(Ikalawang bahagi) BATAY sa mga nauulinigan minsan ng mga kuwentuhan ng kung sinu-sinong taong nakasasalamuha, maraming eksenang nangyayari sa mga jeep na nagpapakita ng kaugalian at kultura ng mga Filipino. Naaalala ko pa ang mga nakakatuwang kasabihan na madalas ay makulay na nakasabit o nakapaikot sa loob ng mga jeep. Halimbawa nito ay ang “God knows Hudas not Pay.” Isang nakatutuwang paggamit ng mga imahe galing sa relihiyon upang ipakita ang ilang kagawian ng ilang mananakay. Dahil sa sistema ng paraan ng pagbabayad, talagang ‘di maiiwasan na may maaaring makalusot.…
Read MoreCategory: OPINYON
SUWELDO NG MGA GURO, DAPAT ITAAS
Panahon na upang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagtaas ng suweldo ng mga guro na kinikilala nating gabay ng susunod na mga henerasyon. Naniniwala tayo na ang ibinibigay na malasakit at sakripisyo ng mga guro sa pampublikong paaralan ay isa sa mga pangunahing susi sa paghubog sa pagpapahalagang moral at antas ng edukasyon ng ating mga kabataan. Dapat lamang na tumbasan ito ng nararapat na benepisyo upang makaagapay sila at magkaroon ng disenteng pamumuhay ang kanilang pamilya. Ang inihain po sa Kamara ng inyong lingkod na House Bill (HB) No.…
Read MoreTAMBALANG GOB. DANIEL FERNANDO AT VG WILHELMINO SY-ALVARADO, HINDI MATITINAG!
Marami ang nag-iintriga sa magkapartner at magkasanggang-dikit na sina Bulacan Governor Daniel Fernando at Vice Governor Wilhelmino Sy-Alvarado na maghihiwalay daw ang dalawa, kesyo maglalaban daw ang mga ito sa mga hinaharap na panahon. Makailang beses nang ipinaliwanag ni Fernando na maganda ang kanilang samahan ng kanyang partner na si Alvarado at wala sa kanilang bukabularyo na sila ay mag-aaway at maghihiwalay. Pinabulaanan din ni Fernando ang mga intriga na si Alvarado umano ang nagpapatakbo ng Kapitolyo. “Uulitin ko, maayos ang aming pag-uusap ni Willy, nagkakasundo kami at nag-uusap kami…
Read MorePAGHARAP SA PROBLEMA NG PRODUKTONG PLASTIK
Jerusalem, Israel – Paghahambingin ko ngayon ang pagharap ng Pilipinas at ng Israel sa mga problema nito na sanhi ng mga produktong plastik. Patuloy na tumataas ang paggamit ng mga taga-Israel ng mga produktong plastic na maituturing single-use plastic o SUP gaya ng mga plastik na kutsara’t tinidor, mga plato, baso at iba pang produktong gawa sa plastik na minsan mo lamang magagamit. Ngunit dalawa sa 16 na lungsod nito ay nagsusulong ng kanilang inisyatiba na solusyunan ang lumalaking problema ng Israel ukol sa mga produktong plastik. Ito ay ang…
Read MoreJEEPNEY AT ANG KULTURANG PINOY SA PAGBABAGO
(Unang bahagi) MAY mga pagtutol sa pagpapanukala ng modernisasyon ng jeepney sa Pilipinas dahil sa mga hindi katanggap-tanggap na implikasyon nito sa pangkalahatang kalagayan at kabuhayan lalo na ng mga maliliit. Partikular yaong mga pamilyang nais sanang magkaroon ng sariling kabuhayan na hindi na kailangang mag-empleyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling isa o dalawang jeep na pampasada. Pero sa bagong panukala, tila mawawalan na sila ng karapatang makapamasada. Hindi ko na masisilayan malamang sa mga kalsada ang ilang jeepney na ipinagmamalaking “Katas ng Saudi” ng ilang kababayang pagkatapos makaipon…
Read MoreGOOD LUCK SA TRAPIK!
HINDI na talaga biro at nakakapraning na ang nararanasan nating trapik araw-araw sa Metro Manila at sa mga kalapit na lugar na labis nang nakaaapekto sa ating ekonomiya at sa pamumuhay ng mga mamayan. Halos araw-araw na lamang ay nai-stress ang commuters, at motorista dahil sa mahabang oras na ginugugol sa trapik sa kanilang pagpasok sa trabaho, schools at iba pang pupuntahang lugar at pag-uwi sa kanilang mga bahay. Ang usapan nga ngayon tungkol sa pupuntahang meeting, family gatherings, o anumang lakad sa Metro Manila, ang karaniwang maririnig mo sa…
Read MoreOFW TINAKOT NA PUPUTULAN NG DALIRI; DREAM BUILDERS INT’L MANPOWER TINATAWAGAN NG PANSIN
LABIS-LABIS na takot ang nadarama ngayon ng isang OFW na nasa Kuwait dahil sa banta ng kanyang employer na puputulin ang kanyang daliri at pupunitin ang kanyang passport sa oras na siya ay magreklamo at magsumbong. Ito ang ang ipinarating sa Ako OFW ng kabayani natin na itago natin sa pangalan na “Em-em Pie” na kasalukuyang nasa bansang Kuwait. Siya ay nakarating sa Kuwait sa pamamagitan ng Dream Builders Int’l Manpower Corp. noong Nobyembre 19, 2018. Ang lahat ng gastusin kasama ang kanyang uniporme at pagkain ay sa kanyang suweldo…
Read MoreSSS MATERNITY BENEFIT HINDI MAKUHA DAHIL SA MANUAL POSTING AT PRIOR REGISTRATION
MISYON Aksyon, taga Pandi, Bulacan po ako at isang masugid na tagasubaybay ng inyong kolum sa Saksi Ngayon. Una po’y pagbati sa lahat ng iyong mambabasa. Nais ko pong humingi ng tulong ukol sa aking SSS Maternity Benefit kasi inaabot na po ng dalawang taon mula nang isilang ko ang aking anak. Nanganak po ako noong March 16, 2018 sa aking pangalawang anak. Noong April 4, 2018, nag-file ako ng maternity benefit kaya lang nagkaroon po ng problema dahil sa aking dalawang employer na Kabayan San Jose Builders Hardware at…
Read MoreIN DENIAL PA RIN
Kahapon ay pinanindigan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na siya ay magku-commute papasok sa Malakanyang upang patunayan umano na walang transportation crisis. Magmula Marikina ay nag-jeep ito hanggang Cubao at mula Cubao naman ay sumakay ito sa LRT-2 bago umangkas sa motor hanggang sa kanyang opisina. Inabot ito nang halos apat na oras papunta pa lang sa kanyang opisina samantalang hindi pa siya dumaan sa EDSA. Ngunit sa halip na magkaroon siya ng self-realization sa araw-araw ng sakripisyo ng ating mga kababayan ay lalo pang ipinagyabang na walang transportation crisis…
Read More