Yung mga dating nag-uusap lang sa pamamagitan ng sulat na dalawang linggong inaabangan ang pagdating ng mga nagdadala ng sulat sa bahay mo ay pwede nang mag-usap sa pamamagitan ng smart phone basta may data lang. Ang overseas Filipino workers (OFWs) na hindi nakakausap ang kanilang pamilya kung hindi tatawag ay maaari na silang mag-usap nang live…

Read More

BANDALISMO SA MAYNILA

SIDEBAR

OPERASYON-PINTA o O-P ang terminong ginagamit ng mga aktibista sa pagpipintura ng mga islogan sa mga pader na gamit ang kulay pulang pintura bilang simbolo ng militansiya ng mga kabataan na nagsusulong ng pambansa-demokratikong pakikibaka. Operasyon-Dikit naman o O-D ang tawag ng mga aktibista sa pagdidikit ng mga poster na kadalasan ay mag islogan ding isinulat sa pinturang pula sa mga lumang dyaryo at idinidikit sa mga poste at pader gamit ang nilutong gawgaw at ispongha. Bahagi ng gawain ng mga aktibista ang O-P at O-D pero kahit pa sabihin nilang…

Read More

BACOOR RECLAMATION PROJECT PARA SA PROGRESO

FOR THE FLAG

Nakapagtataka naman kung bakit ang ingay ng ­ilang grupo laban sa reclamation project sa Bacoor City samantalang para sa progreso ito ng Cavite. Una nang umangal si Sen. Cynthia Villar dito na makaaapekto raw sa kanyang Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area Project samantalang wala namang pag-aaral na isinagawa upang ito ang maging konklusyon ng senadora. Maganda sana ang proyektong iyan na gustong pangunahan ng Frabelle at Aboitiz, na tiyak na makikinabang ang mga Caviteño at mga karatig-lugar, ngunit winawasak ng ilang grupo. Ngayon, ang DENR naman ay na-hostage…

Read More

HANDOG NA PALUPA SA RIZALEÑONG MAGSASAKA

FORWARD NOW

Kaisa tayo ng Department of Agrarian Reform sa pamamahagi ng lupang sakahan para sa mga magsasakang walang sariling lupa na unang hakbang ng gobyerno upang mabago ang buhay ng mga benepisyaryo. Sa kabuuan, 807 agra­rian reform beneficiaries (ARBs) mula sa Rodriguez, San Mateo, Teresa, Morong, Baras, Pililia, Jalajala, Tanay, at Pinugay – mga lugar na sakop ng Ikalawang Distrito ng Rizal, ang tumanggap ng kanilang Certificate of Land Ownership Awards para sa 737.0017 ektarya na lupang sakahan na ipinamahagi noong Setyembre at Oktubre. Tiniyak din natin sa ARBs na ang suporta ng gobyerno ay hindi nagtatapos lamang…

Read More

ILEGAL NA SUGAL HAMON KAY GEN. DANAO

HAGUPIT NI BATUIGAS

Malaking hamon sa liderato ni Region 4-A director Brig. Gen. Vicente Danao ang naglipanang ilegal na sugal sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON). Matatandaan na sa unang araw pa lamang ng kaniyang pagkakatalaga bilang kapalit ni Brig. Gen. Edward Carranza, hinika­yat niya ang hanay ng kapulisan sa CALABARZON na tumulong upang ipatupad ang mga programang kinabibilangan ng Anti-Criminality; Anti-Corruption at Anti-Illegal Drugs na siya ring prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte. Subalit sa kabila ng ‘No Take Policy’ na iniutos ni Danao, nabalitaan natin na pa­tuloy pa rin ang operasyon ng mga…

Read More