BOC CHIEF, MAHIGPIT

RAPIDO ni PATRICK TULFO

MAINGAY ang pangalan ngayon ni Bureau of Customs Commissioner Ariel Nepomuceno dahil sa mahigpit umanong sistema ngayon sa ahensya.

Ayon sa mga balita, mahigpit daw ang pagpapatupad ng “No-take” policy ni Comm. Nepo, kaya takot din ang mga nasa ibaba dahil siguradong sipa ang aabutin nila sakaling mahuli sila.

May narinig nga akong balita na isa sa nasipa ng commissioner ang dating deputy commissioner na pinagkakitaan umano ang mga abandonadong balikbayan box na dahilan ng kaliwa’t kanang problema ng ahensya. Wala namang kumpirmasyon ang balitang ‘yan, pero kung totoo man ito, ibig sabihin ay seryoso ang komisyoner na linisin ang ahensya.

Ayon naman sa nabasa ko, hindi raw tulad noong nakaraang administrasyon na bawal makialam ng BOC sa mga importasyon ng face mask at face shield na galing China kung saan kumamal umano ng bilyong pisong halaga ang mga malalapit sa dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngayon daw ay mahihirapan ang sinomang gustong magpasok at maglabas ng kargamento sa BOC dahil mahigpit umanong ipinag-utos ni Com. Nepo ang paghahanap ng mga papeles sa bawat shipment na papasok at daraan sa kanilang ahensya.

Kamakailan nga ay napigilan ng Customs ang pagpasok ng halos kalahating bilyong pisong halaga ng shabu sa bansa nang masabat nito ang mga makinarya mula sa bansang Mexico kung saan itinago ito.

Ayon sa aming panayam kay Atty. Chris Bendijo, ang Deputy Chief of Staff sa opisina ni Commissioner Nepo, alam na ng ahensiya ang paparating ng droga kaya nakipag-ugnayan na sila sa PDEA para masabat ito.

Pero ‘di sapat na mahigpit si Com. Nepo, dapat ay alisin din sa pwesto ang mga bulok na kawani ng ahensya upang tuluyang malinis ang kanilang hanay.

Ilang administrasyon na ang nagdaan pero hindi naman nalinis ang ahensya ng BOC, pati na ang Bureau of Internal Revenue (BIR). Kailangan talagang ang iupo sa mga ahensyang ito ay malinis, hindi naglilinis-linisan lang.

Marami rin kasing mapagkunwaring malinis, pero bulok din, magaling lang magtago

66

Related posts

Leave a Comment