Sa aking ilang dekada bilang isang PR Practitioner, pinakamatagal at mas kilala ako bilang Tagapagsalita at Pinuno ng Public Information Office ng Meralco. Bukod dito ay ako rin ang kasalukuyang Chairman ng International Association of Business Communicators o ng IABC Philippines. Para sa akin, hindi biro ang maging isang lider dahil hindi lang naman kasanayan at kaalaman ang kailangan para mamuno, kung hindi ang makuha ang tiwala ng iyong mga katrabaho. Kaya nga sakto rin ang tema ng aming 2019 Year-End General Membership Meeting na “Trust and the Public Servant”.…
Read MoreCategory: OPINYON
ANTI-DRUG CZAR
Si dating Pangulong Joseph Estrada ang bukod-tanging naging “Anti-Crime Czar” nang likhain ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Presidential Anti-Crime Commission (PACC) at ginawang chairman nito ang kanyang bise presidente noon na si Estrada. Hindi siguro magiging pangulo ng bansa si Estrada kung hindi niya nagampanan nang mahusay ang kanyang pagiging anti-crime czar sa pamamagitan ng PACC at task forces nito na siyang responsable sa mga accomplishment ng komisyon. Inakala ng political advisers noon ni FVR na papalpak si Erap sa kanyang trabaho bilang PACC chairman at epektibong “anti-crime…
Read MoreKONTRATA SA MAYNILAD AT MANILA WATER, DAPAT REPASUHIN!
Para kina Bayan Muna Representative at Deputy Minority Leader na si Carlos Isagani Zarate at Chairman ng Bayan Muna na si Atty. Neri Colmenares, dapat na ituring na public utility ang tubig dahil ito ay buhay para sa lahat. Kung gayon, ang operasyon, pagmamay-ari, pagtatatag at pagmantina sa waterworks systems ay dapat pinamumunuan at kontrolado ng pamahalaan. Hindi ba’t napakahalaga nitong larangan para lamang ipaubaya ng pamahalaan sa mga pribadong sektor na ang pangunahing hangarin ay kumita? Gayundin, ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay binigyan ng mandato na…
Read MoreMULTO
Kuwento ng aking nasakyang taxi driver na akmang pang-Halloween. Eto raw ay mismong nangyari sa kanya. Pasado hatinggabi noon, may pumara sa kanyang babae, patungong Kyusi. Hindi na niya napigurahan ang babae, bukod sa nasa kabataan pa umano ito. Nang makarating na sa Kyusi ay pinara ng babae ang taxi sa harap ng isang bahay na bunggalo. Nagpaalam ang babae na akmang kukuha lamang ng pamasahe sa kanyang tinutuluyan, ngunit matagal-tagal na ay hindi pa rin lumalabas sa bahay ang kanyang pasahero. Sa kanyang pagkainip ay kahit makakabulabog sa mga…
Read MoreMAHIGIT 500 TEENAGERs ANG NABUBUNTIS KADA ARAW?
Abay dapat nang maalarma ang pamahalaan sa ulat na ito ng Council for Welfare of Children (CWC) na nagkukumahog ngayon upang matugunan ang nakakabahalang pagtaas ng bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis. Sa tala, mahigit 500 teenagers ang nabubuntis kada araw. Hahabulin na ba natin ang populasyon ng China? Dahil dito ay susulat na ang CWC kay Pangulong Rodrigo Duterte upang maideklarang national emergency ang sitwasyon na ito ng mga teenager sa bansa na maagang lumobo ang tiyan. Paliwanag ni CWC Undersecretary Mitch Cajayon-Uy na susulat sila at magpapatawag ng…
Read MoreTULONG NG CHINA SA ‘PINAS, KULANG SA PUBLISIDAD?
Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang takot ng marami nating kababayan hinggil sa tulong na ibinibigay ng bansang China sa ating bansa partikular sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Naisip ko na lang na baka kulang ang publisidad ng China hinggil sa mga tulong nito sa Pilipinas o sadyang malakas pa ang propaganda ng Estados Unidos para palakasin ang sentimiyentong anti-China at pro-US ng mga Filipino. Nitong nakaraang tatlong taon (2016-2019) halimbawa, tumaas ang bilang ng mga turistang Chinese sa bansa ng 150 porsyento mula…
Read MoreNTC MAAYOS
Masarap kapag mabuting balita naman ang ating inihahatid sa ating mga suking mambabasa. Nakakatuwa kapag may mga ahensya tayo na maayos na nagseserbisyo sa taumbayan. At sa diwang ating binanggit ay may magandang balita si Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio, Jr. na pinapupurihan ang National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa mabilis na paghahatid ng mga pampublikong serbisyo bilang pagsunod sa Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018. Sa pamamagitan ng pag-angat sa pampublikong serbisyo, sinabi ni Secretary Rio…
Read MoreBAHAY AT BUHAY
(Ikalawang bahagi) Naririnig ko pa rin sa isip ko ang tinuran ng alkalde ng Maynila tungkol sa pagbibigay-dignidad sa mga sarili ng mga kababayang mahihirap kahit man lang sa paglilinis ng kanilang mga tirahan. Tamang-tama naman ang mga tirurang ito. Kaugnay nga ng mga naitanong ko sa unang bahagi ng sula-ting ito, paano nga ba natin maipapaunawa ang ibig sabihin ng salitang dignidad para sa mga taong ang tirahan ay nakasingit-singit sa mga estero? O kaya’y nakasiksik sa mga ilalim ng tulay, o gilid ng mga lumang establisimiyento sa siyudad? Paano…
Read MorePENSION SYSTEM SA PILIPINAS, ISA SA PINAKA-ATRASADO SA MUNDO
Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Australia, ang Pilipinas ay isa sa may pinakamalalang pension system sa daigdig. Ayon sa Melbourne Mercer Global Pension Index (MMGPI) 2019, ang a-ting retirement income protocol ay 43.7 mula sa 100. Ito ay naglagay sa ika-34 mula sa 37 na bansa na sinuri. Para sa mga lider ng Bayan Muna na si Rep. Carlos Isagani Zarate at Chairperson Neri Colmenares, ito ay salamin sa kalunus-lunos na kalagayan ng ating senior citizens at mga retirado. Ito ay hudyat ng napakalaking pangangailangan upang itaas ang…
Read More