“Nais nating malaman kung ang Kaliwa Dam nga ba talaga ang sagot o magbibigay ng solusyon sa problema natin sa tubig sa Kalakhang Maynila.” Ito ang ating maikling pahayag o naging reaksyon sa panayam ng ilang mamamahayag kaugnay sa naturang proyekto. Mahigpit na tinutulan ng mga residente at lokal na opisyal ng ilang bayan sa Quezon maging ng karatig-lalawigan nito ang balak na pagtatayo ng Kaliwa Dam sa bayan ng Infanta. Hindi rin kaila sa atin ang mariing pagtutol ng simbahan sa proyekto gayundin ang mga katutubong Dinagat na naninirahan…
Read MoreCategory: OPINYON
OBESE NA MGA PULIS DAPAT MAG-DIET!
Noong panahon ni dating PNP chief Director General at ngayon ay Senador Panfilo “Ping” Lacson ipinag-utos nito sa lahat ng mga tauhan ng pulisya na sumailalim sa training para maging maliksi, malusog at epektibo sa pagpapatupad ng batas. Napag-aralan nang husto noon ni Lacson na marami sa mga pulis ang hindi na halos makapagtrabaho dahil sa sobrang katabaan at hindi makahabol sa mga kriminal sa oras ng may responde kaya ni-require nito ang 40 inches waistline sa lahat ng mga pulis. Maraming mga pulis na matataba noon ang nahirapan na…
Read MoreSEGURIDAD NG MGA GUSALI, IMPORTANTENG SUNDIN AT OBSERBAHAN
Noong nakaraang linggo lang ay lumindol sa bandang silangang bahagi ng bansa kung saan kumitil ito ng walong buhay at nag-iwan ng dose-dosenang mga nasaktan. Ang pangyayaring ito ay isang paalala sa matagal nang inaabangan nating lahat na tinatawag na “The Big One” na maaaring dumating kung kailan hindi natin inaasahan. Nang dahil dito sa lindol na naganap mukhang dapat pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno kung anong klaseng teknolohiyang pangkonstruksyon o paggawa ng bakal ang naaayon para sa ating bansa. Ang mga pangambang ito ay marahil naging sanhi rin…
Read MoreBAWAS-PRESYO SA GAMOT MALAKING TULONG SA MAHIHIRAP
Inihayag kamakailan ng 18 multinational drug makers sa bansa sa ilalim ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines na magkaisa upang mag-alok ng mabababang presyo sa kanilang mga gamot. Kung magkakatotoo ito, kasama sa mga mababawasan ng presyo ay ang mga gamot sa tinatawag na rare disorder, major non-communicable diseases at infectious diseases na karaniwang mga sakit na dumadapo sa tao. Ang grupo ay plano ring mag-alok ng ‘holistic and comprehensive’ na pagtulong, partikular sa mga may cancer, kabilang ang diskuwento para sa mga laboratory test. Ang apat na…
Read MoreBAHAY AT BUHAY
(Unang bahagi) Ilang taon na rin ang nakararaan nang mawala ko ang mga koleksiyon ko ng CDs ng kanta nang masunog ang isang kubong pahingahan sana namin sa isang nayon sa timog-Katagalugan. Kasama rito ang CD ng isa sa hinahangaan kong alternative at aktibistang mang-aawit na si Gary Granada. Kagabi, nang makita ko ang balita sa TV tungkol sa kampanya sa Maynila na linisin at pagandahin ang kapaligiran, sa pangkalahatan maganda naman ang dating nito at sumasang-ayon ako sa hangarin. Tama naman na bigyan natin ng inspirasyon ang mamamayan na…
Read MoreBUHAY NA BAYANI SI PACQUIAO
KAMAKAILAN ay lumabas sa mga balita na may dalawang true-to-life story ng mga bayani ang gagampanan ng ating “Pambansang Kamao” na si Sen. Manny Pacquiao. Ang una ay ang ginawang biopic para sa ating magiting na bayani na si General Miguel Malvar at ang isa naman ay ang Hollywood biopic ni Col. Macario Peralta na itinuturing na bayani noong World War II. Gaya ng tipikal na Pinoy, may mga kababayan tayong bumabatikos kay Sen. Pacquiao dahil sa kanyang pagganap sa ating mga pinagpipitagang mga bayani. Pumapalag din ang mga kamag-anak…
Read MoreTUGON NG SSS SA MATERNITY BENEFIT NA HINDI NAKUHA DAHIL SA MANUAL POSTING
G. Petil: Ito ay bilang tugon sa reklamo ni Gerlie Adoptante sa inyong pitak na may pamagat na, “SSS maternity benefit hindi makuha dahil sa manual posting at prior registration” na nailathala sa inyong pahayagan noong Oktubre 12. Nakipag-ugnayan na ang SSS Sta. Maria Branch kay Ms. Adoptante at pinayagan na siyang isumite ang mga dokumento niya ukol sa kanyang maternity reimbursement claim. Ito’y ipoproseso sa sandaling maitama ang kanyang membership status. Ikinalulungkot namin ang pagkaantala ng pagpa-file ng kanyang maternity benefit claim dahil “prior registrant” ang membership status niya…
Read MoreRAMON ANG: HINDI KO KILALA SI JULIA BARRETTO
Nilinaw ni business tycoon Ramon Ang na wala siyang relasyon kay Julia Barretto. Lumutang kasi ang ngalan ni Ang, na isa sa Forbes Magazine richest Filipinos, sa ilang print at social media matapos ang umiinit na awayan ng mga Barretto. Maaalalang mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte pa ang umawat sa awayan ng mga naggagandahang mga Barretto sa mismong lamay ng ama ng Barretto sisters. Kanya-kanyang kampihan ang mga Barretto ngunit habang lumalala ang awayan ay nabubulgar ang mga pangalan ng mga naging karelasyon nila. Nag-ugat din ang awayan ng…
Read MoreMAY SAKIT NA, PINAGTATRABAHO PA; J-MAC INT’L MANPOWER TINATAWAGAN NG PANSIN
Natanggap ko ang sulat na sumbong ng ating kabayani na si Ruvie Deligero dahil diumano ay may karamdaman na nga siya ay pilit pa rin siyang pinagta-trabaho ng kanyang employer. Si OFW Deligero ay namamasukan bilang kasambahay at nakarating sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng J-MAC International Manpower. Halos bagong dating pa lamang ni OFW Deligero sa magulang ng kanyang orihinal na amo ay aksidenteng nadulas ito sa sahig habang s’ya ay naglilinis. Sa pakiramdam n’ya ay talagang napasama ang kanyang pagkakabagsak, pero tiniis n’ya ito at patuloy na nagtrabaho.…
Read More